MYSTERIOUS-1 TIME IS GOLD

39K 917 51
                                    

Pakiramdam ni Ronchie bibigay na ang kanyang tuhod. Ngunit hindi siya maaring tumigil sa pagtakbo. Baka maabutan siya ng mga taong humahabol sa kanya.

Napasigaw siya ng makitang malapit na ang mga ito. Taimtim siyang nagdasal na sana ay may dumating para tulungan siya.

Dahil sa panaka-nakang paglingon ay hindi niya napansin ang batong nakausli sa daan.

Napatid siya dito at bumagsak, muntik na siyang masubsob sa semento. Mabuti nalang at maagap niyang naitukod ang mga kamay.

Rinig niya papalapit na mga yabag at lumalakas na na din ang halakhak ng mga humahabol sa kanya.

Diyos ko, katapusan na ba niya?

Wala siyang nagawa kundi mapahagulgol.

Diyos ko kayo na po ang bahala.

Pumikit siya at hinintay ang malupit niyang katapusan.

Nagulat siya ng isang matipunong bisig ang yumakap sa kanya. Pagmulat niya ng mga mata nakabulagta na ang mga taong humahabol sa kanya.

Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan niya ang kanyang taga pagligtas ngunit hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito.

"Shhhh I'm here, you are safe now." Masuyo nitong bulong habang dahan-dahang bumababa ang mukha nito patungo sa kanyang mga labi.

Ng maglalapat na sana ang kanilang mga labi ay biglang may sumigaw.

"Ronchie, gising na! Batang to, tanghali na. Ano ba, walang tatao sa carinderia natin ngayon."

Inis na nagtakip siya ng mukha at pinilit na muling matulog.

Panira naman ang nanay niya, nasa kalagitnaan na siya ng kissing scene eh.

"Kapag hindi ka pa babangon diyan, makikita mong bata ka. Isa!"

Padarag na tinanggal niya ang unan sa mukha. "Nay naman oh, five minutes pa." Ayun na eh, kaunti nalang at magkaka-first kiss na siya kahit sa panaginip man lang.

"Hindi ka talaga babangon diyan? Kukurutin kita sa singit! Anong oras ka na naman ba natulog?" Talak ng kanyang ina.

"Hala, bangon na at magdadatingan na ang mga suki natin."

Ipinagwalang bahala niya ito at muli niyang itinakpi ang unan sa mukha. Mas kailangan niyang ituloy ang panaginip.

Papatulog na siya ng bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto at may kumurot sa kanyang singit.

Napasigaw siya. "Aray! Nay, naman eh." Inis na ginulo niya ang magulo na niyang buhok. Paanos siya magkaka-boyfriend nito?

"Hala, bangon na at kailangan ko ng matulog." Itinulak siya ng ina patayo.

Alas tres palang kasi ng madaling ay ay gising na ina para mamalengke. Umuuwi para matulog pagkatapos nitong magluto at i-display ang mga paninda nilang ulam sa carinderya sa kabilang kanto.

Sabado kasi ngayon at sila ng ate niya ang naka-toka para magbantay dahil wala siyang pasok sa eskwelahang pinagtuturuan.

Yes po, isa siyang public teacher.

Padarag siyang bumangon.

Naudlot na naman ang first kiss niyang pinakaa-asamasam. Wrong timing na naman kasi, five minutes na nga lang ang hinihingi niya hindi pa siya pinagbigyan ng ina.

"Oo na nay, hayan na nga po, nakabangon na." Nagpapadyak siyang nagtungo sa kanyang banyo para maligo.

"Tsk hindi ba uso ang pahinga?"

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon