[ 40 ] Winner and Loser

Start from the beginning
                                    

"Bakit, sweety? Interesado ka ba sa 'kin.?"

"Hindi. Naitanong ko lang."

"Bakit mo natanong?"

"Mukha kasing ang dami mong girlfriend, eh."

"Mukha lang 'yon. Alam mo, wala akong oras para sa ganon pero kung ikaw ang magiging girlfriend ko, gagawan ko 'yon ng paraan."

"Kumain ka na nga lang."

Sa mga napansin niya kay Jico noong nakaraang gabi at ngayon, napansin niya na babaero ito at dinadaan ang mga babae sa pagiging sweet niya pero hindi rin siya nadadala doon.

Habang kumakain, naramdaman niya ang vibration ng phone niya sa bulsa niya. Kinuha niya ito at nang makita na si ZAC ang tumatawag, sinagot niya iyon.

"Bakit?"

"Nasaan ka?"

"Bakit mo natanong?"

"Sabihin mo na lang kung nasaan ka. Pupuntahan kita ngayon na."

Na-sense na ni Jico kung sino ang posibleng kausap ni Steffi kaya inagaw niya ang phone ni Steffi at inilagay sa loudspeaker ang phone.

"Don't worry, she's with me. She will be safe."

"Tang*na mo, Jico! Subukan mo lang galawin siya at mapapatay kita!"

"Hindi ako takot sa 'yo. Sabi ko nga sa 'yo, safe siya sa 'kin."

Hindi na hinayaan pang makasagot ni Jico si ZAC at tinapos na nito kaagad ang tawag saka nito ibinalik kay Steffi ang phone niya.

"'Yan, wala ng istorbo. Eat, Steffi."

"Ano na naman ba ang ginawa mo?"

"Napaka-impatient naman niyang boyfriend mo. Kaso napansin ko lang, mukhang one-sided love ang meron kayo."

"Paano mo nasabi?"

"Steffi Geneere Santillan. Seventeen years old. Ampon ka ng isang business person na isa sa mga maliliit na kakumpitensya ng Tatay nina ZAC. Nalugi ang business ng Tatay mo at namatay siya dahil sa brain tumor. Now, you want revenge. Do I need to say more?"

Napanganga at nanlaki ang mata ni Steffi sa mga narinig.

"P-paano mo nalaman 'yan? Saan mo nakuha 'yan?"

"I'm an expert at this, sweety. You better remember the name of Jico Choi. Matagal ko ng alam ang lahat ng tungkol sa 'yo. Maghihiganti ka? Kakayanin mo pa kaya 'yon ngayong malapit ka na din mamatay?"

"Jico, tama na."

"I can help you if you will allow me. Hindi ko na kakailanganing kumilos para tulungan ka at ipagpatuloy ang paghihiganti mo. I'll help you undergo the operation and I'll make sure that you will live. Ako ang bahala sa 'yo."

"Paano mo 'to nalaman lahat?"

"I hired a private investigator. Inalam ko lahat ng pwede kong malaman tungkol sa 'yo at naisip ko na patayin ka na lang dahil ikaw ang kahinaan ni ZAC pero mukhang ikaw pa ang magiging alas ko para matalo siya. Now tell me, are you really into this revenge? Baka naman mahulog ang loob mo kay ZAC at tumigil ka?"

Hindi makapaniwala si Steffi sa mga naririnig. Alanganin na siya ngayon dahil may nakakakilala na sa kanya at alam ang mga ginagawa niya.

"Seryoso ako noong sinabi ko sa sarili ko na maghihiganti ako sa kanila. Sisiguraduhin ko na magagawa ko ang mga bagay na dapat kong gawin bago ako mawala sa mundong 'to."

"Just make sure, baby. Hindi madali 'yang gusto mo kaya mag-ingat ka."

"Why are you telling me this? What do you want from me, Jico? Alam ko na sinabi mo sa 'kin ang lahat ng alam mo dahil may gusto kang makuha sa 'kin."

An Orphan's First Love: Love or Revenge Where stories live. Discover now