His Reason

22.1K 665 21
                                    

"Pare mukhang galit na galit ka sa atay mo ah" 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pare mukhang galit na galit ka sa atay mo ah" 

Ikiniling lang ni Quen ang ulo at hindi pinansin ang panunudyo ng kaibigang si Macky. Nilagyan niya ng alak ang kanyang baso at tinungga. Pinatong niya ang noo sa kanyang kamay. Kahapon pa siya nandito sa Pegasus at wala siyang balak umuwi sa tinutuluyan. 

Hindi lang si Ronchie ang gumugulo sa isip niya ngayon. Pati narin ang kanyang pamilya. He knew that someday his family will find out about his revenge. Pero hindi niya inakalang ganito kaaga. Si Storm pa ang nakakita sa kanya, knowing her cousin baka ngayon gumagawa na ito ng paraan para malaman kung anong pakay niya sa lugar na ito.

"I saw Jenna-- she's with Caleb this morning" maikli niyang pahayag. 

Macky's eyes widened "What will you do now?" kilala niya ang mga pinsan ni Quen. Storm? Don't be fooled by her when she's acting she doesn't mind. Dahil mabilis itong mag isip at kumilos. Napainom din siya ng wala sa oras. Tiyak pati siya malalagot sa pamilya nito. Siguradong makakatikim siya ng pingot sa Tita nitong si Tita Thea.

Quen took a deep breath "Face the consequences" tinungga niya ang laman ng baso. Alam niyang magagalit ang mga ito sa kanya. 

"Hindi pa huli ang lahat pare, pwede ka pang umatras sa plano mo. Ronchie's family doesn't know everything" alam ni Macky na may nararamdaman si Quen sa babae. Kung wala ay hindi ito mahihirapan ng ganito ngayon. 

"Nooooo!" mariin nitong tanggi "Because of her father kaya namatay ang mga magulang ko!" Quen gritted his teeth "All my life I kept the pain here!" turo ni Quen sa dibdib. Napapikit siya ng mariin ng bumalik sa isipan niya ang duguang mukha ng mga magulang. Dumilim ang kanyang anyo sanhi ng hindi matatawarang galit "He needs to pay!" tinabunan niya ng galit ang konsensyang pilit na sumisingit sa kanyang isip.

"Kahit na ang kapalit ay ang babaeng mahal mo?"

Tinapunan niya si Macky ng nagbabagang tingin "Shut up! I don't love her!"

Nagkibit lang ng balikat si Macky. Alam niya hindi lang sa kanya nito sinasabi ang mga katagang yun pati sa sarili nito. 

Why does everything needs to be complicated like this? 

"Pare Cr lang ako" paalam niya kay Quen matapos ubusin ang laman ng kanyang baso.

Tinungo niya ang Cr habang umiiling. Alam niyang mahirap ang sitwasyon ng kaibigan. 

He was thorn between his revenge and love.

I swear, I will not going to fall inlove!

May naabutan siyang dalawang lalake sa loob ng banyo. Nakasumbrero ang mga ito at nakasuot ng leather jacket. Ibaba na niya ang zipper ng pantalon ng bigla siyang makarinig ng tunog ng lock! 

Mayabang na sumandal sa pinto ang isa. Ang isa naman sa dingding.

Dahil nakayuko at natatakpan ng sumbrero ang mga mukha, hindi niya maaninag mabuti ang itsura ng mga ito.

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon