TP 28- Ice Cream Date 🍦

24.8K 475 34
                                    

PARA SA LAHAT NG "NEXT WEEK" AT "SOON" NA PANGAKO KO 🤣

Hello ate Ched na kinukumusta ako. I'm all good! 👅😂

"Watch out! I'll be back. -Sky 💚"

"I'm coming out wait for me. My parents will give me a beautiful name and I hope you'll love it like my kuya's. -FI 💖"

DJ's P.O.V

After ng photo shoot ko dumiretsyo agad ako sa store kung nasaan sina Magui at ate Roanna. Hindi ko naman kasi alam na may usapan pala ang mga babae sa buhay ko. Kung hindi ko pa tinanong si Magui kung nasaan siya hindi ko pa malalaman. Ang balak ko naman kasi ngayon, isu-surprise ko ng dinner ni Kath dahil sa success ng book launching niya.

Naisipan kong isama si Magui kasi baka kung anong kalokohan nanaman ang gawin. Nagulat nalang ako nung isang araw nasa gym na! Tapos yung suot.. Hay nako! Wala pa man ding bantay yung batang yun! Driver lang ang laging dala. Mukhang makikihati pa kay Robert eh. Konting konti nalang talaga ipapabantay ko na yun. At yun na nga, ang reply niya sa akin..

"Hi kuya I'm with ate Wanna we'll meet ate Kath later. Why? ☺️"

Siyempre agad kong tinawagan yung girlfriend ko.

FLASHBACK.

Kath: Bal?

DJ: Bali anong ginagawa mo ngayon?

Kath: Still preparing for the shoot. Why?

DJ: Bali anong lakad mo ngayon?

Kath: Hmmm.. shoot.

DJ: After shoot?

Kath: Oh! After shoot, oo nga pala Bali! I forgot to tell you. I'm dating ate Wanna and Magui tonight.

Napahinga ako ng malalim. Gusto kong sumama. Hindi naman ako matitiis nito eh.

DJ: Bali sama?

Oo na. Nagb-baby talk ang DANIEL PADILLA! Wala kayong pakialam kailangan kong magpa-cute para isama ako ng girlfriend ko!

Kath: *giggle* What time matatapos ang shoot mo?

DJ: Mabilis lang naman to mahal eh. Bibilisan ko. Sama na ako please?

Kath: Wala ba kayong lakad nila Pat? Or Sed?

DJ: Wala bal. Sama ako ha?

Oo na ulit. Baby talk pa rin ako hanggang mapa-oo ko ang mahal ko.

Kath: Okay. Pero kung mauna akong matapos sayo bahala ka na ha?

DJ: Yes! Oo bali! Mabilis lang to promise.

Kath: *giggle* Okay then. I have to go. I love you.

DJ: I love you Bali! See you later!

END OF FLASHBACK.

Dahil doon, ito na yata ang pinaka mabilis na photoshoot buong buhay ko.

Magkasama sina ate Wanna at Magui sa isang coffee shop kaya doon ko sila dinaanan. Mabuti nalang hiwalay ang sasakyan ko kina Romeo, Robert at Rye ngayon kasi nga balak ko sanang i-date si Kath diba? Kaso naunahan pala ako ng mga kapatid ko. Hindi nila alam na papunta na ako doon. Akala lang ni Magui tinatanong ko siya kung nasaan siya.

Pagpasok ko sa coffee shop, nakita ko kaagad yung nakatayong matangkad na babaeng nakaputi at napakaikli ng shorts. Sabi sa inyo iniinis ako ng batang to eh. May kinukwento yata siya kay ate Wanna habang may actions pa, si ate naman tutok na tutok sa sinasabi. Mabilis kong hinawakan sa magkabilang braso si Magui at hinalikan siya sa buhok. Mabilis rin naman siyang lumingon ng masama sa akin, akala yata ibang tao.

Their Privacy (BTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon