Tale 4

3.5K 63 9
                                    

As I was looking at her.. unti-unti din gumuguho ang puso ko.

"I do." Aniya bilang sagot sa pari.

The woman I love, gave her I do already. Sa taong kahit kailan ay hindi ko masisisi na minahal niya dahil alam kong mas higit siya sa akin.

Ang tingin at ngiti na dati ay para sa akin.. ibinigay na niya ng buong buo sa iba. Kasalanan ko, pinakawalan ko siya. Kasalanan ko na nag padaig ako sa takot na baka masaktan lang siya sa piling ko. Matagal na panahon akong nag sisi but looking at her now..

A huge part of me is happy for her. Jade Scott deserves the best. Hindi siya para sa akin. A David Wong will never deserve her because she's too much. Sobrang kinang niya na hindi siya nababagay sa akin.

Kumbaga.. ako ang pumapatay sa ningning niya while Ivor Montgomery, her husband is the one making her shine more. Hinding hindi ko pag sisisihan na binitawan ko siya dahil sa pag bitaw ko sakanya ay siya namang pag kahulog niya sa taong mas kaya siyang pasiyahin.

Ang pag-ibig ko sakanya ay hanggang dito nalang. Hanggang sa malayo nalang..

I was born to make sure she meets the right man for him. I need to let her go for that to happen and I did.

Masakit pero kailangan.

"Masaya ka ba?" Tanong ko sakanya habang sinasayaw siya sa dance floor.

Reception ito ng kasal nila, buti nalang ay busy ang asawa niya kung hindi, I won't have the chance to dance with her.

She is so beautiful.. she is a lovely bride.

"Yes I am, David." Ramdam ko ang malakas na tambol ng puso ko. My name will always be different when in comes from her.

"Good." Simple kong sagot. Ngumiwi siya and I can't help but smile.

Dati ay puro iyak ang dinudulot ko sakanya. She's always crying because of me pero ngayon, walang bakas ng lungkot sa mga mata niya. It was pure happiness and love.

Sadly, it wasn't because of me.

"Alam mo naman na ang hiling ko para sa'yo ay maging masaya ka din diba? I will forever wish your happiness, David." Aniya.

Seeing you happy is my happiness.

Gusto kong i-dugtong 'yon pero hindi na tama. Wala na akong karapatan na sabihin 'yon. I lost the right to do that, a long time ago.

"I am happy" simpleng tugon ko sakanya. Tumango ito na para bang hindi naniniwala.

"Hinding hindi ko pagsisisihan na minahal kita dati. Those are painful memories but still, napasaya mo ako dati. Even for a short period of time.. I was happy. So now, I want you to be happy, David. Let go of everything.."

Napaka daling sabihin para sakanya dahil masaya na siya. Napaka hirap sa akin dahil hanggang ngayon.. siya pa rin. Hindi ko siya kayang sumbatan dahil in the first place, ako naman ang may kasalanan.


"Hey.." mabilis ko siyang binitawan nang lumapit na si Ivor.

Para akong sinasaksak ng ilang beses ng makita ko ang pag lawak ng ngiti niya at ang pag ningning ng mga mata niya nang masilayan si Ivor.

Umiwas ako ng tingin.

"Thank you for dancing with her." Matigas na wika ni Ivor. Tumango nalang ako at tumalikod na.

Bumalik ako sa table namin kung nasaan si Dylan at Jasmine. Dylan is my brother and Jasmine is Dylan's wife. She is also Jade's cousin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Jasmine. Tumango ako at binaling ang tingin sa dance floor kung saan sila naman ang nagsasayaw.

"Do you still love her?" Tanong ni Jasmine sa akin. Ngumisi ako habang nanatili ang tingin ko sa dance floor.

She was dancing with him na para bang sila lang ang nandoon. She was looking at him like he's the only one she sees.

"I shouldn't" mahina kong tugon.

"But I still.." dagdag ko at yumuko.


I will forever love her.

Hidden TalesWhere stories live. Discover now