chapter 29

41 1 0
                                    

Nasa bahay siya ngayon sa bahay nina Avery at Bryle. Nasa kusina sila ngayon at nag-uusap. Sinabi niya rito ang pagkikita nila ulit ni John.

“Aahhh!!!”-tumili ito. binatukan niya agad ito.

Aray! Sakit nu’n, ah.”-maktol nito habang hinihimas ang ulo.

“Eh, kasi naman. Kung makatili ka, wagas. Kanina ka pa, ah. Halos kumawala na ang mga eardrums sa tainga ko kakatili mo.”-sabi naman niya dito.

“Eh, nakakakilig kasi, eh.”-nakangiting sabi nito sa kanya.

“Anong nakakakilig doon? At saka ‘di ko ba nasabi sayong may asawa na ‘yon?”-tanong niya sabay irap dito.

“HUUUWWWAAATTT?!!”-nanlalaki ang mga matang sabi nito.

Inirapan ulit niya ito. Sabi na nga ba niya.

“Teka, paano mo nalaman?!”-tanong nito sa kanya. Halos mapang-abot na ang mga kilay nito.

Pinagpatuloy niya ang kwento niya. Halos hindi ito kumukurap habang nakikinig sa kanya.

“Very tragic naman talaga ng love story mo girl… sana ‘di mangyari sa’min ‘yan ni Clyde.”-ang tinutukoy nito ay ang current boyfriend nito.

Nalulungkot din naman talaga siya. akala niya ‘pag nagkita ulit sila ni John ay maaayos na sa kanila ang lahat at may pag-asa pa silang dalawang magkabalikan. Pero ngayon wala na. wala na talagang pag-asa. Siguro naman may inilaan para sa kanya ang Diyos.

Malalim na napabuntong-hininga siya.

“Ang lalim ng hinugutan nu’n, ah.”-sabi bigla ni Bryle. Oo nga pala kasama nga pala nito sa kusina.

“Kitang-kita sa mga mata mo, Sab. Na mahal mo pa rin si John.”

“Oo inaamin ko sa inyo. Mahal ko siya. Pero ‘di na pwede ‘di ba?”-malungkot na sabi niya. She sighed.

“Naku, girl… ‘wag ka na please mag-emote. Ayaw ko munang umiyak.”-sabi naman ni Avery. Natawa naman siya.

“’di naman ako magdadrama ngayon ‘no. mahirap na. First day ko sa work bukas. Baka lumaki ang eye bags ko.”-sabi niya habang tinatapik-tapik ang kanyang magkabilang pisngi.

“saan ka nga pala magtatrabaho, Sab?”-tanong ni Bryle sa kanya. Pero ‘di nakatingin sa kanya may nilalaro ito sa cellphone nito.

“Sa SWAIN IMAGE PRODUCTS. Magiging secretary ako doon.”-sagot niya. Natigilan naman ito. parang may inaalala.

“Bakit?”-tanong niya.

“parang narinig ko na ‘yan. Pero ‘di ko alam kung saan.”-sabi nito habang hinihimas-himas ang baba.

Dingdong!

May nagdoorbell.

“Ako na ang magbubukas.”-prisinta ni Bryle.

Maya-maya ay bumalik ito. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Kinabahan naman siya.

“B-bakit.”-nauutal na tanong niya.

“Sab, si John…”-seryoso pa rin sabi nito. Nahigit niya ang hininga.

Bakit siya nandito?

Anong kailangan niya?

Tiningnan niya si Bryle. Maya-maya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ngumiti ito.

.

.

.

.

.

.

.

“Joke!”-sabi nito sa kanya habang nakapeace sign. At humalakhak.

Uminit ang ulo niya dito. Nilapitan niya ito at hinampas.

“Kainis ka! Halos malaglag na ang puso ko sa sobrang tense tapos binibiro mo lang pala ako.”-inis na sabi niya rito habang hinahampas ang braso nito.

“Ouch! Ouch! Tama na ano ba! Sorry na!”-sigaw nito at umilag-ilag sa mga hampas niya. Tinigilan naman niya ang paghampas dito.

“Kuya  naman. Pati ako kinabahan sa sinabi mo. Ang seryoso pa ng mukha mo. Sino ba ‘yong nagdoorbell?”-sabi naman ni Avery na halatang nainis din.

“Wala. Naligaw lang.”-sabi nito.

Hinampas ulit niya ito.

“’wag mo na ulit gagawin ‘yun, ah. Sa susunod baka suntukin ko  na ulo mo para mawala ang topak mo.”-banta niya kay Bryle.

“Oo na. ang seryoso niyo naman kasi na dalawa, eh. Change mood naman.”-sabi naman nito.

Tsk! Kainis talaga!

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon