Challenge # 12

Mulai dari awal
                                    

"Hay naku, kay Mommy wala namang problema, kay Tatay malaki." Sabi ni Kuya Narcing

"Buti na lang kami nitong si Ganda wala kaming problema. Ke babae ninyong tao ang agang nangati ng mga puke ninyo!" Litanya ni Diko habang pasakay kami sa kotse ni Kuya Narcing.

"Diko ang bastos mo!" Sigaw ni Aswell. Tahimik lang ako sa byahe. Iniisip ko kasi kung totoong may emergency si Oliver o umiiwas siya sa akin. Baka wala na siyang interes sa baby.

Nang makarating sa ospital ay sabay-sabay kaming halos bumaba. We were walking in the corridor nang bigla akong mapahinto kasi nakita ko ang sarili ko sa salamin.

Gosh, I'm so perfect. Inayos ko pa ang buhok ko at ang skirt ko saka muling tumingin sa mukha ko sabay kindat.

"Hoy! What are you four doing?" Boses iyon ni Ree. I looked at my left and right and I found my siblings doing the same thing.

"God! I'm so perfect!"

Halos magkakasabay naming sabi. Si Ree ay tawa nang tawa habang nakatingin sa amin.

"Grabe kayo! Nasa public place tayo. Grabe!"

After that, we went straight to Tita Danelle's clinic. Inuna niyang tingnan si Aswell, tapos si Ree, pagkatapos ako. Flase pregnancy lang daw ang kay Ree pero hindi naman nawalan ng pag-asa si Diko dahil lagi-lagi naman daw sila.

Maayos rin naman kaming dalawa ni Aswell. Masaya si Tita dahil healthy naman ang mga bata sa sinapupunan naming magkapatid pero napansin niyang pumapayat ako.

"Ano bang kinakain mo, Rocheta, o kumakain ka ba?"


"Wala po kasi akong ganang kumain, Tita. Wala rin akong cravings. Kung minsan parang wala po akong panlasa. Pero pinipilit ko naman pong kumain."

"Hindi pwede iyang ganyan and you know that. Try to eat fruits and vegatbles kung hindi ka talaga makakain ng full meal." Nagsulat siya ng reseta ng vitamins para sa akin. Ibinigay niya iyon kaagad tapos ay nagkamustahan lang ng sandal dahil kinailangan rin naming umalis.

"Kuya, pupuntahan ko si Oliver." Nagpaalam ako. Tiningnan niya lang ako saka bumuntong-hininga.

"Ihahatid na lang kita."

"Hindi na kuya. Out of the way kasi. Alam ko naman iyong bahay niya. Mag-iingat ako."

"Okay na iyon, Kuya!" Sabi ni Aswell. "Magpunta na tayo sa mall, please!"

"Fine. Text me when you're there." He kissed my forehead tapos ay isinakay niya ako sa taxi. Kinakabahan ako. Naisip kong i-text siya pero hindi na lang kasi baka mamaya makapaghanda siya. Fuck boy si Oliver, baka mamaya may ibang babae na siyang pinapakitaan ng Ollie Formula niya.

Come to think of it, hindi ko pa nga alam iyong buong Ollie Formula niya.

Pinahinto ko ang taxi sa tapat ng gate ni Oliver. Nagtaka lang ako dahil bukas ang gate niya pati na rin ang front door niya. Basa iyong may garahe niya. Bukas pa nga iyong hose. Pinatay ko iyon pero nakakaramdam ako ng kaba. Baka may kasamang babae si Oliver at naglalandian sila kaya nakalimutan niyang patayin iyongh gripo.

I slowly walked inside his house. Pati sala niya magulo. Alam ko organized siya pero ngayon, nagkalat iyong mga unan sa sahig pati na rin mga dyaryo at magazine. Naalala ko iyong ginawa niya sa akin sa ospital – iyong pagatapon niya ng mga gamit sa table ko at pagpapaupo sa akin roon para lang mahalikan.

Baka iyon din ang ginawa niya sa babae niya ngayon.

"Oh my god..." Bulong ko pa. Kung meron nga siyang kasamang babae, anong gagawin ko?

Once moreTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang