TP 30- You and me against the world.

23K 538 68
                                    

At dahil jinudge niyo ako ito na po 😂





Kath's P.O.V

HAPPY APRIL FOOLS!






Joke lang hahahaha 😂
Serious na. 🤗

Kath's P.O.V
Nung unang nag-beep yung phone ko hindi ko pinansin. Una akala ko si DJ na sinasabing naka-uwi na siya hinayaan ko na kasi ayaw din naman nun na nagre-reply ako kapag ganun lang ang text niya at gabing gabi na. Tska isa pa antok na antok ako kaya kahit gusto kong abutin yung phone ko parang hinihila pababa yung eyelids ko. 7 AM na nung nagising ako. Nagr-ring ulit yung phone ko and nakita ko yung name ni Magui kaya nagtaka ako pero agad ko ring sinagot..

Kath: Good morning Magui.

Magui: Good morning ate Kath. Ate..

Kath: Yes? Is there a problem?

Mabilis akong upo sa bed habang nakasandal sa headboard dahil sa tono ng boses ni Magui. Agad kong naisip na baka may problema niya sa school dahil kung hindi niya kayang sabihin kay tita Karla o kay DJ, ako ang tinatawagan.

Magui: Ate I don't know if you already read mama's messages but... I really think kuya needs you here.

Bigla akong kinabahan. Ano nanamang nangyari?

Kath: O-okay. Tell me what happened.

Parang gusto kong lumipad papuntang Iligan at sampalin yung gumawa nun kay DJ. Sa lahat ng tao sa mundo I'm 100% sure na isa si DJ sa hindi deserving na bastusin ng ganun lalo na ng hindi siya kakilala.

Binaba ko agad yung phone at naligo para makapunta agad kina DJ. Pagbaba ko may kausap si mama sa phone. Tinuro niya yung dining table parang inuutusan akong kumain.

Lhexine: Good moinin tita!

Napangiti ako sa bati ng angel na nakaupo sa dining area.

Kath: Good morning Lhexine!

Hinalikan ko siya sa cheeks at kumuha ng french toast bago ako lumapit kay mama.

Mama Min: Ang babastos na talaga ng mga tao ngayon. Umabot na sila sa ganyan. O sige hayaan mo. Papunta na si Kath.

Si tita Karla ang kausap. Sure na.

Mama Min: Okay sige. Bye.

Nakatitig lang ako kay mama habang nag-aalala.

Mama Min: Masama ang loob ni DJ anak. Pagdating daw kaninang madailing araw dumiretsyo sa kwarto at nag-lock ng pinto.

Gusto ko talagang sugurin yung gumawa nun sa kanya. Gusto ko siyang bawian kasi I'm sure hindi siya babawian ni DJ. Yup, ganun kabait yung, sorry for the word, ginago niya.

Mama Min: Puntahan mo na para kumalma. Tinatawag daw kumain pero hindi sumasagot. Pinasok na rin ni Karla, puro 'okay lang ako ma' ang sinasabi pero hindi naman daw yun ang pinapakita.

Huminga ako ng malalim at pumikit. I'm sure nasaktan siya. Kahit hindi fan ang gumawa nun masakit pa rin na ginanun ka.

Hindi ko naubos yung french toast ko. Uminom lang ako ng gatas, nagpaalam kina mama at umalis na.

Pagdating ko kina DJ, si Lela agad ang sumalubong sa akin.

Lela: Good morning ate.

Kath: Good morning Le. Nasaan sila?

Lela: Si ate Magui po nasa kwarto ni kuya kinakausap po siya. Si mama naman nilulutuan si kuya ng corned beef para kumain daw po.

Kath: Ahhh. Tara.

Their Privacy (BTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon