"P-pwede ba kitang—," pinutol niya ang sinasabi niya dahil huminga siya ng malalim. Tapos sinuntok-suntok pa niya ang dibdib niya na tila pinapalakas ang loob.

Natawa naman ako dahil sa iniasta niya. "Huwag ka ngang kabahan. Ako lang naman 'to. Ano ba 'yong itatanong mo?"

"Pwede ba kitang maging date sa Acquaintance Party?" nakapikit at mabilis na tanong niya. Naiwan naman sa ere ang mga tawa ko. "Criza?" napakurap-kurap ako nang muli niyang tinawag ang pangalan ko.

"Marrette,"

"N-nabigla yata kita—,"

"H-hindi sa ganoon, pero kasi... n-naka-oo na ako kay Reeam. S-siya ang date ko sa party," ako naman ngayon ang napapikit habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

"Ganoon ba," pagmulat ko ng mata ay siyang pag-iwas niya ng tingin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot na sumilay sa mga mata niya.

Shit. What I have done?!

"Marrette, I'm sorry—," agad naman siyang humarap sa akin.

"No. Ano ka ba? Hindi mo kailangang mag-sorry," nakuha pa niyang ngumiti pero halata namang pilit. Idagdag mo pang kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot. "Ang... ang bagal ko kasi, e. Naunahan tuloy ako ng kaibigan ko," kunwari pa siyang nagkamot ng ulo.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now