chapter 39

57 2 0
                                    

Masayang-masaya si Sab para kay Bryle. Ikakasal na ito two months from now. Natutuwa siya dahil kahit topakin ang lalaking iyon ay may nahanap pa rin itong babae para dito. naisip niya. Siya kaya? Kailan siya magse-settle down. Hindi niya alam kung bakit nalungkot siya sa isiping ‘yon.

May kumatok sa pintuan. Mabigat ang katawang tumayo siya at binuksan ang pinto.

“Kain na.”-sabi ni John sa kanya.

Galit?! Ano na naman ang drama nito?

Sumunod siya rito. Tahimik lamang itong umupo doon. Kumain na siya kasabay ito. Tiningnan niya ito. Seryoso lamang itong kumakain.

“John, may problema ba?”-tanong niya rito.

“Wala.”-simpleng sagot nito.

“Eh, bakit parang galit ka?!”-taray niya rito. Baka maiba ang mood nito.

Bumuntong-hininga lamang ito.

“Hoy! Ano ba?! Magsalita ka naman?!”-di pa rin siya tumigil. Sinipa niya pa ang binti nitong nasa ilalim ng mesa. Parang uminit naman ang ulo nito sa kanya.

“Gusto mo ba talagang malaman kung anong problema ko?!”-sigaw nito sa kanya. Nasindak naman siya. Gusto niyang pagsisihan ang ginawa niya. Nakakatakot pala itong gumagamit.

“A-ano?”-tanong niya na hindi makatingin dito.

“Nagseselos ako sa Bryle na ‘yon. Okay?!”-sabi nito na ikinagulat niya.

“Kay Bryle?! Nagseselos ka kay Bryle?”-natatawang sabi niya.

“Oo. Palagi na lang nakadikit sa’yo ang lalaking ‘yon, eh. Sarap upakan. May pa-I love you I love you ka pa sa kanya kanina.”-amin nito na pinagbuntungan ng inis ang kutsara.

“You’re eavesdropping? Iba ka rin, ah! At saka bakit ka naman magseselos, eh may asawa ka na ‘di ba?!”-biglang pumiyok ang boses niya.

Kumunot ang noo nito at maya-maya’y ngumisi.

“At sino namang may sabing may asawa na ako?! ‘di ko alam na nag-asawa ako, ah! Ikaw lang nakakaalam nu’n.”-sabi nito.

“Sinabi mo ‘yun ‘no.”

“Kailan?”

“Nung ano…” kailan nga ba? “Basta parang sinabi mo ‘yun…”

“Sandali, ah. Parang nagkaka-misunderstanding tayo, eh. Sabihin mo nga, lilinawin natin ‘to. Ikakasal ka na ba kay Bryle? Magboyfriend ba kayo or what?”-tanong nito na seryosong nakatingin sa kanya.

“Tsh! Sinabi ko naman sa’yo noon pa lang. wala kaming malalim na relasyon ni Bryle. Kapatid lang ang turing ko sa kanya at ganun din siya sa akin. Ikakasal na nga siya sa girlfriend niya. Eh ikaw?! Bakit sinasabi mong wala kang asawa?! Wala nga ba?”

“Wala akong asawa, okay. ‘yung nameet mo sa restaurant, kapatid ko siya, si Kyra. At ang kasama naming bata. Pamangkin ko ‘yon anak niya.”-paliwanag nito.

“eh, bakit, daddy ang tawag niya sa’yo?”-hindi pa rin siya naniniwala dito.

“Hindi naman talaga daddy ang tawag niya sa’kin, ‘no. daddy-tito. ‘yun ang tawag niya sa’kin dahil ayon sa kanya  kamukha ako ng daddy niya.”

“Sigurado ka?”-sabi niya. Maiiyak na talaga siya.

Tumabi ito sa kanya. At hinawakang ang kanyang kamay.

“Sab, kailan ba ako nagsinungaling sa’yo? Totoo lahat ng sinasabi ko sa’yo. Kaya paniwalaan mo naman ako. Sab, gusto kong magkaayos ulit tayo. Gusto kong ibalik ang dating tayo.”-sabi nito at masuyong hinalikan ang kamay niya.

Napiyak siya. hindi niya alam ang gagawin niya ng panahong iyon. Sobrang saya niya. Hindi niya inaasahang aabot sila sa ganito.

“Sab. Ang iyakin mo. Ano na? May chance ba ako?”-tanong ulit nito sa kanya habang pinupunasan ang mga luha niya.

“John, gusto ko. Pero natatakot ako, eh. Baka maulit na naman ‘yung dati.”-sabi niya rito.

“Sab, hindi na mangyayari iyon. Maniwala ka sa’kin.”

Hindi siya sumagot sa halip ay mahigpit niya itong niyakap.

“Sab, I love you very much! And I never stopped loving you.”-sabi nito sa kanya. Mariin siyang napapikit. Ramdam na ramdam niya ngayon ang pagmamahal nito sa kanya.

“I love you more, John.”-she sniffed. “John,  gusto mo bang malaman ang totoong dahilan kung bakit kita hiniwalayan noon?”-tanong niya rito. Gusto niyang linawin dito ang lahat.

“I want to hear that. Pero mamaya na. Alis muna tayo.”-sabi nito sa kanya habang  hinihila siya palabas ng room.

“Saan tayo pupunta? Hindi pa tayo tapos kumain.”-tanong niya rito.

“Sa beach. May malapit ditong beach, eh.”-sabi nitong nakangiti.

“Bakit pupunta pa tayo dun?”

“Para naman sweet.”-sabi nito sa kanya at hinalikan ulit siya. Nasa labas na kasi sila ng hotel at maraming taong nagdadaan doon.

“Loko ka talaga. Ang daming tao dito.”-nahihiyang sabi niya.

“Loko daw. Gusto naman!”-asar nito sa kanya.

Kinurot niya ang tagiliran nito.

“Ouch! Sakit noon, ah.”-sabi nito. Himas-himas ang tagiliran nito.

“Sorry po. Ikaw kasi nang-aasar.”-sabi niya rito.

“Sorry na din… ang bilis mong ma-asar.”-sabi nito sa kanya at humalik sa ulo niya at inakbayan pa siya. habang siya ay nakakahawak sa baywang nito.

Masaya siya dahil naging malinaw na sa kanila ang lahat. At bumalik na din ang sarili nilang samahan.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon