chapter 24

33 1 1
                                    

Nasa harap siya ngayon ng bahay nila John. Kinakabahan pa rin siya kahit alam niyang nagpapakatatag na siya. Sisiguruhin niyang magmumukhang genuine ang pakikipaghiwalay niya dito. Nagdoorbell siya. Lumabas si Denise para pagbuksan siya.

“Bakit ka pa nagdoorbell po, ate? Pwede ka naman po pumasok agad.”-sabi ni Denise sa kanya habang pinagbubuksan siya nito ng gate.

Oo nga naman! Kahit noong ‘di pa naging sila ni John ay kusa siyang pumpasok ng bahay nito kahit ‘di siya nagdo-doorbell. Pero iba na ngayon, iba ang dahilan kung bakit siya nandito.

“Nasa kusina po si Kuya, ate.”-sabi ulit ni Denise sa kanya. Mamimiss talaga niya itong ‘little sister’ niya.

“Ah, oo sige. ‘punta lang ako du’n.”-sabi niya dito at umupo na ito sa sofa katapat ng TV.

Pagpasok pa lamang niya sa kusina ay agad na bumati sa kanya ang mama ni John at ito naman ay ngumiti ng ubod-tamis sa kanya. Tumutulong ito sa pagluluto sa mama nito. Isa ito sa nagustuhan niya rito. Kahit kasi lalaki ito ay marunong ito sa mga gawaing bahay lalo na ang pagluluto. Masarap talaga itong magluto. Magaling pa yata sa kanya.

Oh, Gosh! How could I break up with him?       

“Good Morning, hija. Buti’t napasyal ka?”-bati sa kanya ng mama ni John.

“Oo nga po, eh. Wala lang magawa sa bahay.”-pagdadahilan niya. Hinalikan niya ito sa pisngi at bumaling kay John.

“Can I talk to you privately?”-sabi niya rito na nakangiti pa rin at lively ang tono. Ayaw niyang magpahalata sa mama nito na may hindi magandang magyayari sa anak nito ngayon. Lalo siyang nagi-guilty.

“Sure… Sa terrace na lang tayo.”-sabi ni John at hinila siya patungong terrace. Nagpatianod naman siya.

“I missed you. Hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag ko, o magreply man lang sa mga text ko.”-malambing na sabi nito habang nakayakap sa kanya.

Mariing pumikit siya. I will miss him so much! Gosh! It’s killng me!

Kumawala siya sa yakap nito at tahimik na pumwesto sa dulo ng terrace.

“Pumunta ka ba rito para yayain akong idate?”-he chuckled. Kung sa normal na sitwasyon ay matatawa talaga siya sa biro nito.

“John, I’m here to…”-huminga siya ng malalim. Nag-ipon siya ng hangin sa dibdib niya. Pinatatag niya ang sarili.

Talia Sabrine Guillen, kailangan mong panindigan iyan!

“You’re here to what? May problema ba?”-tanong ni John sa kanya. Tumingin siya dito. May bahid na pagtataka ang nababasa niya sa mukha nito. Nakakunot-noo pa ito. Yumuko siya.

This is it!

“I’m here to… break up with you.”-parang ang sikip-sikip sa terrace na hindi siya halos makahigop ng oxygen.

Matagal itong nagsalita. Inangat niya ang ulo upang makita ang ekspresiyon nito. Nakatitig lang ito sa kanya. He looked flummoxed.

Maya-maya ay tumawa ito ng mapakla.

“You’re kidding. Right, Sabrine?”-he said sarcastically.

“No, I’m damn serious, John!”-hindi niya mapigilan ang paglakas ang boses. Ginawa lamang niya iyon para kumuha ng lakas ng loob sa sarili niya.

“Then, what’s your reason of breaking up with me?”-sabi nito na gumaralgal na ang boses. Pakiramdam niya ay maiiyak na ito.

Gosh! Akala niya. Dito na matatapos iyon. Pagkatapos niyang sabihin ditong makikipaghiwalay na siya ay e-exit na agad siya. Hindi niya pinaghandaan ang tanong na ito.

“It’s because, nagsasawa na ‘ko sa relationship natin. I don’t love you anymore. ”-sagot na lamang niya. Hindi niya alam kung convincing ba ang tono niya para maniwala ito. Ayaw niyang sabihin dito ang totoong dahilan. Baka sabihin nitong mababaw siya.

“That’s absurd! Just a week ago you said you love me. And now you’re saying you don’t love me? You’re being unreasonable, Sab.”-sabi ni John. Namumula na ang mga mata nito. Kitang-kita niya iyon dahil hindi ito gumagamit ngayon ng eyeglasses. Pinilit pa nitong tumawa para pagtakpan ang sakit na nararamdaman nito.

“Life changes, John. And maybe my feelings for you also changed. Mahal nga kita. ‘di ko alam kung hanggang kailan tatagal ang pagmamahal ko sa ‘yo. I once thought I would love you for the rest of my life. Pero nagising na lang ako isang araw na hindi na pala kita ganun kamahal. I love you… but now, as a close friend.”-mahabang sabi niya. Nakita niyang tumulo na ang luha nito. Umiwas siya ng tingin. Baka kasi madala pa siya sa bugso ng damdamin niya at maiyak din siya. She never wanted this to happen. But she should.

“Hah! I don’t believe you, Sab. Hindi mawawala bigla ang pagmamahal mo sa’kin ng ganoon lang. Maybe, yes. Hindi mo na ‘ko ganoon kamahal. Pero hindi mangyayari ‘yun kung wala kang minamahal na iba… is there a third-party involve here, Sab?”-he sniffed. Bakit ba ito ganito? Parang press ito kung maka-interview sa kanya.

“There’s no third-party involve here, John. Kung ayaw mong paniwalaan ang mga sinasabi ko. I don’t care. But I’m breaking up with you.”-sabi niya at akmang aalis niya pero bigla itong nagsalita.

“Si Bryle ba?”-sabi nito. Pulang-pula na ang mukha nito na pinipigilan lang ang galit at pag-iyak nito.

“What?! Bakit mo siya sinasali sa usapang ito. Wala siyang kinalaman dito. And don’t you dare accuse him!”-pagbabanta niya rito. Totoo naman kasing walang kinalaman si Bryle dito.

“So, that’s a ‘yes’. Si Bryle nga.”-sabi pa nito.

“Sinabing wala siyang kinalaman dito, eh!”-galit nang sabi niya.

“Then why are you so defensive?!”-sabi nito sa kanya na tuluyan na talagang umiyak.

Yumakap ito sa kanya. Gusto niyang kumawala dito pero ‘di niya ginawa. There’s a part of her na gustong i-comfort si John. Para itong batang umiiyak sa balikat niya. Pinigilan niya ang sariling maiyak.

“Ginawa ko ang lahat, Sab, para maging masaya ka sa piling ko. But why? Anong naging pagkukulang ko sa ‘yo? Sabihin mo sa’kin at gagawain ko ang gusto mo… sa pananamit ko? I’ll change my styles.”-sabi nito sa kanya sa gitna ng mga pag-iyak nito.

“John, don’t make this difficult for me. You have to accept it.”-sabi niya. Sumasakit na ang lalamunan niya.

“Paano ang mga ipinangako mo sa’kin? Bale-wala na lamang ba sa’yo ‘yon?”-sabi nito na mas lalong humigpit pa ang yakap sa kanya.

“John, promises do not exist…”-‘yon lang ang nasabi niya. Pilit na kumawala siya rito. At nagawa naman niya. Tingnan niya ito. Walang patid pa rin sa pagtulo ang mga luha nito. Nakokonsensiya siya. Ayaw niyang sabihin ang totoong dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay dito.

“That’s not true Sab. Promises do exist, if people know how to keep it.”-sagot naman nito sa kanya.

Bakit ayaw niya pa akong pakawalan? Nahihirapan na siya sa sitwasyon niya ngayon. Gusto na niyang bawiin ang mga sinabi niya.

“Sab, please, I’m begging you… don’t leave me. Give me second chance to prove myself to you.”-pagmamakaawa nito sa kanya.

Umiiling-iling siya.

“You don’t deserve me, John…”-‘yon lang ang sinabi niya at umalis niya. Pinigilan siya ng mga kamay nito. Pero kumawala siya. Walang lingun-likod siyang umalis sa bahay ng mga ito at naghanap ng taxi pauwi sa kanila. Pagkasakay niya doon ay agad kumawala sa mga mata niya ang kanina pang pinipigilan niyang luha.parang bukas na gripo na pinigilan lamang sa pag-agos ang tubig. Tiningnan niya ang rearview mirror at nakitang nakatingin sa kanya ang driver ng taxi. Inirapan lamang niya ito.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon