Justice League

23.3K 703 30
                                    

Hindi napigilang mainis si Quen ng marinig ang mga salitang lumabas sa bibig ni Ronchie. At ang kanyang mga ungas na pinsan may gana pang tumawa. Nagpapacute pang napahawak sa baba si Zeus as if he was saying, I told you... mas gwapo ako! Habang si Thor ay may naglalarong nakakalokong ngiti sa mga labi. D*mn they are not helping! 

"So it's her? Now I know why you're weeping like crazy!" natatawang saad ni Zeus.

Mas lalo pang nadagdagan anng kanyang inis "D*mn! I don't have the time to chit-chat with you cousin"

Ikinubli niya ulit si Ronchie sa likod. Ngunit tila nanadya pa ang babae na silipin ang kanyang mga pinsan. "Continue looking at them and I'll kiss you! Right here right now! I won't mind giving those scumbags a show!" pagbabanta niya dito sa inis! 

Nag iinit ang mga pisnging itinago ni Ronchie ang mukha sa likod ni Quen. Alam niyang hindi ito nagbibiro. Amfufu! Kasalanan bang mag appreciate ng magandang view? Bukod sa binata ay bihira lang sa buhay niya ang makakita ng mga ganito kagwapong lalake. Ngayon alam na niya ang rason kung bakit halos mangisay sa pagkwekwento ang kasama nila Ap sa bahay tungkol sa mga ito. Pinakyaw talaga ng mga ito ang lahat ng swerte sa mundo pagdating sa pisikal na aspeto. 

"That's my girl!"

Napaismid siya sa winika ni Quen! My girl'in mong mukha mo! Hindi ka lang manloloko! Mambobola ka pa! Gustong gusto niyang sabihin ngunit pinigilan niya ang sarili.

Nagpapabola ka naman? tudyo ng isip. Dahil alam nitong pilit niyang pinipigilan ang kilig na nararamdaman.

"P*t*ng N*! nagtawag pa ng mga kasama! Hindi naman kayo uubra!" mayabang na sigaw ng Tatay ni Jhen. Doon tila natauhan si Ronchie at bumalik sa isip ang sitwasyong kinakaharap.

Nagtawanan ang mga lalake "Sisiguraduhin naming hindi na kayo makakalabas ng buo dito" sigaw nung isa.

"Seriously?" natawa ang isa sa mga pinsan ni Quen. Kagaya ni Quen ay ni hindi mo kakababakasan ng takot o pagkataranta ang mukha ng mga ito.

Maya maya pa ay humahangos na dumating si Ap kasama ang babaeng kausap dati ni Quen sa school na pinagtuturuan niya. Kung hindi siya nagkakamali Storm ang pangalan "Are we late? D*mn! Gusto kong magsisi kung bakit hindi ang ducati ko ang ginamit ko!" makipot kasi ang daan pwedeng kumasya ang isang sasakyan pero walang kasiguraduhang makakalabas ito.

"What's with your ugly faces?" nakakunoot noong pansin nung Storm habang isa isang tinignan ang mga pinsan.

Nawala ang mga ngisi sa labi ng dalawang gwapong pinsan ni Quen halatang nainis. Maging si Quen ay mas lalong nalukot ang mukha. Pero gustong magmura ni Ronchie kahit anong gusot ata ng mukha ng mga ito ay gwapo parin sa kanyang paningin.

"Watch your mouth Sis!"

"Ugly your Face Storm!"

Magkasabay na saad ng dalawang lalakeng pinsan ni Quen.

Npahagikgik naman si Ap.

"Tignan mo nga naman kala namin swerte na kami sa isa meron pa palang dalawa" sigaw ng isa sa mga kalalakihan. "Tiba tiba tayo nito mga Pare!" naghalakhakan ang mga ito

Sabay sabay na sumeryoso ang mukha ng magpipinsan. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ng dalawang babae. Mga ngiting ewan ni Ronchie kung bakit nakapag panindig balahibo sa kanya. 

Inilahad ni Ap ang mga palad "Uhmmmm give me your guns!" lumiit ang mga mata nito "Mom will kills us!" tinignan nito ang mga kalalakihan she's checking what they have in their hands "Besides those woods and knives won't do!" 

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon