Chapter 9 : Blooming Love©

1.7K 35 0
                                    

Andrei's POV

Ang sarap sa pakiramdam at tila dinadala ako ng mga amoy na iyon sa paraiso.

Dinama ko ang matigas na bagay na hawak ko at tila pa itong humigpit pa ang hawak nito sa akin.

Wait humihigpit ang hawak sa akin ng gamit na iyon!? Minulat ko ang aking mata at nakita ko si Justin na tulong at nakapulupot ang kamay sa aking katawan.

"Ah.." Gusto kong magsalita ngunit lalong humigpit ang pagkayakap sa akin ni Justin.

"Stay." Maawtoridad na utos niya sa akin at doon naningas ako pero kailangan kong bumangon at naiihi ako at doon tinulak ko siya kaya't bumagsak siya sa sahig.

Narinig ko ang daing niya pero hindi na ako umiinik at pumunta na ako sa banyo para umiihi at gawin ang morning rituals ko.

Pagkatapos kong magaayos sa banyo ay nakita ko si Justin na nakasimangot.

"Bakit mo akong tinulak?" Bulyaw niya sa akin.

"Ayaw mong akong bitawan eh!" Sigaw ko sa kanya."Naiihi na nga ako kaya ayan!" At doon bumaba na ako at pumunta sa kusina. Si Justin ayun inaantok parin kaya gumawa na ako ng almusal sa aming dalawa.

Justin's POV

"Nakakainis siya!" Sigaw ko sa salamin habang nag-sisipilyo .

"Halos hindi ako makatulog kagabi sa ginawa niya sa akin kundi lang akong nagkontrol malamang wala na ang pinakaiingatan niya!" Kinakausap ko ang sarili ko habang nagsisipilyo sa harapan ng salamin.

Hindi ako makahinga at halos hindi mapakali dahil sa buong magdamag nakayakap siya sa akin.

"Justin! Bumaba ka na diyan! Nakaluto na ako nang almusal." Sigaw sa akin ni Andrei sa baba habang pinupunsan ang aking basang buhok gamit ng tuyong tuwalya. Nagsuot ako nang tshirt na puti tapos boxer na blue na may stripes na gray.

Pagkababa ko nakita ko inaayos niya ang La Mesa at ang lutong niyang almusal ; May itlog at bacon sa isang plato tapos fried rice sa isang mangkok napangiti ako at nililinis niya ang kutsara at tinidor at nilapag sa isang plato. Napapaisip ako at gumagana nanaman ang imaginasyon ng aking utak sa aking nakikita.

"Tin! Breakfast kain ka na Beh!" Sabi sa akin ni Andrei at hinalikan ang aking labi.

"Wow sarap naman ng luto ng An-an ko."At pinisil ko ang malalambot niyang pisngi at hinalikan ang pisngi.

"Bakit sa pisngi lang?" Nakasimangot si An-an sa akin at tinuro ang labi niya ang napakalambot niyang labi ; hinalikan ko ito.

"Okay na !" Nakangiti siya sa akin at umupo kaming dalawa sa lamesa at kinuha ko ang upuan at doon ko siya pinapaupo.

At doon sinubuan niya ako ng pagkain . "Ang sarap!" Sigaw ko.

"Oo nga masarap yan!" Nagising ako sa boses dahil nakatignin na pala siya sa akin.

"Umupo ka na sabay na tayong kumain ito lang nakita ko sa Ref mo eh kaya ito lang ang nagawa ko." Nakangiti niyang sambit sa akin at doon umupo kami at binigay niya sa akin ang mangkok ng fried rice at kinuha ko ito nilagyan ang plato ko.

"Bakit ayaw mong umuwi sa bahay niyo?" Prangka kong tanong sa kanya. Tumigil siya sa pag-aabot sa akin ng Bacon at Egg . Nilagyan niya ang plato ko nito.

"Kasi ayokong kong pumayag sa kagustuhan ng aking Papa at sinabi sa akin ni Mama na may binabalak sa akin si Papa na masama dahil ikakasal raw tayong dalawa. Doon ako naiinis at nagalit sa kanya, ano ba ang ginagawa ko sa kanya at ganon na lang ang galit niya sa akin. Noong una pumayag ako sa kasal namin ni Helena pagkatapos ito ngayon kasama ko ang taong mapapangasawa ko. "Napatigil siya sa pagsasalita at tila namumula siya sa sinabi niya.

I Am Arranged to HimWhere stories live. Discover now