Chapter 11 : His Acquintance and Protectors ©

1.1K 28 2
                                    


Justin's POV

"An! An!" Umaahon siya sa lupa at binuhat ko ang kanyang katawan at tumakbo ako patungo sa kotse.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga kaibigan ko.

"Pre!Kailangan ko ang tulong mo." At doon kinuha ko ang susi sa aking bulsa ngunit parang wala ito sa dalawa kong bulsa.

"Shit!" Nandoon sa loob ng bahay na iyon ang susi ng kotse ko.

Inilabas ko si Andrei at doon inilapag sa sahig kahit ayokong kong gawin pero tinawagan ko ang kaibigan ko.

Bakit hindi ko kinukuha ang susi roon sa bahay ni Brian?

Alam ko naman ang kalokohan ni Brian kung sakali pumunta ako sa kanya at hindi ako papayag na mangyari iyon.

Habang nakatuktok ang aking tenga sa cellphone ay naramdaman ko ang paggalaw ng kamera sa labas ng mansyon ni Brian.

Kaya nagiisip ako ng paraan upang hindi malaman na walang malay si Andrei.

Tinakpan ko yun mata niya ng salamin sa mata at pinaupo ng ayos sa upuan at lumabas ng kotse.

Tumakbo papasok ng mansyon ni Brian.

Pagdating ko sa loob ay tila nawala si Brian at nakita sa may counter yun susi ng kotse.

Kinuha ko ito at nakarinig ako ng yabag pababa at doon mabilis kong kinuha ang susi at pumunta pabalik sa labas ng mansyon.

Pagdating sa kotse ay pumasok agad ako at nakita ko sina Brian kasama ang mga alipores kaya't tumakbo ako patungo sa loob ng kotse at pinaandar ito.

Pagtakbo ko ay napatignin ako sa salamin ng rear mirror ko at nakita ang mga tao ni Brian na parang nawalan ng pera.

Pagtakbo ko ay inilagay ko sa may dashboard yun cellphone ko at idi-dial ko ang number ni Denver.

"Denver! Nasaan ka ngayon!?" Habang pinapaandar ko ang sasakyan namin,

"Nandito ako sa Shop bakit? Nasaan ka na ba?" tanong niya.

"Nandito ako kina Brian nawalan ng malay si An-an!" Sigaw ko sa kanya.

"Ano!?" Sigaw nito.

"Bilisan mo kailangan ko ang tulong mo! Baka bumalik ang kahibangan ng lalaki iyon at kunin si An-an nandiyan pa naman ang mga alipores niya!" Napatignin ako sa aking katabi at halos hindi siya gumagalaw.

Hinawakan ko ang kanyang leeg at gamit ang dalawang daliri itinapat ko sa dalawang ugat sa kanyang leeg upang maramdaman ang pulso.

Normal naman pagtibok ng kanyang puso at napatignin ako sa kanyang katawan ay normal ang paghinga niya.

Para ata natutulong siya.

"Wag na pala! Napagod lang pala siya!" Sigaw ko sa kabilang linya.

"Bwisit ka! Nandito ako sa kotse ko at pinupuntahan ka!" Naririnig ko ang nakakabingi boses niya.

"Sige sundan mo na rin kami." Pagpatay ko ang tawag ay pinatakbo ko na ito.

Hindi ko na pinansin ang ingay na nagmumula sa boses nila.

Habang nagmamaneho ako ng kotse ay napatignin ako sa kanyang mukha.

Nakapaamo niyang matulong habang ang kanyang marka sa kanyang leeg ay kita habang nakasandal sa may kotse.

Hindi niya ba napapansin ang marka na yan?

Nakapagtataka sa lumipas na taon ay hindi parin nagbabago sa itsura niya.

I Am Arranged to HimOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz