TP 6- ASUL

63.3K 805 183
                                    

TP 6- Asul

Kath's P.O.V
2:00 AM

Kakatapos lang ng taping namin super excited na ako para sa celebration namin ng birthday ni Arisse. Super pahirapan din ang paghanap namin ng pagtitirahan namin buti nalang nakakita kami sa Punta Fuego. Naiiyak na nga si Arisse nun kasi wala talaga kaming mahanap.

Naunang na pack-up si DJ. Gusto niya pa akong bantayan pero sabi ko matulog na muna siya. Siyempre mahirap ko nanaman siyang kinonvince na gawin yun but then he did. Nung pack-up na ako, nag-aya na rin agad akong umuwi kasi bukas kaming dalawa lang ni DJ ang pupunta sa Batangas, hindi kami magsasama ng driver so dadalhin niya yung sasakyan niya. He needs enough rest para maayos ang pagdrive niya. Maaga rin kaming aalis after ng celebration ni Arisse kasi may mall show si DJ and dadaan kami sa wake ng mom ni direk Rory. Ini-imagine ko palang yung mangyayari naawa na ako sa boyfriend ko. Alam ko kung gaano nakakapagod ang mall show paano pa yung siya ang magd-drive papunta't pabalik?

Nagpunta agad ako sa room namin para magbihis. Pagpasok ko nakita ko si DJ na naka higa sa bed. Haaay ito talaga. Napatingin ulit ako nung napansin ko yung isang blue rose sa tabi niya. Napangiti ako. Saan naman kaya niya to nakuha? Bago ako magbihis, of course pinicturan ko siya then hinalikan ko siya sa noo.

Kathryn Chandria Manuel Bernardo
Picture: DJ sleeping with a blue rose beside him
Caption: So tired!

After kong magbihis ginising ko agad siya at sa van na ituloy matulog. Umupo siya at ngumiti sa akin. Pagod. Pagod na pagod ang itsura niya. Paano to makakapag-drive bukas?

DJ: *abot ng flower*

Kath: *smile* Para saan to?

DJ: Sabi mo sa akin gusto mong manood tayong dalawa ng blue moon, pero may taping tayo ngayon kaya hindi natin nagawa. Blue rose nalang? *smile*

Kath: *smiling* Thank you.

DJ: I love you.

Kath: *hug DJ*

Hinihintay na namin si mama sa labas ng van sabi ko kay DJ pumasok na para makapagpahinga pero ayaw. Ang gusto manood daw muna kami ng moon kahit 2 minutes lang. At least daw magagawa namin yung gusto kong gawin. Naka akbay lang siya sa akin habang nakasandal kami sa van. Naka balot naman sa waist niya yung kamay ko.

Kath: Alam mo baby sabi nila kapag pinanood mo ang blue moon with the one you love, magiging forever na kayo. Magkakatuluyan kayo.

Tumingin sa akin si DJ.

DJ: Naniniwala ka?

Kath: *nod* Sabi nila eh. Ikaw?

DJ: *giggle* Hindi.

Nagulat ako sa sagot niya kaya tinignan ko siya.

Kath: Bakit?

DJ: Wala yan sa blue moon, blue moon. Ang relasyon ginagawa, hindi inaasa sa blue moon.

Kath:...

DJ: So you mean kapag hindi natin to nakita ngayon hindi tayo habang-buhay? Hindi tayo magkakatuluyan?

Kath:... *titig lang kay DJ*

DJ: Tska papanoorin? Bal anong papanoorin diyan? Hindi nga gumagalaw oh. Nakaka-boring.

Kath: *giggle* Boring? Pero pinipilit mo pa ring panoorin kahit pinapatulog kita?

DJ: Baby ilang beses ko bang sasabihin sayo na gagawin ko lahat ng ikakasaya mo.

Kath: *siko kay DJ*

DJ: *giggle*

Pagdating ni mama pumasok na rin kaming dalawa. Hindi pa man kami nakakalayo bagsak na agad si DJ. Naka hawak siya sa kamay ko at nakahiga sa lap ko. Akala ko naman ima-massage ko lang siya, lagi kasing nagrereklamo na masakit yung likod, yun pala diretsyo tulog na. Kinuha ko yung rose na binigay niya sa akin at siniksik sa kamay naming dalawa then I took a picture of him.

Their Privacy (BTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon