Prologue ©

11.1K 189 3
                                    

Tumatakbo si Andrei sa mga grupo ng mga kalalakihan na gustong kunin siya pabalik sa kanyang Ama.

"Hindi nila dapat ako mahuli !" sigaw niya sa kanyang isipan .

Patuloy siya sa pagikot hanggang nakakita siya ng eskinita malapit sa isang 7/11 na Convienence Store at doon natago siya sa basurahan .

"Ano ba ito !? Nakakadiri !" at tinakpan niya ang kanyang ilong at tumingin sa paligid .

Hanggang nakarinig siya ng mga kalalakihan . "Baka nandito siya ?" boses ng isa sa mga gwardiya ng Tatay niya .

Dahan-dahang umaalis siya sa mga basurahan at tumungo sa isang pader upang umaakyat roon ngunit sa kanyang pagaakyat ay tumuba ang isang basurahan .

Narinig iyon ng mga gwardiya at hinabol siya patungo sa kung saan sa pupunta .

Lingid sa kanila ay sikretong tumakas si Andrei sa Summer Camp at napaturo sa isang Martial Artist kaya't natuto ito ng Parkour , Karate at Taekwando .

Nakarating sila sa isang pamilihan at nakaisip ng ideya si Andrei at ginulo ang mga nabebenta ng mga prutas sa palengke .

"Hoy ! barayan mo ito ." Sigaw ng isang tinder sa kanya ngunit ngumsi na lang si Andrei habang patungo ang mga gwardiya ng kanyang Ama at iyon ang napagbutungan ng tindero .

Napatawa siya sa kanyang isipan .

Habang tumatakbo siya ay may nabangga siyang isang matandang ale . Nakasuot ng balabal na itim at may hawak na tungkod sa kanyang kaliwang kamay habang may bayong na may laman na kanyang pinamili .

Bumagsak silang dalawa sa daanan at may napatignin na ilang tao sa kanilang paligid ngunit hindi sila pinansin nito .

"Pasensya na po . " Sabi niya sa matanda tinayo niya ito ngunit pinaghahampas siya nito gamit ang kanyang tungkod .

"Hindi ka tumitignin sa dinadaanan mo ! Parang hindi mo kilala ang iyong sarili . " umiikot ang ulo ni Andrei sa matanda at napaisip sa sinabi nito .

"Anong ibig niyong sabihin ?" tanong nito sa matanda .

May inilabas itong baraha sa kanyang kamay ; At binato ito sa kanya .

"Sa araw na ito ! Makilala mo ang taong tinadhana para sayo ! At mula roon makilala mo kung ka talaga ." isang kakaiba tunog ang naririnig ni Andrei sa kanyang paligid kaya't napaluhod sa sahig at tinakpan ang kanyang tenga .

Ilang saglit pa ay naglaho ang ingay at napatignin sa paligid .

Siya'y nakaluhod sa gitna ng daanan at nakatapat sa kanya ang baraha .

Kinuha niya ito at tiningan ang likuran nito ; isang nakakasilaw na bagay ang kanyang nakita. Isang lalaking nakasuot ng bilugan na salamin, may katangakaran sa kanya, mala-tsoklateng mata na may mapupulang labi. Ang kanyang maputing porcelanang balat na hindi pa nalalapnusan .

"An-an !" sigaw ng lalaking iyon; hinahabol niya ako

"Ano ba layuan mo ako!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi mo ba ako maalala?" tanong niya sakin.

"At sino ka naman?" tanong ni Andrei sa kanya.

"Ako ang taong tinadhana para sayo, sa oras na makita kita walang kang kawala sakin." Sabi ng lalaki sa kanya.

Nagiba ang itsura ng buong paligid; mula sa isang malaputing pasilyo at naging hardin na puno ng mga bulaklak at mga paru-paro. Nakatignin si Andrei sa dalawang tao na nasa lamesa na naguusap.

I Am Arranged to HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon