TP 23- Ipakita Mo Nalang

38.3K 563 84
                                    

Hello! TGIF. You survived another week of studying/working! 😂 Sana ma-enjoy niyo ang update na to! Thank you so much!

Kath's P.O.V

Super busy yung araw namin ni DJ. PSY Presscon, Showtime guesting at kakatapos lang ng taping for Tonight With Boy Abunda. Excited kami sa guesting na to kasi nakakakaba talaga specially yung fast talk ni tito Boy.

Nasagot naman namin ng tama yung mga tanong niya pero hindi ko inexpect yung, "Daniel, have you kissed Kathryn on the lips offcam?" Parang, seriously titatanong yan? Kinaya ko pa yung "Have you said I love you to Daniel offcam" eh. Matagal na naming dine-deny ni DJ yun kahit naman naririnig nila sa ASAP o ng mg co-actors namin na laging sinasabi ni DJ yun sa akin. Pero yung kiss? Ay grabe, tinawanan nalang talaga namin ni DJ. Though alam ko naman na ide-deny niya yun,
kinakabahan pa rin ako kasi alam ko naman kung paano sumagot si DJ. Never nawalang ng kalokohan. Magugulat ka nalang bakit ganun kaloko ang mga sagot niya.

Tuwang-tuwa si tito Boy sa aming dalawa at halatang kinikilig sa mga sagot ni DJ. Nakikita ko rin kay tito Boy na gusto niya si DJ as a person. Siguro may factor na pareho silang Waray kaya malapit loob niya kay DJ. Kung meron talagang tao sa showbiz industry na talagang totoo at solid fan namin ni DJ, maliban kay Robi, isa si tito Boy doon.

Bago kami maghiwalay nila tito Boy hinawakan niya yung dalawang pisngi ko at parang nanggigil sa akin. Naf-flatter talaga ako kapag sinasabi niyang gumaganda ako lalo. Hello, tito Boy yun. Isa sa mga nirerespeto sa industry na to.

Kaninang umaga pa ako kinukulit ni DJ na magdi-dinner date daw kaming dalawa tonight. Kahit umoo na ako, paulit-ulit pa rin siya. Pati sa presscon kanina binubulong bulong niya yun sa akin. After nga ng interview sa amin ng media sa TWBA tinatanong niya ako kung magbibihis pa ako o yun na ang susuotin ko. Hindi ako comfortable kaya sabi ko sa kanya magpapalit ako, very quick na palit lang. Siya naman hindi na nagpalit. Excited na yata ang bali ko.

Ang kulit niya sa sasakyan ngayon, ginamit namin si corvette, ang currently favorite niya. Kahit nagd-drive siya, kinukwento pa rin niya sa akin yung napanood niya sa hbo na hindi niya raw alam yung title. Naka tingin lang ako sa kanya, hindi actually nakikinig sa kanya. Tinignan ko yung buhok niya, mata, ilong, tenga at bibig na ngiti ng ngiti.

Ang gwapo niya talaga. Yung kahit pagod na ang itsura at halatang stressed, ayan pa rin yung dating niyang mapapatili ang girls. Tinuloy ko ang pag-observe sa kanya hanggang sa nakita ko nanaman yung polo niyang unbuttoned ang first three buttons. Magsasalita na sana ako pero tuwang-tuwa pa siya sa kinukwento niya, mamaya ka sa akin Padilla.

Dumating kami sa isang restaurant just around the city. Inalalayan ako ni DJ hanggang makapasok sa loob. Inayos ko muna yung polo niya bago kami pumasok kasi naka-expose na yung chest niya. May kasabayan kaming couple pero aside sa kanila wala nang customer yung restaurant.

Sa ambiance palang ng restaurant at sa ayos ng chairs alam kong Japanese restaurant na to. In-escort-an kami ng mga staff papunta sa pinaka tagong place ng restaurant. Inalalayan niya akong umupo at agad akong humarap sa kanya. Nagulat ako kasi meron na siyang hawak na flowers. Parang hindi ko nakitang may dala siya kanina? Lumiwanag agad yung mukha ko lalo nung napansin kong galing sa Te Amo Floristeria yun. Naka lagay siya sa isang heart shaped container at agad kong nabasa ang word na LOVE na na-form ng roses with different kinds of flowers around it.

Nginitian ko siya. Aaminin ko kinikilig ako, kelan ba hindi? Paano, may collection na ako ng flowers from Te Amo because of him. Meron na akong K, Bal tapos ngayon may Love pa. Not to mention, may iba pa siyang binigay na walang word or letter.

Kath: Thank you, Love.

Kinuha ko yun sa kanya at hinalikan siya sa cheek.

DJ: You're always welcome, Love.

Their Privacy (BTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon