Quen The Mysteriou Lover - 55

Start from the beginning
                                    

"Aba't----" Nilakasan nito ang boses "Hindi lang pala kayo malandi, mga bastos din! Hindi kayo marunong sa gumalang sa matatanda. Kuhh kaya kayo nabubuntis ng walang ama eh, Ka---"

Doon na siya napasigaw "Enough!" D*mn! Who is this Old woman to insult Ronchie that way? Bumuga siya ng hangin trying to calm himself. Baka makalimutan niyang tinuruan siya ng kanyang Tita Thea na gumalang sa matatanda. Mabilis siyang lumapit kay Ronchie at niyakap ito.

Isinubsob nito ang mukha sa kanyang dibdib at kumapit ng mahigpit sa kanya. Ramdam niya ang panginginig nito Hinaplos niya ang buhok nito "I'm here sweetie"

Matalim niyang tinignan ang matandang babae "Who say's the baby have no father? I'm here! I'm the father. One more insulting word coming from you Mam or anyone of you!" Tukoy niya sa mga taong nakikiussosyo  "Forgive me but I'll make sure to see you in court"

Namutla ang matandang babae at walang sali-salitang mabilis na lumisan. Habang ang mga tao sa paligid ay paunti-unting nagsibalikan sa loob ng kani-kanilang bahay.

"Buti nga sa inyo, mga usisero!" pinag- iirapan ni Rochelle ang mga ito. "Hala sige! Magyakapan muna kayo dito ng mamatay sa inggit  yang mga yan" nangingiting iniwan ni Rochelle ang dalawa. 

Biglang inangat ni Ronchie ang mukha sa mabangong dibdib ni Quen. Hindi siya tuluyang nakalayo dito dahil sa tila bakal na nakapulupot ang mga braso nito sa kanyang bewang. Naglagay ito ng kaunting distansya sapat lang upang hindi maipit ang kanyang tiyan.

Kanina hindi siya makapaniwala na nandito na nga ang binata but the moment she felt his warm arms wrapped around her gusto niyang magtatalon sa saya. He's here! He is really here! Napalis ang lihim na tampo sa kanyang dibdib.

Hindi niya napigilan ang pagtakas ng luha sa kanyang mga mata when he proudly admitted that he was the father of their child sa kabila ng pagtataboy niya dito ng huli niya itong makita. 

"Okay ka lang?"

Napakagat siya ng labi ng maamoy ang mabango nitong hiningang at ang mainit nitong kamay na humahaplos sa mabining humahaplos sa kanyang pisngi. Hindi niya matagpuan ang boses kaya marahan lang siyang tumango.

"Sure?"

Mas bumaon ang kanyang ngipin sa  pang ibabang labi para pigilang ang sariling magmura sa lambing ng boses ni Quen. Muli siyang tumango.

Napasinghap siya ng mula sa kanyang mga pisngi ay napunta sa kanyang mga labi."Stop that sweetie, you might hurt yourself" anito habang hinahaplos ang kanyang labi. Napalunok siya at mabilis na pinakawalan ang sariling mga labi mula sa pagkakakagat.

"Good girl" marahang inangat ni Quen ang mukha ni Ronchie para mapagmasdan itong mabuti. Tumiin ang kanyang titig ng makita ang bakas ng ngipin nito sa mapupulang labi. D*mn! Kanina pa niya pinipigilan ang sariling siliin ito ng halik. Pero ayaw niya itong biglain. 

Parang may dumagan sa dibdib ni Ronchie ng mapagmasdang mabuti ang mukha ni Quen. Nanlalim ang mga mata nito tila hindi nakatulog ng ilang araw. Bakas ang pagod at tila hindi ito nakapag shave ng ilang araw patunay ang maliliit na bigote nitong tumubo. Pero ang unfair yata ng universe dahil napagwapo parin nito sa kanyang paningin.

Hindi na niya napigilan ang sarili, hinaplos niya ang pisngi nito "Anong nangyari sayo?"

Napapikit si Quen ng maramdaman ang mga kamay ni Ronchie sa kanyang pisngi. Her touch was like magic, napalis nito ang pagod niya ng halos isang linggo. He felt energized! Hindi niya nagawang sagutin ang dalaga dahil ninanamnam niya ang init ng palad nito.

Hindi alam ni Ronchie kung saan siya kumuha ng lakas, tumingkayad siya at inabot ang mga labi ni Quen. Gusto niyang kahit kaunti ay mapawi ang pagod ng binata. Nakaramdam siya ng hiya ng maramdaman niyang natigilan ito. Lalayo na sana siya ng maingat siya nitong inangat at hinabol ang kanyang mga labi. 

Gently his lips was moving with hers, he was like taking his time tasting her lips. Mula sa mga braso lumipat ang kanyang mga kamay sa leeg ni Quen at pumulupot doon. Puno ng pananabik na sinuklian niya ang halik nito. 

"hmmmm" napasinghap si Ronchie ng maramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang balakang. Sumigid ang masarap na kilabot sa kanyang pagkatao. Sinamantala ni Quen ang bahagyang pagbuka ng mga kanyang mga labi. He inserted his tongue and played with hers. Hindi niya alam kung gaano sila katagal na naghahalikan naghiwalay lang sila ng makarinig ng malakas na pagtikhim.

Nanlaki ang mga mata ni Ronchie kung ng makita kung kanino ito galing. Agad niyang itinago ang mukha sa dibdib ni Quen dahil sa kahihiyan.

"Tapos na ba lola? Nawiwi na ako!"  saad ni Cheche habang nakahawak sa puson.

"Pumasok na kayo sa loob" saad ni Aling Gloria matapos tanggalin ang mga kamay na nakatakip kina Cheche at Jen. Nag-unahan naman ang dalawang bata sa pagtakbo papasok sa loob na sinundan naman ng ginang.

"Oho!" sagot ni Quen. He chuckled ng mapansing ang pagbaon ni Ronchie sa kanyang dibdib sa hiya ay nauwi sa pagsinghot. Marahan niyang pinasadahan ng haplos ang buhok nito. 

So this is what it feels like? 

Holding your everything in your arms! Yeah, Ronchie was his everything!

He felt so d*mn happy!  Felt like his heart was about to jump from his rib cage.

***

Awwww! Sorry sa tagal ng UD guys! Madami pang pinagkaka-abalahan. Pinag-iisipan, hihi 

Happy happy Birthday Ronchieeeeeeeeee! Kasali ka man sa T-Group sa totoong buhay hahaha (peace! huwag mag alala kasali din ako hahaha) Dito eh naguumapaw naman ang lovelife mo hahaha 

Guys Sa mga nakabasa na ng Sarmiento Stories, anong story ang bet niyong mapublish? Is it worth taking the risk? 

Add niyo po pala ako don't be Shy, hahaha name ko lang yun just search Shy Seven, maraming salamat po.

Shy____

Quen Hades: The Mysterious LoverWhere stories live. Discover now