Tale 3

3.5K 71 5
                                    

Tadhana


Brian Landford. Nakilala ko siya noong nasa airport ako. Magkapareho kami ng bag non at pilit niyang kinukuha sa akin ang maleta ko. Hindi naman ako papatalo kaya nakipag patayan ako para sa maleta ko.


"Akin to!" sigaw ko sakanya pero ayaw niyang bitawan. 

Nakakakuha na kami ng atensyon at medyo nahihiya na 'rin ako. Nakakainis talaga 'tong lalaking to!

"This is mine! Hindi ko nga alam kung kaya mo bang bumili nito. Do you even know kung sino ako?" Napanganga ako sa sinabi ng hinayupak na lalaking to. Walang hiya! Kahit naman ganito ako manamit ay kaya ko naman bumili ng maleta! Tsaka paano ko siya makikilala?! Artista ba siya?

Aaminin ko gwapo siya! Pero mas yummy pa rin si Papa P no! Kainis!

Natigilan kami nang biglang may lumapit na lalaki sakanya at inabot ang maleta niya. Napatingin ako doon at kaparehang kapareha ito ng akin. Pati ang tear drop pendant na nakasabit sa zipper ay pareho.


"Sir, sorry po at hindi ko nasabing nakuha ko na ang maleta niyo." Napatakip ako sa bibig ko. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko. Impit akong natawa at napatingin sa ibang direksyon.

"Mamang praning, siguro naman malinaw na kung sino ang nagkamali. Alis na ako. Paalam. Sana wag na tayo magkita." Ngumiti ako at linampasan siya pero mabilis akong nahigit paharap sakanya.

"Hindi pa tayo tapos. Magkikita pa tayo at pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin.. pinahiya mo ako." bumaba ang tingin niya sa maleta ko kung saan may nakalagay doon na name tag. 

Ngumisi ang hinayupak. "Mia Aragon"


"Hinayupak" madiin kong sinabi sakanya. Kita ko ang pagkunot ng noo niya sa akin.

First time niya sigurong masabihan non. Ngumisi ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"Bye hinayupak."


Tuwing naaalala ko 'yon ay napapangiti ako. Dati halos isumpa ko siya but damn him.. he is so persuasive. Hinanap ako ng mokong at ang sarap niyang ipakulong non. Pero putang inang tadhana 'yan. Doon pa sa pinagta-trabauhan kong hospital dati kami nagkita.


"Mia!" napangiti ako nang salubungin ako ng mga kaibigan kong Nurse. Yinakap ko silang lahat at masaya ko silang binati. 

Pumunta ako sa ibang bansa para subukan maging nurse doon pero hindi ko kinaya. Iba pa rin dito sa Pilipinas. Iba pa rin ang pakiramdam na uuwi ka sa pamilya mo. Umuwi din ako.. at ito ako ngayon. Magba-bakasakaling mag apply muli sa hospital na pinagtatrabauhan ko dati.


"Mag a-apply ka ulit?" ngiting tanong ng kaibigan kong si Fey. Tumango ako at pinakita ang envelope na hawak ko.

"Sigurado namang tanggap ka na! Hindi ka matatanggihan ni Mam Gina!" Ngumuso ako.

"Nagtanong ako sa HR kanina.. mahirap daw ang pag apply ngayon. Deretso daw sa boss ngayon.."

Sinusubukan na daw ipamahala ang hospital na to sa anak ng may-ari kaya medyo mag-iiba ang takbo. Hindi na daw si Sir Nico ang mag mamanage kung hindi ang anak niya.


"Ah! Si Sir Brian! Mabait naman 'yon!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Fey. Humagikgik pa 'to.

"Oo nga! Gwapo pa! Sa ganda mong 'yan! Papayag 'yon!" Humalakhak ako sa sinabi ni Olive.

"Hindi naman beauty contest ang sinasalihan ko! Nag a-apply ako bilang nurse!" saad ko at tumawa muli. Akala ata nila ay ise-seduce ko yung boss na 'yon. 

Pero kung gwapo.. why not? Mia! Ano ba!


"You'll apply." natigilan kami sa pag-uusap namin. Kita ko ang pagkislap ng mga mata nila. Pati na rin ang ibang nurse ay natigilan. 

"Sir! Mag a-apply po ang kaibigan namin ulit! Dati na po siyang nurse dito.. pumunta lang ng ibang bansa. Si--" natigilan si Fey sa pag sasalita.

"Ms. Mia Aragon." Kumunot ang noo ko at lumingon sa sinasabi nilang boss.

Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko. Pag minamalas ka nga naman talaga!


"Kilala mo siya?" tanong sa akin ng mga kaibigan ko pero mabilis akong umiling.

"Ako? Kilala 'yan? Hindi no! Hindi ko nga alam bakit niya ako kilala. Hindi ko alam na sikat pala ako" peke akong tumawa pero siya ay talagang napahalakhak dahil sa sinabi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Binabawi ko na ang sinabi ko tungkol sa pag se-seduce. Hinding hindi ko siya ise-seduce atsaka ayoko ng mag apply.


"Sa ibang hospital nalang ako mag aapply" wika ko at umirap sakanya.

Hinayupak talaga to. Close sila ng tadhana kaya naging pabor sakanya. Baka crush siya ni tadhana!


"Why Mia? The hospital is very welcome to great nurses that can serve the patients well. You're great aren't you?" Naiyukom ko ang mga palad ko. Ano bang pinagsasabi ng hinayupak na to?

"Yun naman pala bes!" masayang wika ni Olive at tinulak pa ako ng bahagya.

Tinignan ko lamang siya ng masama. Ngumisi naman siya at lumapit sa amin. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa paglapit niya. Masyado siyang nakakasilaw.

Kinuha niya ang hawak kong envelope kaya napatingin ako doon.

"Akin 'yan!" saad ko at sinubukan iyon kunin sakanya pero tinaas niya 'yon. Aba! Minamaliit yata nito ang height ko! Hinayupak!

"No. Akin na 'to." nakangisi niyang sabi.


Nanghahamon ba 'to ng away? Baka gusto niyang makita ang hinahanap niya?

Sinubukan ko yung hablutin pero masyado siyang matangkad. Nag tip-toe ako parang ma-abot yon pero nawalan ako ng balanse. Hinanda ko na ang sarili ko sa pag bagsak pero hinigit niya ako at pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko.

Napahawak ako sa dibdib niya pero mabilis ko 'yong tinanggal. So hard!

May muscles at abs ang lalaking to!

Baka isipin niya minamanyak ko siya!


"Hinayupak." madiin kong wika muli sakanya. Humalakhak siyang muli at natigilan ako dahil sa ganda ng mata niya pag tumatawa. 

Tumingin siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Is that your endearment for me?" Matalim ko siyang tinignan. Endearment niya mukha niya!

"Naka drugs ka ba?" Muli siyang napahalakhak.

Ano bang problema ng hinayupak na 'to?

"You're so funny Mia Aragon." Aniya at binitawan na ako. Nag-ayos ako ng tayo at inayos ang buhok ko.

"I'm gonna review this.. see you" aniya at kinindatan ako.


Napabuga ako ng hangin nang lumayo na siya.

"Ang sweet niyo!" 

Nanlaki ang mata ko at napalingon. Doon ko lang naalala na nasa harapan kami ng mga kaibigan ko! Wow naman talaga, Mia! Masayang bungad sa pagdating mo muli sa Pilipinas! Kahihiyan agad ang inabot mo! 


Kasalanan to ng hinayupak na 'yon!

Hidden TalesWhere stories live. Discover now