TP 29- BDAY SALUBONG 😎

24.6K 455 39
                                    

DJP BDAY SALUBONG

DJ's P.O.V

Nakangiti lang ako habang pinapanood
'yong girlfriend kong tuwang-tuwang nagshu-shoot ng bola, kasama iyong mga
kaibigan niya, sa rinentahang arcade ni Kath dito sa bahay. May mga handa rin
gaya ng fishball, kikiam, squidball, kwek kwek, balut, cotton candy, fries, isaw at marami pang pagkaing kinalakihan ko. Alam ko ang pakiramdam na 'to eh.
Nostalgic. Oha bilib nanaman kayo sa akin. Malibro na nga kasi akong tao sabi
ko naman dati pa eh bakit ba hindi kayo naniniwala. Ako nga iyong lalaking
version ni Magui, kailangan talagang paulit-ulit sabihin para maniwala kayo eh.

Nandito ngayon ang mga kaibigan ni
Kath, na kalaro na nga niya at mga kaibigan ko para samahan akong salubungin ang birthday ko. Nagulat nga ako kanina kasi ang sabi ni mama sa akin kaninang umaga na maghahanda na siya. Simple lang daw at para sa aming family lang pero bakit ang daming tao at ang daming handa pati may balloons pa? Simple pala to. Ang ine-expect ko naman dinner lang pero ganito pala. Pero hindi naman ako nagrereklamo. Okay lang naman sa akin kasi lalo na nandito rin si tita Min tapos dumaan sina ate Tin at Lhexine kanina. Sina kuya Kevin naman daw busy.

Isa pa surprise ito ni Kath. Na-surprise nga talaga ako eh. Kasama ko siya papunta dito sa bahay kasi siyempre family dinner pero pagpasok namin ng gate may party poppers na sumabog
tapos tinalon-talon na ako ni Sed habang binabati ako ng happy birthday. Tawang-tawa nalang ako sakanya tska ang bakla pero na-miss ko to.

Kanina naman sinabihan na ako ni Kath na sakanya lang daw ako bukas kaya kapag nag-aya sina Sed o Pat, dapat humindi ako. Siyempre naman matic iyon. Tska baka naman magtampo ako kapag walang plano si Kath sa birthday ko. Okay lang sa akin na walang gift, kiss lang solb na pero kahit dinner lang wala? Ano iyon? Joke time? Mukhang astigin lang ako pero madali akong magtampo kapag si Kath ang walang pake sa akin no.

Natatawa naman ako noong kinuha
nilang magkakaibigan si Jordan at pina-shoot din todo cheer sila kahit walang
nashu-shoot at sa kabilang arcade na nagshu-shoot si Jordan.

Sed: Diba tol?

DJ: Ha?

Marco: Spacing out bro.

Katsumi: May tinititigan pa eh.

Pat: Medyo nasasanay na rin akong
tatlong beses inuulit iyong mga sinasabi ko basta na sa paningin niya si Kath
eh.

Sed: Oo no pre?

Nagsi-apir pa sila sa isa't-isa na
parang ang laking kasalanan iyong lagi kong ginagawa sa kanila. Natawa nalang
ako tska mahinang tinulak si JC na nasa tabi ko.

JC: Bakit ako? Wala na nga akong
sinasabi!

Natatawang sabi ni JC bago lumamon
ng kikiam.

DJ: Ano ba kasing pinag-uusapan
natin?

Kats: Kami lang nag-uusap pare.

Sed: Oo nga huwag kang sumasali kami
lang. Diba tol iyong ano..

Umakbay pa si Sed sakanila tska sila
nagsiyukuan na akala mo naman hindi ko naririnig iyong usapan nila. Natawa
nalang akong kumuha ng fishball tska binato sa gitna nilang lahat. Natatawa
silang humarap tska binato iyong stick ng fishball na hawak nila.

Dom: 21 na kasi hindi pa rin nagbabago.

DJ: Mamaya pa ako magtu-twenty-one
ah.

Pat: Okay lang iyon Dom ang importante ikaw daw ang nagbago.

Nagtinginan kaming lahat kasi walang
naka intindi sa sinabi ni Pat. Sabay-sabay naman kami ng "HUH?!" para ipamukha
kay Pat na walang kwenta nanaman iyong sinasabi niya.

Their Privacy (BTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon