chapter 20

82 1 2
                                    

Kung gusto niyong makita ang kissing scene nila ..

Click external link on the right side; or 

Visit my Blog > http://kpoptootzzz.tumblr.com/post/20404574833/tsup-tsup

thank you

=====================================>

Sab’s POV

==============================

Kinabukasan ay napasya sila ni John, Aver y at siyempre ‘her long-lost bestfriend’ na si Bryle na magboating sila. Nilibot nila ang buong isla. At bawat magandang tanawing makikita niya ay kiukuhanan niya ng litrato.

“Wooohhooo!  This is a great place, Avery!”-sigaw niya at tumayo pa bigla at sumayaw-sayaw. Gumalaw naman ang Bangka.

“Ay! Ano ba ‘yan ang likot-likot mo. ‘wag mo ulit gagawin ‘yun. Baka tumaob ‘tong bangka. ‘di pa naman ako marunong lumangoy.”-sabi ni Avery.

“Hindi ka pa rin nagbabago Sabrine. Para ka pa ring kiti-kiti.”-sabi naman ni Bryle.

“Tshh.. paki mo!”-sabi niya kay Bryle. Inirapan niya ito. maging ito ‘di rin nagbabago. Palagi pa rin siya nitong inaasar.

“Mabuti na lang kasama ko boyfriend ko ‘no. kung hindi, aawayin n’yu pa ko magkapatid.”-sabi niya at hinawakan si John. Pinatayo niya ito.

“Ay, naku. ‘wag ka ng mapikon jan. pose nga kayo.”-sabi ni Avery sa kanya. Nagpose naman sila ni John.

“JD. May abs ka pala ano? At ang ganda ng katawan mo. Alam mo gusto ko yung lalaking may abs at maganda ang katawan. ang sarap kasing yakapin, eh. Ahmm !”-sabi ni Avery na para bang sine-seduce si John.

“Hoy! Boyfriend ko ‘to. ‘wag mong lalandiin. Baka makalimutan kong bestfriend kita.”-sabi naman niya at hinarang ang katawan kay John.

“Wahh! Hanep makareact si ate. Binibiro lang naman, eh. Bumigay agad.”-sabi naman ni Avery sa kanya.

“Tsshh..! hoy! Ikaw ha pag may babaing lumandi sa’yo. ‘wag mong papansinin. Ako lang dapat ang apple of the eye mo. Wala ng iba. Tandaan mo ‘yung salitang ‘NO OTHER WOMAN’.”-sabi niya kay John na may himig na pagbabanta.

“Of course. Ipagpapalit ko ba naman ang girlfriend ko na hanep sa kasexyhan. HAHAHA. at saka labs kita ‘no. ‘di kita ipagpapalit sa kahit sino pa mang babaeng hubad ‘jan.”-sabi nito at niyakap siya at hinalikan siya.

‘Di naman lang sila nahiya sa kasama nila.

Paki nila! Mamatay sila sa inggit!

“Talaga lang. ‘pag ginawa mo ‘yun tatadyakan ko talaga ‘yung balls mo.”-sabi niya sabay tawa.

“Hoy! ‘wag dito. Sayang ang lahi ko.”-sabi din nito na humawak pa talaga sa balls nito.

“Ang OA, ah!”-sagot naman niya dito.

“Hoy! JD, ‘eto seryoso ‘to, ah. ‘pag sinaktan mo ‘yang si Sab! Ipapablotter talaga kita. Paparusahan kitang talaga.”-sabat ni Avery sa kanila. May panggigigil effect pa ito.

“Ako rin. ‘pag sinaktan mo ‘yan. Gugulpihin talaga kita hanggang sa maglupasay ka na sa lupa.”-si Bryle naman.

“oy! Oy! Oy! ‘wag niyo takutin ang boyfriend ko ‘no. kayo naman. Daig nyo pa ang kuya ko. kaiinis kayo.”-sabi niya. Tiningnan niya si John. Pinipilit lang nitong ngumiti sa kanya. Parang ‘di na nito gusto ang mga biro ng mga kasama nila.

Tssshh! Kainis naman sila, oh. Tinakot pa si labs ko. L

************

Natapos ang tour nila ng maghahapunan na. inutusan agad silang magbihis ng papa ni Avery dahil magdi-dinner  sila sa isang restaurant/bar. Nagsabi itong magkikita sila doon sa labas ng hotel after 30 minutes.

Pumasok na silang dalawa ni John sa kwarto. ‘di pa rin ito kumikibo.

“John, I’m so sorry.”-sabi niya.

Ano ba ‘yan. Palagi na lang akong may kasalanan sa kanya.

“For what?”-tanong nito. Hindi pa rin ito lumilingon sa kanya. Kumuha ito ng damit sa drawer nito.

“Tungkol kanina sa pinagsasabi nina Avery at Bryle.”-sabi niya. Umupo siya sa may gilid ng kama.

He sighed harshly.

“Sa tingin mo ba, Sab, masama akong tao? Kung makapagsalita sila parang sasaktan talaga kita. I promised you, right? Hindi kita sasaktan. if I could only have the guts to confront them, sasabihin ko sa kanila lahat ‘yun.”-sabi nito na nakatingin na sa kanya.

“Kaya nga I’m sorry, eh. Intindihin mo muna sila okay?”-lumapit siya dito at hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.

“Ang isa pang kinaiinis ko ay ‘yung bestfriend mong hilaw. Ang yabang kung magsalita. ‘kala mo kung sino.”-sabi nito. Yumuko ito.

“Ganoon talaga ‘yun. Intindihin mo na lang. Ayaw kong bad-mood ka ‘pag lumabas tayo rito. Kaya cheer-up, okay? Masisira na naman ang araw natin.”-sabi niya.

Bumuntong-hininga na naman ito. then he smiled. Ngumiti rin siya.

“Pahingi muna ng isang kiss?”-lambing nito sa kanya.

Hinalikan naman niya ito.

“Isa pa.”-dagdag pa nito.

Hinalikan ulit niya ito.

“Isa pa ulit.”-hirit ulit nito.

“Hoy! Tigil na. hinihintay na tayo sa baba. Mamaya na. magbihis muna tayo.”-sabi naman niya. Natatawa siya. para itong batang naghihingi lang ng pagkain.

Lumabi naman ito sa kanya.

Maya-maya lang ay bumaba na sila. Nakasuot siya ng isang mini dress na pinkish white ang kulay. Si John naman ay simpleng nakaformal attire lang.

Bumaba na sila. Hindi binibitawan ni John ang kamay niya simula pa kaninang lumabas sila sa kanilang kwarto.

“’di nyu ba nakasabay si Avery?”-tanong ng papa ni Avery sa kanya.

“Ah, ‘di po,  tito.”-sagot naman niya.

“Ah, ganoon ba? Hintayin na muna natin siya sandali.”-sabi nito.

“Sab, ‘yung kiss ko, dear?”-lambing na naman ni John.

“Ano ba. Hindi ka ba nagsasawa kakikiss sa’kin?”-tanong niya rito. Palagi na lang kasi itong humihingi ng Kiss sa kanya.

“NEEVVAAAHHH!!”-sabi naman nito at biglang hinalikan siya sa harap mismo ng papa ni Avery.

Smack lang ‘yun pero nakakahiya. Hindi pa nagsawa ay nagpatuloy pa ito sa paghalik sa kanya.

Ano ba namang lalaki ‘to?!

Ilang minuto lang ay bumaba si Avery. At nagpasya na silang lumakad na. nasa isang Korean restaurant sila ngayon. May bar iyon sa itaas.

Naupo na sila sa isang family table. At umorder na.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon