chapter 1

230 2 7
                                    

Sab’s POV

Aah !! Enrolment na naman. Nakakainis at siya lang mag-isa ang mag-eenrol. Tapos na kasing mgpaenrol ang 2 kaibigan niya. Medyo late na siyang nakapag-enrol dahil kahapon pa lamang siya dumating from vacation sa Korea kasama ang kuya niya.

Hay ! Ang init naman! Ang dami pang tao, nakakahilo ! -iritang sabi niya sa sarili habang nagpapaypay gamit ang kanyang dalang envelope.

Buti na lang at malapit na siyang matapos. Nakapila siya ngayon para sa approval.

Maya-maya, habang naghihintay siya at nakikinig ng KPOP song, may napansin siyang lalaki.

“Ano ba naman ‘tong lalaking ‘to, walang kataste-taste sa fashion. At mukhang mama’s boy pa. Pati pa ba naman mag-paenrol, nagpapasama pa sa nanay. Urgh, sayang mukhang gwapo pa naman sana siya.” sabi niya ulit sa sarili ng makita ang isang lalaking nakasuot ng heavyglasses, na parang boy version ni Betty la Fea. HAHAHA!

Hindi na lamang niya ulit ito pinansin. At nagpatuloy siya sa pakikinig ng music. Napangiti na lamang siya ng marinig ang kanyang paboritong kanta.

♫ ♫sarangi gamyeon tto dareun sarangi

      dasi ol geomnida kkok geureol geomnida

      jigeumeun apado jogeumman jinamyeon

      amul geomnida

     geureol geomnida, ijeul geomnid

     nado geureol geomnida♫♫

JD’s POV

Nandito siya sa eskwelahan niya ngayon. Mag-eenrol sana siya mag-isa pro nagpumilit ang mama niyang sumama. Naiinis siya dito. Ang lakas kasi ng boses ng mama niya kung magsalita.

“Naku, anak! Hindi porket nagkolehiyo ka na, eh, iiwan na kita. Kailangan samahan parin kita para makasigurado ako…”sabi ng mama niya.

“Ma naman, di nako elementary o high school student. I can manage myself. Di niyo naman kailangan sumama pa,eh.”mahinang sabi niya sa mama niya. Ang dami na kasing nakatingin sa kanila. At kung ano-ano na ang mga sinasabi. Nakakainis na talaga!!!

“Okay!! “sabi ng mama niya.

  “Yes! Thanks ‘ma!”tuwang sabi nman niya.

“Pero bago ‘yun. Ako ang kukuha ng schedule mo…”sabi nito na ikinainis na naman niya.

“Ma, ako na lang po. Mapapagod lang po kayo, tska ang daming students,oh. Baka mahilo kayo dito..”palusot niya.

“No. ‘wag kang mag-alala. Mag-hihingi nalang ako ng schedule sa ibang students…Stay there!”sabi nito habang may hinahanap.

 Kung maka-‘stay’ naman to parang may alagang aso. Tsk! Mama talaga, oh! Maya-maya nakita niyang lumapit ito sa isang babae.

Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila..?

Sab’s POV

 ================================================================

 Napansin niya na mukhang papalapit sa kanya ang isang babae. 

‘di naman siguro ‘to papunta sa’kin ‘no. Sa dinami-dami ng estudyante.

Kanina pa siya iritang-irita. Para kasing hindi umuusad ang pila. Daig pa ang traffic sa EDSA.

Malapit na ding ma-deadbatt ang cellphone niya. 

 Anak ng tuko naman,oh. Wala pa akong makausap. Kung nandito lang sana sina Avery at Kim, di mapapanis laway ko dito. Kasi naman,eh!!!!

“Ah, hija. Excuse me.”-sabi ng isang middle-aged na babae.

Aba at ako nga talaga ang sadya nito!

Tinanggal niya ang headphones niya. At umayos ng harap sa babae.

“Ah, opo. Bakit po?? Ano pong kailangan niyo?”-ako.

 “Ah, hija, ako nga pala si Mrs. Gomez matanong ko lang sana kung anong course mo at kung anong year kana.”-anito.

“Ah. BSIT po ang course ko. At second year student.”-sagot ko naman.

Ang gaan ng loob ko sa babaeng ‘to. Parang mama ko. Malumanay magsalita.

 “Ah, tamang-tama. Hija, pwde bang hiramin yang schedule mo? Kasi yung anak ko,eh.   Baka mahirapan pa kung kukuha pa siya ng schedule. Wala pa naman siyang kasama. Pwde ba?”-sabi nito.

Ang swerte naman ng anak niya. Tsk! Kainggit.

 “Ah, oo naman po. Pero pde po bang dalian lang po ng konti ?? Kasi magpapa-approve na po kasi ako niyan,eh.” di man niya gustong daliin ito pro baka turn na niya. medyo bumilis pa naman ang usad ng pila.

Bakit pa kasi ngayon pa umusad !!

Binigay niya dito yung schedule niya.

“Ay, naku! maraming salamat talaga hija. Sandali lang talaga ‘to. Dun lang ako sa may chair okay.”-at umalis na ito.

Hindi niya alam pero bigla niyang na-miss ang mama niya.

Hay naku!

JD’s POV

Nakaupo siya sa may chair sa labas ng isang room habang hinihintay ang mama niya. Sumasakit na ang ulo niya sa init ng sikat ng araw. At tska nagugutom na siya. 

Buti na lang andito na mama niya. May dala-dala itong papel habang lumalapit sa kanya.

“Oh, ‘ma. Ano ‘yan???”-sabi niya.

“Dalian mo, kopyahin mo agad at ng maibalik ko na iyan sa may-ari.”-si mama.

“eh, kanino po ba ‘to?”.-sabi ulit niya habang inaayos ang eyeglasses niya.

 “Mamaya kana magtanong at isulat mo na iyan dali..”-mama

So, sinunod ko na lang.

 Pag ganito kasi tono ni mama, eh, natatakot na ‘ko.

Sab’s POV

“Ano ?!!! Ni isang subject walang nagmatch sa’tin??? No way!! ‘di ako papayag girls. Alam niyo namang di ako nabubuhay pag wla kayo… huhuhu.”

“naku. ‘wag kang mag-alala,girl. Nagmatch naman ang schedule natin sa break time, ‘no. kaya ‘wag kanang sad. Sundo-sunduan na lang tayo. HAHAHA. Meganon???”-sabi ni Avery. Ang pinaka-kasundo ko sa 2 bestfriends ko.

“Oo nga naman. Kaya ‘wag kang magmaktol jan. magkakasama pa rin tayo sa gimik.”-si Kim. BFF ko din.

 “No—No—Nooooo. I don’t know what to do. Ba’t ganito. Ayoko talaga girl. Mao-OP lang ako.”-ako.

“Eh, paano ka matututo niyan kung nakasandal ka lang sa’min palagi???”si Avery.

 “Eh kasi naman-----“

!!!!!!!KRiiiiiiiiiiiNG!!!!!!!!

Nag  bell na. Kinakabahan talaga siya.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon