chapter 15

37 1 0
                                    

Sab’s POV

===========================

Kinabukasan ay nagising siyang masakit ang puson. Tiningnan niya ang cellphone niya. May nagtext. Binasa niya iyon.

From: John –oppa

|I’ll fetch you up tomorrow.|

Kagabi pa iyon na-isend. Hindi lang niya nabasa dahil maaga siyang natulog kagabi.

Pero bakit niya ako susunduin?

Tiningnan niya ulit ang cellphone niya.

Oh, gosh, Tuesday nga pala ngayon. Mage-edit kami ng pictures.

Wrong timing naman, oh. May period pa ako.

**********

9:00am

Nasa tapat na ng gate ng bahay nila si John. Umiinit ang ulo niya sa init ng panahon. At sa nararamdaman niya ngayon. Pero mas umiinit ang ulo niya ng makita si John.

Aigooo! Wala talagang kataste-taste sa fashion. Nakakinis! Mikhang patay sa suot nito. ‘di ba siya naiinitan?!

Good morning!”-bati nito sa kanya. Pero ‘di niya ito pinansin. Nagpauna na siya sa paglalakad.

Sab, wait! Ang bilis mong maglakad.”-sabi nito na lakad-takbo para maabutan siya.

Paki mo! ‘wag mo akong kakausapin at mainit ang ulo ko. ”-inis na sabi niya. Ayaw niyang mainis pero ewan ba niya?

Hindi naman ito umimik hanggang sa makarating sila sa bahay nito.

Pumasok sila sa bahay nito at ipinakilala siya sa mama nito.

ikaw ba si Sab, hija? Naku, ikaw pala ‘yung hiniraman ko noon ng schedule.”-sabi ng mama nito.

Ah, opo.”-matipid na sani niya at ngumiti dito.

Ay, naku. Mag-merienda muna kayo.”-sabi nito.

Ay, hindi na po. Kakakain ko lang ng breakfast.”-sagot niya dito.

Ah, ganun ba? Sige, maiwan ko muna kayo. Kung may kailangan kayo, anak. Tawagin niyo lang ako, okay?”-sabi na naman ng mama nito.

Okay,’ma.”-si John ang sumagot.

Doon na lang tayo sa study room.”-baling nito sa kanya. Sumunod siya dito.

JD’s POV

=================================

Kanina pa sila nae-edit ng mga pictures. nakakaramdam na siya ng sakit sa mata niya. Lumayo muna siya sa Laptop. Tiningnan niya si Sab sa tabi niya. Kanina pa ito napapa-buntong-hininga. Parang may dinaramdam ito. pero ‘pag tinatanong naman niya kung okay lang ba ito ay tumatango lang. nakatutok pa rin ito sa Laptop at patuloy sa pag-eedit. Panay ang haplos nito sa tiyan nito. At nagpapawis pa.

Sab, bababa muna ako, kukuha lang ako ng snacks natin.”-sabi niya. Tumango na naman ito. kaya bumaba na siya. at kumuha ng merienda.

Kumuha siya ng Tubig sa halip na Juice at cookies. Bumalik agad siya sa study room. Pero nagalala siya nang makita niya si Sab na nakayuko at yakap ang tiyan nito. Yumuyugyog pa ang mga balikat nito na para bang umiiyak.

Dali-dali siyang lumapit dito.

Sab, are you okay?”-tanong niya dito. Pero mas lalong humagulgol ito.

Sab! Sab! Anong nangyari sa’yo?!”-‘di mapakaling tanong niya.

Tinaas niya ang mukha nito. Nakita niyang pawis na pawis ito. basang-basa ang mukha nito sa luha at pawis. Pinunasan niya ang mukha nito gamit ang palad niya.

Sab! Tahan na!”-sabi na naman niya. Nagpapanic pa rin siya ‘di niya alam kung anong masakit dito. ‘di rin niya alam ang gagawin niya.

Ma! Ma!”-sigaw niya.

Agad namang pumasok ang mama niya sa study room.

Oh, anak? Anong nangyari sa kanya?”-nag-aalala ring tanogn ng mama niya.

I don’t know ‘ma. Kanina pa ‘yan, eh. Sumasakit siguro ang tiyan niya.”-sabi niya.

Oh, sige. Kargahin mo siya. dalhin mo siya sa kwarto mo. Susundan na lang kita du’n.”-sabi ng mama niya at nauna ng lumabas.

Kinarga naman niya si Sab at pinahiga sa kama niya. Kumalma naman ito sandali.

Sab, it’s okay now. ‘wag kang mag-alala, si mama bahala sa’yo.”-sabi niya habang hinahaplos ang ulo nito.

Maya-maya ay pumasok ang mama niya. May dala itong maliit na basin at bimpo. May kung anong mga gamut din na dala nito.

Ma…”-ang tanging nasabi lang niya.

Magiging okay lang siya anak. ‘wag kang mag-alala. Lumabas ka muna. Ako na bahala sa kanya.”-sabi ng mama niya.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon