chapter 38

47 1 0
                                    

Napapangiting lumabas si John sa kwarto ni Sab. Plano niyang dito siya sa Singapore magtatapat ng nararamdaman niya para dito. Kailangang pag-uwi nila ay magkakabalikan na sila.

Hindi naman siya makikipagkita sa mga clients ngayon. Magkikita sila ng kaibigan niyang si Liam. Clasmate niya ito noon at matalik din niyang kaibigan. May sarili itong kompanya sa Singapore at may pamilya na rin ito. nagkita sila sa isang restaurant.

“JD, bro! cool natin, ah!”-bati nito sa kanya.

Natawa siya.

“’di ka pa rin nagbabago, Liam. You’re still the same guy I’ve known. Kahit nag-asawa ka na. wala ka pa ring pinagbago.”-sabi niya rito.

“Kailangan ba talagang magbago ‘pag nag-asawa na? ikaw ha, kung makapagsalita ka. Bakit? ‘di ka pa rin ba nag-asawa?”

“’yun na nga, eh. Makakapag-asawa ako kung tutulungan mo ako.”-sabi niya. Magpapatulong siya dito kung paano dumiskarte sa babae.

“Huh?! Magpapatulong ka sa ‘kin? Hanep ka rin, ah?”

“’wag mo kong aasarin, ah. Upakan kita jan.”

“Ikaw lang ang asar jan, eh. Pero teka sino ba ang didiskartehan mo?”

“Naalala mo ‘yung sinabi kong ex ko? Siya ang didiskartehan ko.”

“yung Sab na sinabi mo noon?

“Oo, siya nga. Kasama ko siya dito sa Singapore.”

“Ahmm. Simple lang naman ang pagdiskarte jan, ano. May magagandang lugar dito sa Singapore. Ipasyal mo siya.”-sabi nito sa kanya matapos na mag-isip.

“Ano?! ‘yun lang? ang babaw naman.”-react niya.

“Ang loko mo, ah. Ano ba kasi ang gusto mong diskarte?”-inis na sabi nito sa kanya.

“’yung kakaiba, okay. Magtatapat ako sa kanya.”-sabi niya.

“hmmm. Daanin mo kaya sa punch line? ‘yon ang uso ngayon, eh.”-nakangiting nag-suggest naman nito.

“Punch lines? Wala akong alam jan.”-nakasimangot na sabi nito.

“Bibigyan kita ng ilan.”-binigyan siya nito ng ilang mga punch lines. Natatawa siya doon.

Ayos, ah! Pwedeng-pwedeng pandiskarte.

“Oh? Mamili ka na lang doon. Ang dami na noon, ah.”-sabi nito sa kanya maya-maya.

“Ayos ka rin, ah!”-sabi niya. Maya-maya lang ay nagpaalaman na sila.

Bumalik agad siya sa hotel na tinutuluyan nilang dalawa ni Sab. Kinatok niya ang kwarto nito pero walang sumasagot. Pumasok siya sa kwarto nito. At nakitang mahimbing pa rin itong natutulog. Napasiya siyang magluto muna ng hapunan nila. Pagkatapos nun ay naligo na siya.

Kakatukin na sana ulit niya ang kwarto ni Sab pero nabitin ang kamay niya sa ere ng marinig niyang may kausap ito. natukso siyang pakinggan iyon.

“Congratulations, Bryle. Anong feeling?”-sabi nito sa kausap. Si Bryle ang kausap nito. Mas lalo pa siyang na-curious sa pinag-uusapan ng dalawa.

“’di nga? Kailan ang kasal?”

Kasal?! Kaninong kasal?! Ikakasal na sila?!

Tumili ito.

“Waah! I’m so excited. Hahaha. o sige, ibaba mo na ang phone mo baka nakakaistorbo na ako. Bye. Haha. I love you, too… Baba mo na, uy.”-sabi nitong natatawa.

No way! I won’t let her marry that guy!

Hindi pwede. Pursigido na siyang agawin ito sa Bryle na ‘yon. Wala siyang pakialam kung mas mahal nito si Bryle. Matututunan din siya nitong mamahalin.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon