Akyat Baba

23.8K 605 21
                                    

Inisang tungga ni Quen ang laman ng kopita sa kanyang kamay. Nang maihatid niya si Ronchie ay hindi na siya makatulog. Now here he is maaga palang halos nakalahati na niya ang laman ng bote ng alak na iniinom.

He dangerously smirked. Congrats Quen! Bati niya sa sarili Nakuha na niya ang gusto niya. 

Lumitaw sa isipan niya ang dalaga. Napakuyom ang kanyang kamao ng may mag react sa katawan niya.

D*mn! Just thinking about her made his buddy twitched down there. Nagsalin ulit siya sa kopita at mabilis itong tinungga.

Napapikit siya ng mariin. Gumitaw sa isipan niya ang duguang mukha ng mga magulang. Umahon ang galit sa kanyang dibdib. Nabasag ang baso sa kanyang palad. Dahil sa galit hindi niya namalayang napahigpit ang hawak niya dito.

Imbes na kumuha ulit ng panibagong baso ay sa mismong bote na siya uminom. 

Naagaw ng kanyang atensyon sa bote ng alak ng mag ring ang kanyang private phone.  Kumislap kislap ang pulang ilaw. Isa lang ang ibig sabihin isa sa kapamilya niya ang tumatawag. That phone was only use for emergency purposes. Ang galit na nararamdaman ay napalitan ng pag aalala. Agad niya itong inabot, his Tita Thea's name was registered on the screen.

Mabilis niya itong sinagot "Tita what happened?"

"What happened? Kung hindi pa sa private phone mo ako tatawag hindi mo sasagutin? Where are you? Saan saan ka ba nagsusuot na bata ka?" sunod sunod nitong tanong. Nakikinita niya na nakapamewang at nakataas ang kilay ng tiyahin habang nagsasalita ito.

Mainit na bagay ang humaplos sa kanyang puso. She love and respect this woman so much! In fact ito lang ang nakakapagpanginig ng tuhod niya este nila pala. "May inaasikaso lang ako Tita" matipid niyang sagot. 

Rinig niya ang pagbuntong hininga nito. Kilala siya ng tiyahin kaya hindi na ito nag usisa pa. Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon alam nito ang bawat ginagawa niya lalo na sa tipo ng trabahong meron sila. "It's your Tito Zion's birthday nextweek. Subukan mong hindi umuwi malalagot ka sa akin!" pagbabanta nito. 

Napangiti siya "Yeah Tita takot ko lang sayo, baka paluin mo pa ako sa pwet!" 

"Quen Sarmiento! You knew very well kung paano ako magalit, huwag mo akong pilosopohin. Pagbuhulin ko kayo nila Tito Zion mo eh! Bakit ba kayo sa kanya lahat nagmana?"

Natawa siya ng maalala kung paano ito magalit ng mahuli sila nitong mag bar. Ginawa nitong dart board ang ulo nilang may Mansanas. Sinama pa nito ang mga bayaw niya, sina Dwayne at Caleb ang mga asawa nila Ap at Jenna. Naging sing putla lang naman sila ng Papel.

"Tita easy.. Uuwi ako okay? " malambing niyang saad dito.

He heard her sigh, alam niyang sapat na dito ang malamang buhay pa siya."Kung saang lupalop ka man ng Pilipinas make sure you're taking good care of yourself"

"Copy Tita!" 

Nakailang ulit pa itong pangaral bago tuluyang nagpaalam. "I'm sorry Tita.." mahinang usal niya.  

***

"Babaita gising!" 

"Ano ba!" inis na tinabig ni Ronchie ang mga kamay na yumuyug yog sa kanya. 

"Oh di matulog ka nalang! Uubusin na namin yung pasalubong ni Tatay" rinig niya ang patakbong paglisan ng kapatid sa silid niya.

Pagkasarang pagkasara ng pinto ay bigla siyang napamulat ng mata "Tatay?" napabalikwas siya ng bangon. Ngunit napangiwi siya dahil biglang kumirot ang anu niya. Amfufu kasarap--- este kalaki naman kasi ng pumasok dito. 

Sa Pangasinan kasi nakadestino ang Tatay niya. Driver ito ng isang kompanya. Sa isang buwan isa o dalawang beses ito kung magbakasyon. Wala siyang mairereklamo sa ama. Napakabait at nakaparesponsable nitong Padre de pamilya. Kaya napaka swerte nilang magkapatid dito. 

Pinilit niyang maglakad ng normal habang bumababa siya ng hagdan. Naabutan niya ang nakatatandang kapatid na nilalantakan ang paborito niyang Tupig galing ng Pangasinan. Gawa ito sa malagkit na may halong gata at kinayod na murang bunga ng niyog. Binabalot sa dahon ng saging at iniihaw.

Bigla siyang naglaway "Te pengeeee!" hinablot niya ang isang supot na hawak ng Ate. Kumuha siya ng isang piraso ng tupig , mabilis itong binuksan at ipinasak sa bibig.

Nanlaki ang mata ni Rochelle "PG lang ang peg? Hindi ka pa ata nagmumog sa lagay na yan?" nadidiring turan nito.

Nilunok muna niya ang kinakain bago sumagot "Hiyang hiya naman ako Teh, nag toothbrush naman ako bago bumaba." Inikot niya ang paningin. "Nga pala san si Jen?"

"Kasama si Cheche nasa likod"

"Si Tatay?"

"Kasama niya si Mother, nag ja-jack enpoy marahil sila sa kwarto" tatawa tawa nitong saad.

Kumunot ang kanyang noo "Jack en poy? Ang tatanda na nila para maglaro nun" umupo siya sa sofa at itinaas ang paa gaya ng kanyang nakagawian. Ngunit agad din niyang binaba "Ouch!" nakalimutan niya. Injured pala siya hihi

Napatapik sa noo ang kapatid "Ang tanda tanda mo na hindi mo pa din gets? Teacher ka ngang naturingan ang hina ng pick up mo" itinirik niyo ang mga mata "Sa tingin mo anong ginagawa ng mag asawa sa kwarto? Ronchie naman! Mabubuo ba tayo kung maglalaro lang sila ng jack en poy? Oh magtitigan lang? Hai naku... magbasa ka nga minsan ng Erotic novel ng magka malisya naman kahit papaano ang utak mo" sunod sunod na litanya nito

"Teka----" lumapit sa kanya ang kapatid at hinawakan siya sa baba. Nakataas ang kilay nitong mariin siyang pinagmasdan.

"Anu ba!" tinabig niya ang kamay nito at ibinaling sa ibang direksyon ang mukha. Naiilang siya sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya.

"Parang may iba sayo"

Tumikhim siya at umayos ng upo "Anong iba? Nakakain ka lang ng tupig kung ano anu ng naiisip mo. Makapagkape na nga!" 

"Hep!" pigil nito ng akmang tatayo na siya. Muli siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa. 

Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib "Bakit?"

Hinila siya nito "Tapatin mo nga akong babaita ka! Nakatikim ka na ng langit nuh?" mahinang bulong nito.

Langit? 

Hindi pa! 

Anaconda Oo! 

Biglang uminit ang kanyang pisngi. Sinong nagsabing wala siyang malisya sa utak? 

Kung sabagay kagabi lang naman siya namulat sa kamunduhan! haha Tsk ang pangit ng term!

Pumiksi siya "Ano ba kasing langit ang pinagsasabi mo?" yumuko siya para itago ang pamumula ng pisngi dito.

Pinagdikit nito ang dalawang palad at bumulong sa kanyang tenga. 

Napamulagat siya at marahang itinulak palayo ang kapatid na may nakaguhit na pilyang ngisi mga sa labi. 

Yun ba ang langit? 

Ilang beses siyang napamura ng malulutong sa isip.

Hindi ko lang natikman sister! 

Naka ilang beses pa akong akyat baba!

***

Wahh haha Feeling ko walang katuturan ang chapter na to hahaha

Kembot ako uleet ng bongga kapag nasa tamang huwisyo na ang utak ko hihi

Salamat ng marami sa pagsuporta guys!

Shy___




Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon