chapter 40

58 2 0
                                    

'yung nasa multimedia . 'yan 'yung kinanta ni JD/John

Hindi maipaliwanag ni John ang nararamdaman niya. He was too happy that time. Parang sila lang dalawa ng babaeng minamahal niya ang nasa mundo. They were on the seashore at naglalakad habang magkahawak-kamay. Walang salitang namutawi sa mga labi nila. Nagpakiramdaman lamang din sila. Maya’t-maya ay hinahalikan niya ang kamay nito. Ngumingiti lang din ito sa kanya.

“Dito na muna tayo. Pagod na akong maglakad, eh.”-sabi nito sa kanya. Sumang-ayon naman siya rito.

“John, tungkol noong nakipagkahiwalay ako sa’yo…”-tiningnan niya ito na parang hindi interesado. Nagpatuloy lamang ito sa pagsasalita.

“Aaminin kong iyon ang napakalaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko. John, I broke up with, ‘coz I thought ikaw ang anak nu’ng lalaking pumatay sa daddy ko. At sumira ng pamilya namin. At kailangan ko rin pumili sa inyong dalawa sa inyo ni kuya. Siyempre pinili ko siya. Akala ko madali lang akong makapag-move on. Pero anim na taon simula nu’ng hiwalayan kita. ‘di pa rin talaga ako makaget-over.”-mahabang paliwanag nito at bumuntong-hininga.

“Don’t think too much about it, Sab. Let’s forget the bad things happened in the past.”-sabi niya at buong pagmamahal na hinalikan ito. “I love you, Sab. Like no other woman in the world.”

“I love you, too, John.”-sagot nito sa kanya. Hinalikan ulit niya ito.

Kumawala siya sa pagkayakap dito. Nakaharap lamang sila sa dagat. Maya-maya ay humiga siya.

“Sab? Gumagawa ba ng drugs ang mga magulang mo?”-sabi niya dito. Nagtatakang nilingon siya nito.

“Huh?! Bakit?”

Naupo ulit siya.

“Kasi nakagawa sila ng nakakaadik na katulad mo.”-hirit niya na ikinatawa nito.

“Alam mo rin pala ‘yan, ah!”-natatawang sabi nito.

“Bakit meron ding sa’yo?”-tanong niya. Habang hinuhubad ang suot niyang jacket at isinuot kay Sab.

“Ahmm… sandali, hindi ko alam kung  havey ‘to, eh.”-tumikhim ito. “May dala ka bang notebook?”-hirit nito. Naaliw siya sa ginagawa nila.

“Bakit?”-tanong niya.

“Paki-take note naman na MAHAL NA MAHAL KITA!”-sabi nito. Ayee! Nageenjoy sila sa hirit nila.

“’eto, oh. Tae ka ba?”-sabi niya.

“Yuck. Ayoko niyan alam ko na ‘yan, eh.”-sabi nitong parang nandidiri.

“Yuck ka ng Yuck! Yu-yuckapin kita diyan, eh!”-HAHAHA. nakahirit pa rin siya.

“Humihirit ka pa, ah. Tigilan na nga natin ‘to.”-sabi nito.

“Eh, nage-enjoy ako, eh. Ang KJ mo naman.”-maktol niya.

“Eh, ayoko na nga. Kantahan mo na lang ako.”-request nito sa kanya.

“Kanta na naman? Ano ba gusto mong kantahin ko?”-tanong niya. Humiga sila.

“Kahit ano. Basta kumanta ka.”-sabi nito.

“Para naman akong videoke nito. Dapat may token muna.”-sabi niya.

“Token? Pasensiya na wala akong token Mr. videoke.”-sabi nito.

“Eh, kiss na lang pwede.”-pilyong sabi niya at humarap dito.

“Ano ka sinuswerte?!”

“Oo. Sinuswerte talaga ako. Because I have you.”-hirt na naman niya.

“Ay! Ang kulit mo. Sige na nga ikikiss na kita. Baka humirit ka pa ng punch line jan, eh.”-sabi nito. Walang magawa kundi halikan siya.

“Wait. Ano ba magandang kantahin?”-nag-isip siya.

“Dalian mo.”-sabi nito.

“Ang demanding. Naglo-loading pa ang utak ko ‘no. isang kiss pa ulit para mas mabilis ang paglo-load.”

“’wag na. Mag-isip ka na nga lang.”-taray na sabi nito.

“Ang sungit. May dalaw ka ba?!”-pigil ang tawang sabi niya.

“How dare you!”-nanlalaking ang butas sa ilong na sabi nito.

“Hay, ang kuripot talaga. Ayaw lang talaga akong bigyan ng kiss.”-sabi niya. Nag-isip ulit siya. maya-maya ay nakaisip na siya ng magandang kakantahin. Tumikhim siya.

♫♫♫

You said goodbye

I fell apart

I fell from all we had

To I never knew

I needed you so bad

You need to let things go

I know, you told me so

I've been through hell

To break the spell

Why did I ever let you slip away

Can't stand another day without you

Without the feeling

I once knew

I cry silently

I cry inside of me

I cry hopelessly

Cause I know I'll never breathe your love again

I cry

Cause you're not here with me

I cry

Cause I'm lonely as can be

I cry hopelessly

Cause I know I'll never breathe your love again

♫♫♫

Tinapos niya ang kanta. Pagkatapos noon ay tiningnan niya si Sab. Nakapikit ito na parang natutulog na.

“Sab? Tulog ka na?”-sabi niya at kinakalabit ito. She opened her eyes. Namamasa ang mga mata nito.

“Bakit ‘yon ang kinanta mo?”-tanong nito.

Bumuntong hininga siya at bumangon.

“’yon ang naramdaman ko nang iwan mo ko, Sab. Hindi ko lang talaga malaman kung paano kita kalilimutan noon,eh.”-malungkot na sabi niya. Kahit ngayon na nagkaayos na sila ay takot pa rin siyang mawala ito sa kanya. Niyakap siya nito mula sa likod.

“I’m sorry, John. hindi ko talaga sinasadya ‘yon. Pinagsisisihan ko na ‘yon.”-sabi nitong umiiyak. Hinarap niya ito. hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.

“Bakit ba ang iyakin mo? ‘wag ka nang umiyak, okay. Ang tigas talaga ng ulo mo. There’s no reason to cry now. Okay na tayo ‘di ba? At sabi ko rin sa’yong kalimutan na natin ang pangit na pangyayari sa nakaraan natin.”-sabi niya rito. Hinalikan niya ulit ito at niyakap para gumaan ang loob nito.

Ipapangako niyang hindi na ito ulit mawawala pa sa piling niya. Hinding-hindi na nila dapat pang danasin ang nagyari noon.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon