Chapter 2 : The Forgotten Promise ©

5.9K 116 1
                                    

 Justin's POV

Pagkaalis ni An-an ay tinungo ko agad ang labas parang tingnan ko nakatawid siya ng maayos . Nagtago ako sa isang poste ng ilaw sa aking restaurant para hindi niya ako mapansin .

Pero tila may kakaiba sa kanya parang may kausap ito.

Napatignin siya sa may traffic light at nagsimula maglakad kasama ang dagsa ng tao patungo sa kabila.

Napangiti ako at kung iisipin ay natupad ko ang pangarap ko.

Ang makita ang taong minamahal ko ! Sa wakas at tila tama nga si Papa tila nakalimutan ako ni Justin pero hindi lang niya pinapahalata sa akin .

Pero yung ilang at pagiging galitin niya yung napapatunayan ko may nararamdaman siya sa aking kakaiba.

Hindi parin nagbabago ang kanyang mukha . Ang kanyang mapupula at manipis na labi na tila hinahanap ko at unibrow na kanyang kilay pinaahit ay bagay sa kanya. At malatsoklateng mata na tila isang expresso sa isang café na sarap na tikman ay halos dalhin ako sa saan.

Wala parin talagang pinagbago si Andrei simula noong umalis kami. Isip-bata at talagang may pagkaspoil.

Napangiti ako pero nagiba ang lahat nang nakarinig ako ng sigawan sa kabila at nakita si An na nasa gitna ng daanan.

"An!" Sigaw ko sa kanya ngunit tila hindi niya ako naririnig kaya't kumaripas ako sa pagtakbo at tinungo ang kanyang kinalalagyan at doon umiilaw na berde ang traffic light at nagsitakbuhan ang mga kotse pero naiwasan ko iyon at tinungo si An-an na walang malay .

"An!Gumising ka na !" yinuyugyog ko ang kanyang katawan pero walang siyang malay. Binuhat ko ang kanyang katawan at dinala sa aking shop.

Inilapag ko siya sa isang malaking table. "Efren! Tumawag ka ng ambulansya!" Napatango si Efren sa akin ang isa sa nagtatrabaho sa akin dito sa Restaurant na ngayon ay nag-OOJT sakin dahil magtatapos na siya ng Business Adminstration. "Sige po , Boss!" Tumakbo siya at tumungo sa telephono upang matuwagan sila.

Kinuha ko ang Iphone 10 ko at tinawagan ko si Tita Jessica. "Hello Tita?" panimula kong sambit sa kabilang linya. "Yes , Iho anong problema?" Tanong ni Tita sakin.

"Tita hinimatay po si Andrei buti na lang po nakita ko po dadalhin ko po sa Ospital." Kalmadong kong sambit kay Tita. " HA!" nakakagulat na sigaw sa akin.

"Sir! Parating na po ang ambulansya." Sabi sa akin ni Efren.

"Anong nangyari sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Tita sa akin.

"Bigla na lang po siyang nahimatay sa daanan." Napahinga ako ng malalim at hinitay ko ang sagot ni Tita.

"Sige papunta na kami diyan."Napatingin ako kay An-an at hinaplos ang kanyang ulo niya napadaing siya at napatayo sa isang lamesa.

"Anong nangyari?" Tanong niya sakin.

"Sir, Nandiyan na po ang Ambulansya!" Sigaw sa akin ni Efren at nakita namin ang nasasayawan na ilaw at pumasok ang mga lalaking nakasuot na orange na suit sa aming harapan.

"Nasa po ang dadalhin po Sir?" Tanong sa amin isang lalaki.

"Wala na gising na ho ako na po ang bahala sa kanya." Pero tinignan parin siya ng Medical Team.

Tinanong niya nito pero nakapakamot na lang sa ulo si Andrei sa kanila at napangiti.

"Okay na po ako ." At umalis na rin ang ambulansya . sa kanyang pagkasabi.

"Ayos ka lang ba talaga?"Tanong ko muli sa kanya. Napatango na lang ito at humikab sa aking harapan. "Inaantok ka ba?" Tumango siya muli at umupo ako sa couch at tinapik ang aking tabi. "Halika ka dito ka matulog." Sabi ko sa kanya at parang napuwing ang kanyang mata ay bumahing ito at pumunta sa akin at inilagay ang kanyang ulo sa aking kandungan .

I Am Arranged to HimWhere stories live. Discover now