Chapter 6 : Efren Soriano ©

2.2K 57 1
                                    

Andrei's POV

"Oh nasaan ang kwento mo?" Tanong ko sa kanya at napatignin siya sa tubig nang labado na puno nang bula.

"Ah ako si Efren Soriano isang estudyante nang Business Adminstration sa UE dito sa Manila." Maikling panimulang sabi niya sa akin.

"Nakatira talaga ako sa Guinobatan , Bicol pero dahil sa pangangailangan ay kailangan kong makipagsapalaran dito sa Manila para sa pangarap ko na maihanon ko ang aking pamilya sa kahirapan na binagsakan namin." At kinuha niya ang maduming plato at nagsimula siya maghugas nang plato.

"Anong nangyari ba sa inyo?" Tanong ko sa kanya at inaabot niya sa aking plato at inilagay ko sa isang tray roon.

"Sabi sa akin ni Tatay Ampon raw niya ako at binigay daw nang kaibigan niya sa kanila dahil namatay daw ang Tatay ko sa Pampanga ko pati ang buong pamilya ko tanging ang Kuya ko at ako lang ang nakaligtas sa trahedyang iyon. Tapos umalis ang Kuya ko papunta sa Manila para hanapin ang kamag-anak rito ngunit pagkatapos noon wala na kaming narinig sa kanya."

Sabi nito sa akin. Soriano? Narinig ko ang apeliyodo na iyan. Parang si Tay Henry ang may apeliyodo doon sa bahay.

"Dahil sa trahedyang iyon halos hindi ako makasalita at balisa sa nangyari pati ang mga aalala ko ay wala na ni isa ay walang natira tangi ang boses nang Kuya ko ang naririnig ko pero nasaan siya yung ang hindi ko alam. Basta kapag nakapagtapos ako nang pag-aaral ay hahanapin ko ang Kuya ko pati rin tutulungan ko na rin ang Pamilyang nag-aaruga sa akin." Nakangiting sambit niya sakin.

"Alam niyo po ang swerte niyo nakapagtapos kayo tapos may sarili na kayong Notary Office pati rin narinig namin kay Sir Justin na ikaw ang future CEO nang company niyo po." Mapait akong nakatignin sa kanya.

"Sa iba kaswertehan ang aking nararanasan ko ngunit sa akin parang ako nasa isang nagaapoy na lugar na hindi kailaman makakatakas roon. Ang hirap maging mayaman. Halos sayo nakatignin at mas lalo walang pumapansin sa akin lalo't na sinasabi nang ibang tao na isang akong ampon ng Quero." Paliwanang ko sa kanya. "Mas gusto ko pang simple na pamumuhay na naranasan ko noon ng College kesa ngayon kasi ang hirap kaya! Yung halos pinupressure ka ng magulang mong magpakasal tapos magparami nang lahi dagdagan pa ang nangyari sa amin ni Sir Justin mo hindi ko na alam ang gagawin ko." At doon binuhos ko ang tubig sa pinggan na hinuhugasan ko. "Hindi alam noon ng kaklase ko na isang akong anak nang mayaman liban noon dumating ang aking Ama sa aking graduation at nagspeech ako sa Colleagues ko nagulat sila nang dumating ang aking Papa pati rin si Mama. At doon sinabit nila ang mga medalya ko na nakamit sa pagsali sa mga kompetisyon pati rin sa pagiging isang Summa Cum Laude. " Nakangiti ako at binigay ang baso sa kanya.

"Dahil sa pagkakataon na iyon ay yinakap at hinawakan niya ang aking ulo sa unang pagkakataon at sinabi sa akin ni proud sila sa akin." Napalungkot ang aking mukha. "Liban sa ngayon at lumalaban ang utak ko sa balak nila sa akin." At doon inaabot ko ang baso pero biglang nahulog ito.

"Sir!" Sigaw sa akin ni Efren at napatignin ako sa sugatan kong kamay na puno ng dugo halos naninikip ang aking dibdib pati ang paningin ay dumidilim at nakakarinig ako ng boses.

"Wag niyong saktan si An-an!" Sigaw nang isang babae sa malayo,

"Hindi siya hayop para gawin ito sa kanya!" sigaw nang boses na iyon.

Tuluyan akong bumagsak sa sahig pero may nakasalo sa akin.

"An-an!" Sigaw ni Justin bago ako sakupin nang kadiliman.

Samantala sa Opisina ni Sir Travis .

Sir Travis 's POV

"Patawad pero kailangan kong gawin ito sayo." At inilabas ko ang isang pulang libro na may kadena na nakabalot rito at may isang kandado rin.

"Anak! Patawad! Pero.." Umiiyak ako habang tinitignan ko ang libro.

"Kailangan mo gawin iyon para sa akin!" Sigaw nang isang malademonyong boses sa akin. "Dahil kung hindi mamatay ang lahat nang taong mahal mo!" At doon naglaho ang boses na iyon pati ang lamig na aking nadarama pati ang takot na aking nadarama.

Bumukas ang pintuan at nakita ko ang isa sa kasamahan namin sa Pangkat namin.

"Sir , Malapit na ang panahon para sa pag-aalay sa Panginoon." Nakangiting sambit sa akin ng isa sa kasapi nang grupo.

"Hinihintay ko lamang ang catalista na magpakita sa alay, George." At ngumiti ako sa kanya nang mapait. At tiningan ko muli ang libro.

Ang Libro ng Kasamaan. 

I Am Arranged to HimWo Geschichten leben. Entdecke jetzt