HELL.O

1K 15 1
                                        

Prologue

   Sa bayan ng Luzviminda de la Cruz, nagpa-practice ang isang choir na binuboo ng mga binata at mga dalaga sa loob ng isang simbahan kahit alas 11:30 na ng gabi. Umaawit sila ng kantang, 'Natutulog ba ang Diyos'. Kahit gabi na ay patuloy pa rin ang kanilang pag-e-ensayo ng nasabing awitin dahil bukas ay Linggo na naman at may first at second mass na magaganap.

   Si Father Roberto de Vina, ang pari ng simbahan, ay napangiti dahil masaya na natapos ang kanilang practice. Nagpalakpakan at nagsiyahan ang lahat. Ang medyo mataba at masayahing pari ay napasabi sa kanyang chorale ng, "Oh, mga anak, natapos din ang ating practice. Bukas, first mass, ang unang batch ng ating choir ha!, don't be late, before 6 a.m. andito na kayo, okay?" sabi nito. "Yes Father!!" sagot ng first batch ng kanilang choir. "And, remember mga anak... hindi!?" napatanong ang pari at sabay-sabay na napasagot ang chorale ng, "Hindi natutulog ang Diyos!!!" masayang napasigaw ang lahat. At nagsiuwian din ang mga mang-aawit.

"Bye Father!", "Goodnight Padz! Bye-bye!", "Sige father, goodnight and goodbye!". Napauwi na din ang mga kasapi ng choir at napaiwan ng mga huli nilang mga salita sa pari ng kanilang bayan. Naiwan sa simbahan si Father de Vina, ang napakayaman, maputi at maganda niyang kapatid na si Roxanne 'Roxie' de Vina, ang matipuno, guwapo at half Filipino-half Japanese na pulis na si Deputy Yuri Hanzo, ang bading na fashion designer subalit pogi at makisig na si Carlo Ferrer, ang cute at call center agent na si Zenaida Amador, at ang morena at napakagandang may-ari ng tatlong charity fund ng kanilang bayan na si Joeceline 'Joecel' Vargo.

"Paano ba 'yan mga epalz! Uuwi na rin ako, bye! Goodnight father!" Napalakad palabas ng simbahan ang bakla na si Carlo Ferrer. Habang lumalabas na ng simbahan si Carlo, napaiwan ng linya si father de Vina sa binata. "Carlo! 'Wag mong kalimutan ang sinabi ko sa'yo ha!" sabi ng pari. Napangiti ang bading at napasabi sa alagad ng simbahan ng, "Opo! 'No to homosexual marriage'! Got it padz! Bye!" sabi ng bakla. Napatawa ang mga naiwan nitong mga kasamahan sa simbahan. Tumunog bigla ang cellphone ni Roxanne. Sinagot ng dilag ang cellphone nito at nalaman niyang isa sa mga crew niya sa kompanya na, 'Roxcell Mobile Company' ang nasa kabilang linya. Pinapapunta itong si Roxanne ng kanyang co-member sa kanyang station ay dahil may mga call center agents na naman sa kanyang kompanya na aalis at hindi na magtatrabaho sa kanyang mobile corporation. "Okay, I'll be there in a minute." Sagot nitong si Roxanne. Nagmamadaling lumabas ng simbahan ang nasabing dalaga. Nagulat ang mga kasama nito lalong lalo na ang kuya nitong pari na si Father Roberto. "Roxanne! Gabi na, bukas mo na lang 'yan pansinin... 'yang problemang 'yan!" sabi ng pari sa kapatid. Nagulat si Roxanne sa sinabi ng kuya nito. "Wow! Kuya! 'kala mo sa kompanya ko parang magluluto lang ng adobo?, easy to put suka and toyo? Sige na alis na ko! Bye guys!" sagot ni Roxanne sa kuya nito sabay takbo palabas ng simbahan. Napahinga ng malalim si Father Roberto. "Hayaan niyo na si Roxanne father," sabi ni Joeceline sa pari, "eh ang lapit lang ng cellphone company niya oh! Katabi lang ng simbahan niyo!" natatawang pagsabi ni Joeceline sa kuya ni Roxanne sabay turo ng mobile location ni Roxanne na katabi lang pala ng simbahan. "Anak, ang sa akin lang, palagi na lang siyang napupuyat dahil diyan sa cellphone company niya. Gabi-gabi na lang siyang nandiyan! Eh hindi ko na 'yan nakikitang umuuwi ng bahay para matulog manlang." Sagot ni Roberto. "Eh baka sa loob ng station, diyan na lamang siya natutulog." Sabi ng pulis na si Yuri. "Oo nga, besides, father may mga bedroom and living rooms din naman sa station ni Roxie... eh baka sa sofa na lang siya nag-se-sleep." Sabi pa ni Zenaida. "Sana nga..." sagot ng pari. Nagtitigan ang isa't isa at nagtawanan."Oh sige na, magsiuwian na rin kayo't baka galit na ang mga kasamahan niyo sa inyong mga bahay." Sabi ni Father de Vina. "Oh sha! Let's go home na rin!" sabi ni Zenaida. Hinawakan ni Deputy Yuri ang kanang kamay ng nobya niya pala na si Joeceline. "Hatid na kita pauwi. I have my car outside the church." Sabi ng pulis sa girlfriend. Napangiti ang manager ng three charities at napasagot ng "Okay..." Kinilig si Joeceline, pati rin ang napatitig sa kanila na si Zenaida pati rin mismo ang pari. "Oy, sweet nila! Inggit ako!" sabi ng pari sa magkasintahan. "O.A. niyo ha! Eh! Iisa lang naman ang bahay niyo!" kinikilig na sabi ni Zenaida. "Para umasim pa lalo ang samahan!" sagot ni Yuri. "Tama na nga! Uwi na tayo!..." kilig to the max na sagot ni Joeceline. Sabay na lumabas ng simbahan ang pulis at si Joeceline. "Mauna na kaming umuwi father!" sabi ni Joeceline sa padre sabay lakad palabas ng simbahan. "Bye Father!" sabi pa ni Yuri kay Father Roberto ng naglalakad palabas ng simbahan kasama ang nobya. Sina Zenaida at ang pari na lamang ang naiwan sa simbahan. "Oh pa'no father, uwi na rin ako." Sabi ni Zen sa padre. Nang magsimula ng lumakad si Zenaida, may napansin ang pari sa dalaga. "Zen, wait!" sabi ni Roberto. "Po?" tanong ng dilag. "Namumutla ka na naman, okay lang ba?" tanong ng pari kay Zenaida. Halos matawa ang dalaga sa tanong ng padre. "Father, two years na akong may damaged kidney, anong okay? Kayo talaga..." napangiti si Zen sa pari. Nakikita ni Father Roberto sa mukha ng dalaga na hindi ito masaya dahil sa dinadamdam nitong sakit. Hinawakan ng pari ang mga kamay ni Zenaida at sinabihan ng, "Anak, huwag ka sanang mawalan ng pag-asa. Hindi dahil may sakit ka ay mauubos agad ang tiwala mo sa Kanya. Anak... mahal ka ng Diyos... ako, sila, tayong lahat, mahal tayo ng Panginoon." Sabi ng pari sa dilag. Halos lumuha na ang babae sa sinasabi ng pari sa kanya. "Opo father..." sagot nito. Niyakap ng pari si Zenaida, at napaluha na ang dalaga.

Nasa labas na ng simbahan sina Zen at father Roberto. "Sigurado ka ba na kaya mong mag-drive pauwi? Gabi na anak, dito ka nalang matulog sa simbahan." Sabi ng pari sa dilag. Napangiti lang si Zenaida at sumagot ng, "Don't worry father I can manage myself... and my car." Sagot nito at napangiti ang pari. Lumakad na itong si Zen papasok sa loob ng Volkswagen car nito. "Bye father! Goodnight!" sabi ni Zen sabay drive pauwi ng kanyang bahay. "Goodbye anak! Goodnight!" sagot ng pari sa dilag. Nang ang lahat ng mga kasama sa choir ay nagsiuwian na, pumasok na din ng simbahan ang pari, isinara at ni-lock ang main door ng church.

HELL-OWhere stories live. Discover now