TP 14- Adobo.Pandesal.Dayap

41.9K 649 79
                                    

Kath's P.O.V

Ngarag na ngarag kami ni DJ pagdating namin sa venue ng anniversary ng Showtime. Wala pa talaga kaming pahinga ni DJ dahil everyday na talaga ang taping ng PSY. Pagdating namin nandun na ang lizquen at jadine. Nag-hello at beso naman kami sa kanila then nag-start na ang rehearsals. Buti nalang talaga hindi masyadong hassle ang gagawin namin dito kaya hindi kami matatadtad ni DJ. Sa tatlong love teams makikita mo talagang kami ni DJ ang sobrang pagod kasi tahimik kami at tulala kami. After rehearsal nagpunta na agad kami sa dressing room namin ni DJ para mag-ayos. Habang inaayusan ako antok na antok na talaga ako. Unang natapos si DJ, lumabas agad siya. Sabi sa akin pianapatawag siya saglit sa labas.

Habang inaayusan ako pumasok si Jhaiho sa dressing room. Nagtanong lang siya about sa amin ni DJ. Kung sino ang ganito at sino ang ganyan.

Maya-maya pumasok ulit si DJ sa dressing room. Nakikita ko sa mirror na nilalambing niya si mama or nagpapalambing kay mama. Naka yakap kasi siya kay mama habang nagce-cellphone naman si mama.

Nung nakita ko siyang tumingin sa akin tinaas ko yung cup ng fries na kinakain ko.

Kath: You want?

Nakatitig lang siya sa akin.

Kath: Come here.

DJ: I'm not hungry.

Mama Min: He's on diet

DJ: I'm on diet.

Kath and mama Min: *giggle*

Kath: Okay then.

Habang inaayos yung buhok ko nagch-check ako ng facebook ko. Natuwa naman ako sa post ni mama.

Min Bernardo
Picture: DJ leaning on mama Min's shoulder.
Caption: My other baby bunso is sleepy.

Ni-like ko yun at tumingin agad kay mama pero nagylat ako kasi wala na doon si DJ.
Nakita ko siyang nakaupo lang sa sulok at naka lean sa habang naghihintay.

Lumapit agad ako kay DJ nung okay na ako. Natawa nalang ako kasi nakasandal yung mukha niya sa wall at natutulog na.

Tumingin sa akin si Rye, nabura nanaman yung powder sa mukha niya.

Kath: *giggle* Patungan mo nalang later.

Rye: *giggle* Nasasayang make-up sa jowa mo girl.

Mama Min: Hayaan mo na Rye. May pambili naman siya.

Kath: *giggle*

Natawa nalang din si kuya Rye. Hindi ko rin naman masisisi si DJ. Ako nga antok na antok eh. Hinayaan ko nalang muna siya until naging okay na ako. May pumasok na sa dressing room namin at sinabihan kaming mag-ready. Automatic akong lumapit kay DJ, kasi I'm sure walang magde-dare na subukang gisingin si DJ ngayon. Umupo ako sa tabi niya..

Kath: Bali.. Bal...

Mahina kong tinapik yung cheek niya. Nakakunot noo siya nung gumalaw siya pero napangiti siya nung nakita niya ako.

Kath: Malapit na raw ang prod natin. Come na, aayusan ka pa ulit ni kuya Rye. Nagulo na pati itong suot mo oh.

Inayos ko yung collar ng damit niya. Hinawakan ko yung cheeks niya at hinalikan siya sa forehead.

Kath: Last schedule for this day then we can take a rest na.

Nanlambing pa siya, siniksik niya yung ulo niya sa leeg ko at pumikit. Hinaplos ko nalang yung likod niya.

DJ: I love you.

Kath: *smile* I love you too.

Dahan dahan siyang lumayo sa akin at ngumiti. Hinawakan niya yung kamay ko, inamoy at hinalikan.

Their Privacy (BTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon