TP 13- Love.Work

56.1K 677 139
                                    

Kath's P.O.V

Sobrang sunod-sunod na ang schedule namin ni DJ kaya ngayon sobrang dami na rin ng hawak naming script. First, kasi may PSY concert slash thanksgiving kami sa Oracle Arena which makes DJ sooo excited. Halos hindi na nagbabasa ng script niya kasi nakatutok sa phone. Nags-search ng mga bagay bagay sa Oracle Arena. Kung saan ang store na nagtitinda ng GSW stuff. Lagi niya akong kinukulit tungkol doon. Marami daw siyang bibilhin. Gusto rin niya bumili ng underarmour shoes, again. Napapagalitan na nga siya ni mama kasi hindi talaga siya tumitigil.

Well after ng concert namin, kasali kami sa anniversary special ng Showtime which is Kapamilya Thank You. Makakasama namin ang lizquen at jadine then may sarili rin kaming prod ni DJ. Hindi na masyadong hassle sa amin ni DJ yun kasi wala naman kaming gagawing unusual. Kakanta lang kami then tapos.

After that may ASAP kami nothing unusual again then back to taping na kami.

Iniisip ko palang yung schedule namin nalulula na ako. Sana walang magkasakit sa aming dalawa.

Separate na kami ng locations ni DJ ngayon since yun nga, naghiwalay na si Yna at Angelo. Magkasama lang kami ngayon kasi dumaan siya sa bahay. Ihahatid niya raw ako. Okay. Kaya on the way na kami sa location ko.

DJ: Bal tignan mo oh may ganitong part sa Arena. Dapat may picture tayo diyan ha? Nakita ko kasing may ganyang picture si Steph. Gagayahin ko lang. *smiling happily*

Nagkatinginan kami ni mama at natawa ako sa itsura ni mama kasi kumunot noo nanaman siya.

DJ: Maganda sana kung makalaro ako sa court. Para ma-experience ko rin. O kaya makanood ng game. Mas maganda yun no bal? Tapos doon ako sa bleachers sa likod mismo ng GSW players, ay p*ta ang saya!

Nagulat ako sa sinabi niya. Excited na excited na talaga siya. Tinignan ko si mama, nakatingin siya kay DJ na busy sa phone niya.

Mama Min: DJ.

DJ: Tita. *still looking at his phone*

Mama Min: Alam mo kung anong mas maganda?

DJ: Ano yun tita?

Hindi pa rin siya tumitingin kay mama. Busy siyang nags-scroll pababa sa screen niya.

Mama Min: Mas maganda kung memorize mo na yung lines mo para hindi ka nanaman madaling araw uuwi. Tama na yang phone na yan ha.

Humarap na si mama. Si DJ naman agad na tumingin sa akin. Natawa ako kasi nanlaki yung mata ni DJ.

DJ: Wag ka ngang nakikialam tita.

Agad na lumingon si mama.

DJ: Joke lang! I love you ta Min. *giggling*

Mama Min: Mag memorize.

Binaba niya yung phone niya tapos kinuha yung script niya.

DJ: Ligayaaa!

Tumingin agad ako sa kanya at naka kunot noo. Tumingin din siya sa akin at humawak sa tuhod ko.

DJ: Lahat tayo'y mabubuhay na tahimik at buong.. Ligayaaaaaa.

Kath: Stop.

DJ: Aasahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga. Wag ka sanang magtanong at magduda..

Kath: Shut up nga.

Tinulak ko yung kamay niya palayo sa tuhod ko at tumingin na ako sa script ko. Kunyari nagbabasa. Tumawa lang naman siya at tumingin sa script niya.

DJ: Ilang awit pa ba ang aawitin, o bali ko?  Ilang ulit pa ba ang uulitin, o bali koooo?

Ewan ko napipikon ako kasi annoying siya today kaya naiinis ako sa kanta niya. Ayoko.

Their Privacy (BTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon