Paasa

54 1 0
                                    

Hiiii!  Hindi po ako magaling gumawa ng titles so sorna agad kung pangit yung title ah? Please vote and comment kung maganda ba. Haha. Thanks.
------

Isa ka ba sa mga nasaktan at umasa?
Halina't samahan mo kong ibuhos ang galit sa tula
Tayo'y huwag mag pa-apekto sa kanilang magagandang galaw
Galaw na nakakabulag parang sinag ng araw

Nasabihan ka rin ba ng "ikaw lang sapat na"?
Diba't yang linyan yan ay nakakatanga?
Tanga ang lahat ng maniniwala diyan
Sapagkat wala namang tunay na ganyan

Ibinigay mo na ang pagmamahal mo
Pero ikaw pa rin pala ang masasaktan sa dulo
Nasa kanila na ang huling halakhak
Kaya heto tayo at nag papakalunod sa alak

Bawat luha ng tao'y parang sentimo
May halaga sa kahit na sino
Kaya huwag basta-bastang aksayahin
Lalo na sa mga walang kwentang inibig natin

Akala mo ikaw na ang sa puso niya'y nag papatibok
Yun pala'y umasa lamang sa puso mong mapusok
Mga pangakong kaniyang binitiwan
Hanggang kailan mo ba ito paniniwalaan?

Pagmumukmok sa kanyang pag lisan ay hindi karapat-dapat
Tumayo ka't punasan ang luha, mag ayos ng sapat
Ipakita sa kaniya na di ka apektado sa kanyang pag alis
Na para bang lahat ng nararamdaman mo sa kaniya ay agad na winalis

Huwag siyang iwasan, hayaan na siya ay lumapit
Para makita niya kung sino ang tunay na kapalit-palit
Kaya kapag ikaw ay muli niyang nilandi
Hayaan siyang sa sariling lubid ay mabigti

Aral ay tandaan, isa puso't isa isip
Huwag kalimutan na parang hanging umihip
Mahalin mo ang tao na nakalaan sa iyo
Huwag gayahin ang estilo ng mga manloloko

Basta lagi mong tatandaan
Mga mata natin ay sadyang mapanlinlang
Sa dikta ng ating mata'y huwag mag papabulag
Bagkus gamitin ang puso at isip, sa maling akala'y 'wag magpapa bihag

Mixed Up FeelingsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora