Chapter 12 : Hiding Out ©

915 23 0
                                    

Justin

Hindi ko parin maipaliwanang kung bakit dumudugo ang mata ni Andrei.

"Huwag mo nang pansinin ang nangyari sa amin ni An-an, Justin." Turan ni Henry habang nakatignin sakin ng diretso na nakikita ko sa rear mirror.

Nakahinga si Andrei sa kanyang balikat at natutulog dahil sa pagod ng kanyang ginawa sa restaurant.

"Natural itong nangyayari sa kanya lalo't tuwing bumubukas ang mata niya." Napataas ang kilay ko at napangisi.

"Parati naman bukas ang mata natin?"

"Ang ibig kong sabihin ang iespiritwal na mata niya." Napatango ako at patuloy sa pagmamaneho.

Umalis na kami sa restaurant at ngayon ay pupunta sa isang vacation house sa Rizal. Hindi iyon alam na ibang pamilya na kasusyo ni Tito Travis at kami lamang na galing sa kabilang orden ang nakakalam.

"Saan mo siya dadalhin? Maitanong ko lang." mapaklang tanong ni Henry sa akin.

"Sa isang hideout ng aming orden sa Laguna at doon ko muna siya itatago."
Napatango na lang siya at tumingin sa labas ng bintana.

"Maitanong ko lang bakit pa ako nandito?" Napatignin kaming dalawa ni Henry kay Denver na nasa aking tabi sa harapan.

"Kailangan ko ang tulong mo."

"Bwisit ka! Alam mo bang may date kami ng girlfriend ko! Wala akong oras sa lovey dovey niyong dalawa! At kahit galing ako sa pamilya ng ating orden ay hindi na ako parte nito. Lalo't nakikita ko ang nangyayari dito." Seryosong turan niya sa akin.

"Diba, ikaw may hawak nang susi ng vacation house roon." Napasabunot na siya sa buhok niya na kulang na lang ay tanggalin ang anit niya.

"May tatawagan lang ako." Kinuha niya ang telephono niya sa bulsa niya at may pinidot ang numero na tatawagan niya.

"Hello, Pa."

"Bakit anak?"  tugon ng tao sa kabilang linya. Si Wilson Amorsolo ang kinakausap niya, ang punong pamilya ng  Angkan Amorsolo.

"Bakit niyo ako isinilang?" Halos gusto kong tumawa at itigil ang kotse sa pagtakbo kung hindi lang kami hinahabol ng kaaway ay tinawanan ko na siya ngunit kailangan namin gumalaw.

" Anong klase tanong yan? Umalis ka nga sa orden natin ay tinatanong mo pa yan! Kung nandito ang lolo mo malamang wala na ang pangalan mo sa listahan ng angkan natin."  Naririnig ko ang boses ni Tito habang nilakasan ni Denver ang volume ng telephono.

"Bakit niyo parating binibigay sa akin ang susi sa hideout?"

"Dahil alam kong darating ang pagkakataon na may mangangailangan ng tulong natin. Tama ba ako Justin?" Nanlaki  ang mata ni Denver kung paano nalaman nang kanyang ama na kasama niya ako.

"Opo, Tito. Maraming salamat sa tulong na ginagawad mo samin. Huwag kayong mag-aalala at tutulungan namin kayong palaguin ang negosyo niyo. Dahil labis ang tinulong niyo sa amin." Napatawa si Tito sa kabilang linya.

I Am Arranged to HimWhere stories live. Discover now