Who is that woman?

23.3K 609 24
                                    

"Mam Ron para kang bulaklak na namumukadkad at halamang sagana sa dilig. Anong sekreto mo?" puna sa kanya ni Mg ng masalubong niya ito sa gate ng School na pinapasukan nila. 

"Huh?" painosente pa ang peg.

"Yan!" turo ni Mg sa mukha Ronchie "yan ang ngiti!"

Humalakhak si Ronchie, ikaw ba naman ang may midnight snack at may pahabol na almusal. Ipinasya muna niyang sarilinin ang kasiyahang nararamdaman. Saka na siya magkwekwento sa mga ito.

Mukhang uungot pa si Mg ng hindi nito natuloy ang sasabihin dahil nasalubong nila sina Mam Rhomz, Mam Rej at Rona. 

"Oh andito na pala kayo, alam niyo na ba?" wika ni Rhomz ng makita sila ng mga ito.

Tsk! Ang daming balita ngayong araw na to! Huwag naman sanang tungkol sa kanila ni Quen. Dapat mauna siyang magsabi sa mga ito baka sabunutan at magtampo ang mga ito sa kanya. 

"Ang alin?" nauhan siya ni Mg sa pagtatanong.

"Andito daw ngayon ang gwapong Mayor ng Sta. Monica" kinikilig na sagot ni Rej.

"Kaibigan kasi ito ng Mayor natin. Magdodonate ito ng tatlong bagong classroom dito sa Paaralan natin. " Rona

Kumunot ang noo ni Ronchie Mayor ng Sta. Monica? Saan na ba niya ito nakita? Ahh tama! Sa isang Mens Magazine. Bukod kasi sa bata at makisig ang Mayor ng Sta. Monica na si Mayor Caleb Venganzo ay isa itong magaling na lider ng bayan. Madaming kababaihan ang umiyak ng ikasal ito. "May asawa na pinagnanasaan niyo pa" mulagat niya sa mga babae.

Pumalatak su Rhomz "Ewan ko lang kung masabi mo pa yan Mam kapag nakita mo siya. Baka mangisay ka sa kagwapuhan niya"

Natawa si Ronchie, kung alam niyo lang... Kontento na siya kay Quen. Iginala niya ang paningin at hinagilap ang binata. Hindi pala niya ito napansin kanina sa may gate. Saan nagpunta ang loko? 

"Ang ganda ng sasakyan!" puno ng pagkamanghang bulalas ni Mg ng madaanan nila ang latest na Model ng Porsche "Mukhang nasa Faculty room na ang bisita. Silipin natin" ungot nito.

"Ano ka ba Mam! Hintayin nating ipatawag tayo ni Mam Ampalaya" saway dito ni Rhomz.

"Ito talaga si Mam Mg napaghahalataang mahilig manilip" tumatawang sabat naman ni Rej. "Di ako magtataka kung may kuliti ka na bukas"

Hindi tuloy nila naiwasang maghagikgikan.

Paliko na sila sa hallway papunta sa kani-kanilang silid aralan ng may mahagip siya ng tingin. Isang pamilyar na bulto ng lalake na may kausap na babae sa may di kalayuan ng faculty. Biglang kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib. Babalewalain lang sana niya ng bigla itong tumagilid. Hindi nga siya nagkamali. It was Quen, ngunit sino ang babaeng kausap nito?

"Teka... Si Poging guard ba yun?" turo ni Mg sa direksyon ng mga ito. Pati tuloy ang mga kasama nila ay napatigil. 

"Oo nga! Sino yung kausap?" usisa Rhomz.

"Baka girlfriend! Maganda ha..." Rej

Sinalakay ng kirot ang puso ni Ronchie ngunit hindi siya nagpahalata sa mga kasama. "Hin--di naman siguro" halos hindi niya mabigkas ang mga salita dahil bumabara ang hangin sa kanyang lalamunan.

Nahigit niya ang hininga ng malambing na halikan ni Quen ang noo ng babae. Impit na napatili ang mga kasama. 

"Girlfriend nga!" kumpirma ni Rona. Nang yakapin pa ito ng lalake. 

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon