Chapter 8: Nostalgia ©

1.7K 35 2
                                    

Andrei's POV

"Oy! Tsansing!" Sigaw sa akin ni Justin at napansin kong nakahawak ako sa braso niya.

Tinanggal ko ang kamay na nakapulupot sa katawan niya. Napatingin ako sa paligid at wala na ang babaeng na may mahabang buhok at nanlilisik na pulang mata.

"Loko! Nakakita nga ako ng Multo!" Bulyaw ko sa kanya at doon tumawa siya hinawakan ang aking pisngi,hinaplos ito.

"Tanda-tanda ko noon na tuwing nagsesleepover tayo sa bahay niyo eh parating humahawak ka sa braso ko noon dahil sabi mo may Mumu sa tabi mo at ayaw mo sa kanya." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Teka, Paano mo nalaman na nakakita ako ng multo?' Itinaas niya ang kanyang kamay at doon hinawakan niya ng maigi.

"Kasi nga uulitin ko ako ang Childhood friend mo kasama natin si Brian at Arman noon sa bahay na iyon pero parati kang nakadikit sa akin. Bakit wala kang maalala?" Pagtataka niya at tumungin sa aking mukha.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at umaatras ako sa may couch.

"Anong gagawin mo?" Natatakot ako tila may kakaiba siyang gagawin sa akin.

Lumapit pa siya sa akin ng kaunti at doon ko napagtanto na sobrang ganda talaga ng mga itim niyang mata. Ang manipis niyang kilay at may katangusan na ilog at ang mala-nyebe niyang balat na dumadapi sa aking balat ay parang natatandaan ko kung siya pero bakit ni isang aalala ay wala ako matandaan sa kanya.

Dinantay niya ang noo niya sa aking noo at nakatigninan kami ng matagal.

Sobrang lapit parang hindi ako makahinga nang maayos sa ginagawa niya. Gumagalaw ang katawan niya at hinatak ang aking katawan pinatong sa kanya. Halos naninigas ako dahil may nabubuhay sa pagitan ng aking hita.

"Hindi parin ako makapaninwala na nandito ka sa tabi ko at kasama ko dahil sabi nila ay nawala ka at namatay ka tinago ka sa amin ng magulang mo lalo na si Sir Travis. Hanggang sa isang araw ay sinabi sa akin ni Papa ang kasunduan sa pagitan ng angkan natin. Na ipapakasal tayong dalawa at naulot ang kasal niyo ni Helen Seda dahil kailangan at importante ang okasyon na dahil nasa parte ito ng tradisyon ng mga angkan natin." Paliwanang niya at yinakap niya ako ng mahigpit at inilapit sa ang aming mukha sa isa't-isa.

"Tradisyon ng mga Angkan natin." Napatango siya at hinalikan ang aking pisngi.

"Nakakainis ka! Bakit mo ako hinalikan sa pisngi?" Napatawa siya at ginulo ang aking buhok.

"Hindi ko rin alam basta sabi sa akin ni Papa bago pa siya mamatay ay parte ito nang tradisyon namin na kailangan sa apat na dekada ay kailangan magisang dibdib sa dalawang angkan at tayong dalawa iyon." Nakangiti niyang sambit at doon kinikiliti niya ako.

"Tama na!" Tumawa ako nang malakas at tila pinapasok niya ang kaloob-looban ko sa ibayong saya na aking nadarama.

"Ang kyut mo talaga kahit kailan at hindi ko aakalain na makakasama pa kita." At nakarinig ako nang tunog ng cellphone. Ay cellphone pala ni Justin iyon!

"Hello?" Tanong niya sa tumawag."Sir Marcus?!" Nagulat siya at tila nagtataka sa sinabi nang taong iyon.

Marcus? Marcus Martenei!?Siya yung sa The Sadist? Nakakaloka may kasapi kami na parte ng 7 Demons!?

"Sige po, Maasahanan niyo po at nandito lang sa akin ni Andrei sisiguraduhin ko po na hindi siya makukuha nang ibang tao po. "Nagiba ang mukha ni Justin na tila seryoso sila sa pinaguusapan nila."Maraming salamat po." At binaba niya ang tawag na iyon at tumingin sa akin.

I Am Arranged to HimWhere stories live. Discover now