TP 32- Ninong's long hair

35.3K 503 156
                                    

HAPPY MOTHERS' DAY sa lahat ng mommy readers at sa lahat din ng mommies ng readers. Don't forget to hug them, kiss them and tell them you love them. 🌹

This second update is dedicated to all the moms out there. Mabuhay po kayo! ❤️

Kath's P.O.V

"Love, I miss you." that's the last message I received before ako nag-perform sa mall show ko. Minsan tinatanong kami sinong mas clingy sa aming dalawa? Hindi dahil sa gusto kong ipagtanggol yung sarili ko pero siya talaga ang mas clingy sa aming dalawa.

Before naman ako umalis papuntang Bacolod nakita kaming dalawa. Ayaw niya akong pakawalan ng hug, naka-rest lang ang ulo niya sa crook ng leeg ko while giving me kisses there. I had to say, 'Uuwi naman ako agad eh. Anong pasalubong ang gusto mo?' Para paalisin na niya ako. May one last call pa nga kami bago mag-take off yung plane.

Kung nagkakaroon lang ang mga lalaki, masasabi kong meron siya ngayon pero hindi eh, hindi sila nagkakaroon.

Magkausap kaming dalawa pagdating ko ng hotel. Kinausap niya pa si kuya Robert bago ako nagpaalam kasi we have to leave na. Nase-sense na raw nilang mahihirapan kami papasok sa mall since marami na raw talagang fans.

"Robert wala ako diyan, alagaan mo si bal ha? Hindi uuwi yan ng may pasa o kalmot" Natawa nalang kami pati si mama habang sumasagot si kuya Robert ng, "Opo boss" sa lahat ng bilin ng supremo.

After the show I received five messages from him. Napangiti ako. Lagi kong nakikita sa posts na sinasabing I'm the baby and he's the tatay. I beg to disagree. Ganun nga siya pero most of the time, pa-baby siya especially kapag kaming dalawa nalang.

From: Babe :*
Bali tapos na ang show?

From: Babe :*
Bali tawag ka kapag tapos na ha?

From: Babe :*
Bali tatanungin mo naman ako kung kumain na ako diba? Yes bal, ulam namin kare-kare.

From: Babe :*
Love

From: Babe :*
I love you Bal."

I can imagine him na kinukulit akong sagutin lahat ng tanong niya habng busy ako kaka-instagram. Yung isisingit niya yung ulo niya between my face and my phone para sure na mapansin ko siya.

Hindi ko muna siya pinansin hanggang sa makaalis kami sa mall, pahirapan talaga. Hindi ako nagrereklamo, I will never complain dahil ramdam na ramdam ko kung gaano kami kamahal ng tao.

Nasa sasakyan kami nung tumunog yung phone kong hawak ni mama. Nagtinginan pa kami ni mama habang tumatawa naman si JV bago ko sinagot yung tawag.

DJ: Bal?

Napahinga ako ng malalim. Nawala lang ng pagod ko.

Kath: Hi bali, kakatapos ng show. Pabalik na kami sa hotel.

DJ: Kumusta show?

Kath: Ang daming tao. Hanggang pag-alis ng van hinahabol nila kami. By the way, may fan kaninang meet and greet tinatanong kailan daw ako babalik.

DJ: Babalik ka nanaman?

Kath: She told me dapat pagbalik ko ng Bacolod kasama kita.

Wala siyang sinagot agad. Nakikita ko nang umirap siya habang nagpipigil ngumiti, kinikilig. Oh my baby.

DJ: Anong sabi mo?

Kath: I said hindi pa ako sure. Pero I told her na sana nga pagbalik ko kasama ka na.

DJ: Ahhh

Kath: What are you doing?

DJ: Nakahiga habang nagdo-dota si Jays.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Their Privacy (BTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon