Tale 5

2.2K 48 4
                                    

Osiris and Agatha's hidden tale.

"I can wait, Gath." Puno ng pag susumamong wika ni Osiris.

I bit my lower lip and took a deep breath.

Nasa garden kami ng mansyon habang ang mga pinsan at kapatid ko ay nasa loob. Birthday ni Clyde kaya naimbatahan silang dalawa ni Evander pero nakuha ng umuwi ni Evander ay hindi pa siya umuuwi.

Gusto ko man siyang pilitin umuwi ay pinagbigyan ko na nang makita ko ang malungkot niyang mga matang nakasunod sa akin buong gabi.

Besides.. I'll be entering the army soon.

"It's not about waiting, Os." Mahina kong tugon.

"Then what? After everything.. you'll just throw our memories like nothing happened?"

Bakas ang sakit sa kanyang boses na mas lalong kinahirap ng loob ko.

We were dating for quite a while. He asked me if we could date and I said no but he was persistent. At the end, bumigay din ako at pumayag.. thinking that I should enjoy my time before I enter the army.

To experience dating..

To feel kilig.

Alam kong mali.

But I tried. I really really did try to like him because I know.. hindi siya mahirap magustuhan. He's kind, handsome, responsible and he's mature which is needed in a relationship to work.

Pero mali nanaman ako doon.

I learned that we shouldn't take love for granted.

We can't force ourselves to like someone just because it's easy do so.

Mahirap kalaban ang puso at mas mahirap na ipilit ang bagay na hinding hindi nito magugustuhan. Kung ipipilit mo 'to, siguradong may masasaktan, tulad ngayon.. alam kong nakakasakit ako.

And I know.. it's my fault.

"I'm not throwing anything, Os."

Nilingon ko siya at tumambad sa akin ang seryoso niyang ekspresyon. Bakas sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya. Naka upo siya sa katabi kong upuan habang nakaharap sa akin habang ako ay piniling iharap ang upuan ko sa maze.

I can feel the awkwardness between us.

Nakakainis na nakasilip pa ang buwan! Feel ko napaka expose ko tuloy dahil tanaw na tanaw ang buwan at mga bituin sa langit.

I never liked serious talks. Most especially, this kind of talks. Masyadong malalim at seryoso, it's making me cringe and shiver for too much cheesiness.

"Osiris, I know very well that you're a good man. Alam kong kakayanin mong mag hintay, I'm not doubting that pero napakasama ko man para sabihin 'to.. sasabihin ko pa rin kasi mas magiging masama ako kung papaasahin kita sa bagay na kahit kailan ay hindi ko maibibigay.."

I stared at him with my sincerity reflecting from my eyes.

"I don't want you to wait for me, Os. I can't give back what you're willing to give me." Malungkot kong sabi.

Kasabay 'non ay ang pag bagsak ng balikat niya. Napayuko siya at napahawak sa kanyang noo na tila ba nahihirapan mag isip ng maayos na madalang mangyari sa kanya.

He's always determined.

"I thought I made a mark on you already.." bulong niya.

I nodded and tried to reach him but didn't.

Touching him right now won't do good. Baka umasa lang siya lalo at 'yon ang pinaka ayokong mangyari ngayon.

"You did, Osiris. I will never forget you. Ikaw pa rin ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan dito. Isa ka sa mga taong alam kong handa akong alagaan at protektahan kahit hindi ko naman kailangan. Hindi naman nasayang lahat.." Paliwanag ko.

"But you can't love me? Is that it? You only see me as a friend, nothing more?" Halos hangin nalamang ang lumabas sa kanyang bibig.

As usual, being him, madali siyang makaintindi ng mga bagay. Kahit gaano pa kasakit, sasabihin niya 'yon sa pinaka madaling paraan.

"I'm sorry. Blame me all you want. Kasalanan ko talaga. Hindi ko naisip na mag i-invest ka ng feelings at hindi ko mapipigilan 'yon. I always think na.. I'm not likable and you'll eventually see that. Naisip ko na attracted ka lang sa akin kasi hindi ako ang typical na babaeng agad mo napapa-amo pero naisip ko na makikita mo rin na hindi rin ako ang klase ng babaeng magugustuhan mo dahil hindi naman ako girlfriend material."

"You're likable, Gath." Maagap niyang sabi.

Nag angat siya ng tingin sa akin at tinignan ako ng puno ng sinseridad.

Tulad ng lagi kong ginagawa, sinubukan kong kapain ang kaloob-looban ko kung may katiting akong nararamdaman para sa kanya.. na pwedeng hubugin para lumaki pero wala talaga.

"You're amazing.." aniya.

I painfully smiled.

"Thank you, Os. For saying that.."

Umiling ako. "Pero wala talaga. Wala akong maibibigay. Gustuhin ko man na subukan pa rin, ayokong maging unfair sayo. I already hurted you for being so selfish, ayoko ng dagdagan ang mga kasalanan ko sa'yo. I will understand if you won't forgive me easily or if you'll hate me.."

"I can't hate you, Agatha."

I nodded again.

"I know.. but still.." I tried to look for words but nothing came.

"Wala na ba talaga?" Tanong niya.

I didn't think twice.

Umiling ako.

"I want you to find the right girl for you. The girl who could love you the way you'll love her. I want you to find someone who's not like me, yung mas mature, hindi selfish, aalagaan ka at mas naiintindihan ka."

I stood up.

"Because clearly, hindi ako 'yon. I need to grow more, hindi ko nga maintindihan ang sarili ko.. ikaw pa kaya? And I know, you're very much aware that in this kind of relatioship we have.. it's always been about me, not you nor the two of us."

Sa aming dalawa.. lagi nalang niya inuuna ang akin, kung anong gusto ko o kung anong mas ikatutuwa ko. Lagi nalang kung anong pabor sa akin, kahit pilitin ko ang kanya.. he will still always push what I want.

Ayoko ng ganon..

Love is not like that.

Hindi naman ako nakikipag date sa sarili ko.

We don't meet halfway, everything is not right or maybe.. it was never right since the beginning because what I did was never the right thing to do.

Tumayo siya at humarap sa akin. Bahagya akong ngumiti nang mapait siyang ngumiti sa akin. Umihip ng mahina ang hangin pero sapat na para mapunta ang ilang takas kong buhok sa aking mukha.

Bago ko pa malihis ang mga 'yon ay naunahan niya na ako. Siya mismo ang nag lagay 'non sa likuran ng aking tenga.

I find the gesture really brotherly-like.

Nothing more..

"Promise me, you'll take care of yourself." Aniya.

Tumango ako. "I promise. You too, okay?"

He nodded and let out a breath.

"You just broke my heart, Agatha Joan Montgomery."

Hidden TalesWhere stories live. Discover now