Tale 2

4.2K 78 5
                                    

Shattered

"What?"

Halos lunukin ko ang pwede kong lunukin. Nangangatog ang binti ko dahil sa sinabi niya. I heard what he said pero parang hindi ko kayang tanggapin kung ano ang sinabi niya. 

I need to hear it again, kahit masakit.

"We need to break up"

Napaawang ang labi ko sa sinabi sa akin ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Naramdaman ko na nag unahan na ang mga luha ko sa pagpatak. Para akong napantig sa sinabi niya. Nakita ko na may sakit sa mga mata niya.. I know he loves me pero bakit niya 'to ginagawa sa akin?

He was my happiness. He was my love. 

Kung sabihin niya 'yon ay parang wala lang sakanya. He said it with straight face at hindi man lang siya nautal. 

Is it that easy to say?

Is it that easy to break up with me?

Is it just like that?

"Bakit? Bakit Third?" Napahagulgol na ako.

Tinawagan niya ako kanina at sinabing kailangan niya makipag-kita sa akin. Nagtaka ako kasi madaling-araw na at hindi niya daw kayang ipagpa-bukas. 

Alam ko na masamang magtanong kung bakit pero gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung may pagkakamali ba ako.. kung may nagawa ba akong mali sa amin.

"Rean.." naiyukom ko ang mga palad ko.

Pagtawag niya palang sa pangalan ko ay sobra sobra na ang sakit na nadudulot sa akin nito. 

I love him so much.

"Hindi mo na ba ako mahal?" Ang tanong ko mismo ang nanakit sa sarili ko. 

Ang kasigaraduhan ko kanina na mahal niya pa ako ay nawala.. nanliliit ako ngayon. Ito ba yung sinasabi nilang fall out of love?

Natatakot ako sa sagot niya. Natatakot akong sabihin niyang Oo.

"Reana, wag mo akong pahirapan" mabilis ko siyang sinampal. I clenched my teeth.

Walang wala ang sakit na nararanasan ko sa sakit ng sampal na 'yon.

"Gago ka pala. Pinapahirapan kita? Anong tawag mo sa ginagawa mo sa akin?! Pinapatay mo ako Third! You're killing me slowly! Kung ganito din naman pala.. you shouldn't have pursued me in the first place! Kung mang iiwan ka din pala dapat hindi mo na ako pinahulog sa'yo! You made me believe na iba ka sa lahat! That you are so loving and you are true to your words! Pinaniwala mo akong napaka great ng pagmahahal mo sa akin pero fuck that great! Walang wala pala 'yang pagmahahal mo." 

Napahawak ako sa puso ko sa sobrang sakit. 

The pain is so.. unbearable.

Kita ko ang panglalambot ng mga mata niya sa akin. How can he make me fall everyday tapos iiwan niya din pala ako? He is just too cruel. Scotts are cruel.

"Don't you ever tell me the line it is not you, it's me dahil isang sampal nanaman ang ibibigay ko sayo pag sinabi mo 'yon. Bullshit." This thing is making me curse! I don't curse that much pero sa bugso ng damdamin ko ngayon. Kahit itula ko pa ang mga badwords ay gagawin ko para lang maintindihan niyang nasasaktan niya ako ng lubusan.

Hinintay ko siyang sumagot at magsalita pero wala akong narinig sakanya. I know him.. sa tagal namin ay kilala ko na siya. Sa 3 years naming tinagal ay kilala ko na siya.. pag sinabi niya ay hindi na 'to magbabago. Kaya kahit masakit alam kong seryoso na siya sa sinasabi niya. He wants me out of his life.

"Is this what you really want?" 

Pinunasan ko ang mga luhang lumalandas sa mata ko. Ngumiti ako sakanya at kita ko ang pag awang ng labi niya. I want to touch him so bad..

Tiniis ko ang sarili kong hawakan siya. I can't even touch him kasi mali.

One thing I learned.. maling ipagpilitan ang isang bagay. It can cause so much damage. Hindi lang sayo, kung hindi para na rin sakanya.

"Rean.." Mariin akong napapikit sandali pero minulat ko rin ito ng mabilis. Huminga ako nang malalim at tumango.

"Okay.. thank you for everything. I'm sorry if I did anything wrong. Kung gusto mo maging mag-kaibigan pa tayo.. hindi ko kaya. Sorry. Goodbye Third." saad ko at tumalikod na.

Bawat paghakbang ko ay sakit ng puso ang nararamdaman ko. I felt my heart shattered into little pieces. Gusto ko man itong pulutin ay hindi ko magawa dahil nawawalan na ako ng lakas. Bawat paghakbang ko ay ang kagustuhan kong bumalik sakanya at yakapin siya. Bawat paghakbang ko ay ang kagustuhan ko din na magmakaawa na wag niya akong iwan.

But I know better.. self worth. Kailangan kong pahalagahan ang sarili ko. I need to be strong for myself.

"I love you.." mahina kong bulong at pumasok na sa loob ng sasakyan ko at pinaandar na 'yon.

Napatingin ako sa side mirror at kita ko na pinapanuod niya akong paalis. Nanatili siyang nakatayo doon.

I want to hold on so bad.. I want to make things right pero hindi ko makuhang gawin dahil kahit gusto kong lumaban ay wala na akong ipaglalaban. The love that I should be fighting for is not there.

Bagong pasok lang sila sa University of Melbourne ng panahong 'yon. It's just normal pero sa aming mga estudyanteng pinoy na nandoon ay kalat na may mga bagong pasok na estudyante. The Scotts, kilala sila dahil malaki ang kompanya nila sa Pilipinas pati na rin sa bansang 'to. 

Wala naman akong pakielam doon. I don't deal with anything besides my studies. Habang naglalakad ako sa hallway non ay nakadaan ko silang tatlo. Ang tatlong magkakapatid, si Alina, Third at Chand. Hindi ko sila pinansin at linampasan lang sila. Naging kaklase ko si Third nung mga panahong 'yon. Hindi ko alam kung bakit pero kumukulo ang dugo ko tuwing nakikita ko siya.

Si Chand din ay nakakausap ko minsan dahil si Alina ay nakasama ko sa isang organization. I hate Chand's guts pero mas kinamumuhian ko si Third. Nakakasagutan ko kasi siya but one day.. hindi ko alam kung bakit pero biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin..

It was also the same day I realized that it's not that I hate him.. it's because I hate what he was bringing me. The feeling of being giddy, happy and always inspired. Ayoko 'non.

It was the day I realized.. I fell for him.

Hidden TalesWhere stories live. Discover now