Mga gwapong Anghel

22.5K 762 25
                                    

Abo't abot ang kabang naramdaman ni Quen ng makumpirmang si Ronchie nga ang tinutukoy ng babae. Ito na yata ang pinakamabilis na takbo niya sa buong buhay niya.

Naglabasan ang ugat sa kanyang panga sa pagtatangis ng ngipin dahil sa galit ng  matanaw niyang napapalibutan si Ronchie ng tatlong lalake. Napakuyom ang kanyang kamao at namula ang kanyang tenga ng marinig ang mala demonyong mga tawa ng mga ito.

D*mn! Sisiguraduhin kong hindi na kayo makakatawa mamaya! Galit na galit na usal niya

"Bitawan niyo ako!" nagpupumiglas na sigaw ni Ronchie "Tulong!" 

D*mn wait for me sweetie malapit na ako! Konti nalang at mapuputol na ang katinuan niya dahil sa galit lalo na ng makita niyang hinawakan ito ng dalawang lalake sa magkabilang braso.

"Mam naman napaka KJ mo! Saglit lang to sisiguraduhin naming masisiyahan ka sa laro natin" Sabay sabay na tumawa ang mga ito.

"Parang awa niyo na kuya hinihintay na ako ng asawa ko" pagmamaka awa ulit ni Ronchie sa mga ito. Sa kabila ng takot na nararamdaman ay muling nanalangin si Ronchie na sana magpadala ng milagro ang langit ng taong tutulong sa kanya. 

"Yung mayabang na lalakeng kasama mo dati Mam?" ngumisi ang tatay ni Jhen ng nakakaloko "Naunahan lang niya ako! Sisiguraduhin ko sa muli naming pagkikita magtatago na siya sa palda ng Nanay niya!" 

Mapait na napangiti si Ronchie Congrats kuya dahil hinding hindi mo na siya makikita, baka nga pasalamatan ka pa niya kapag may nangyari masama sa akin. Dahil sa takot at muling pagsakalakay ng kirot sa kanyang dibdib, nag unahang tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi.

"Sweetie kanina pa kita inaantay, nandito ka lang pala" 

Biglang tumigil ang pag inog ng kanyang mundo ng marinig ni Ronchie ang pamilyar na tinig na iyon. Halos manuot sa kanyang kalamnan ang lamig ng tinig nito. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya oh hindi, pero aaminin niya naibsan ang takot niya.

Napangisi ng mapanganib si Quen at sinalubong niya ng blangkong tingin ang pamilyar na lalake sa kanyang harap. Bigla itong namutla!

He smirked ang tigas din talaga ng bungo nito hindi pa nagtanda. Kung tinuluyan nalang sana niya ito ng mapansin niya ang pagsunod sunod nito si Ronchie? Pasalamat ito at takot siya sa kanyang Tita Thea baka hindi nalang suntok ang matanggap niya mula dito kapag nalaman nitong ginamit niya ang kanyang bala sa walang katuturang bagay.

Napabaling ang mga lalake kay Quen "Asawa mo ba to pare?" painosenteng tanong ng isa. Napapiksi at kinilabutan si Ronchie ng walang pakundangang ilapit pa nito sa kanya ang mukha at inamoy siya sa leeg "Ang bango ha!" 

Humalakhak ang mga ito "Hihiramin lang namin saglit Pare! Huwag kang mag alala ibabalik din namin siya agad pagkatapos namin, di ba Pare?" dagdag naman ng isa.

Nagdilim ang mukha ni Quen kung hindi lang sa takot na nakikita niya sa mukha ni Ronchie na kanina pa walang buhay nakahandusay ang mga ito sa lupa. He's trying his best to hold back his anger.

"Bibigyan ko kayo ng pagkakataon, bibitawan niyo ang asawa ko? O ako mismo ang gagawa ng paraan para bitawan niyo siya?" mariing wika ni Quen sa mga ito.

Kahit namumutla ay pilit na ngumisi ang tatay ni Jhen "Kahit kailan napakayabang mo talaga! Wala ka naman sa lugar!" sigaw nito.

"I already gave you a warning!" mas malamig pa sa yelong saad ni Quen ngunit ang mga mata ay nagbabaga na sa galit.

"P*t*ng *n* nosebleed pare!" papilosopong pinahid pa nito kunwari ang ilong.

Doon na napatid ang pagtitimpi ni Quen! Like a wild beast he attack them! Inuna niya ang dalawang lalakeng nakahawak kay ROnchie. He gripped both of their wrist tightly! Ng mabitawan ng mga ito si Ronchie ay pinag untog niya ang mga ito. Dahil sa galit hindi na niya binigyan ng pagkakataong makabawi ang dalawa. Agad siyang nagpakawala ng malalakas na suntok at sipa. "She's mine! No one is allowed to hold her!" galit na galit niyang wika. 

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon