Chapter 6 - The First Fake Girlfriend's Job.

Start from the beginning
                                    

Nagpasya syang sya na lamang ang mag-aabot sa mismong amo nito dahil baka urgent iyon at mapagalitan pa sya kapag hindi nya agad naiabot. Luminga linga muna sya. Glass wall ang kabuuan nang maliit na kwarto nang secretary. Dadaan muna roon ang bawat papasok sa main office nang amo nito.

Dahan-dahan syang kumatok. Walang sumasagot. Muli syang kumatok pero wala talagang sumasagot. Nagpasya syang umasok na lang, at kung sakaling walang tao ay ilalagay nya na lang ang files sa isang lugar na medaling makikita.

Marahan nyang ipinihit ang seradura nang pinto at sumilip roon. Nakita nya agad ang lamesa, ngunit walang tao sa swivel chair. Lumingon sya sa kaliwa at sa kanan. Agad na syang pumasok pero napasigaw sya nang may makita syang nakahiga sa carpeted floor.

Agad nya itong nilapitan at tinangkang gisingin. Nang hindi ito magising ay tumawag na sya nang tulong. Sumigaw sya sa buong corridor at narinig naman iyon nang iba pang secretaries na naroon rin.

"Bakit ba ang tagal mo? Late na late na ako!" Nakasimangot na sabi ni Nikko bago ipakarga sa kanya si Raven.

"S-sorry naman. May isinugod lang kami sa hospital eh. Sige umalis ka na. Nakakahiya naman sayo na pinaghintay kita, senyorito Nicholas." Sarkastikong sabi nya.

"Pwede ba, tigil-tigilan mo ang pagtawag nang totoong pangalan ko sa akin? Tsaka saan mo ba napulot yan?" Iritadong tanong nito.

"Sa i.d mo. Nagkakalat eh." Sabi nya bago dinala si Raven sa kusina. "Ano, baby? Gutom ka na ba? Andito na si ate, di ka na magugutom." Playful na kausap nya rito.

The baby giggled at her.

Nakasimangot lang na tiningnan ni Nikko ang dalawa. "Aalis na ako!" Sigaw nito bago padabog na isinara ang pinto.

"Huwag mo'ng pansinin yung yayo mo na yun, okay?" Natatawang kausap ni Roxanne sa bata. "Pagkatapos mo kumain, maglalaro na tayo."

Quarter to three na sya nakarating sa pad nito dahil isinugod nila sa hospital ang lalaking nakita nyang nakahiga sa opisina nito. Ito pala ang big boss nila, ang may ari nang buong kumpanya at inatake raw ito nang mild stroke nang oras na iyon.

Mabuti daw at nakasigaw sya kaagad nang tulong at naagapan ang pagdala rito sa hospital. Hindi na sya nagtagal sa hospital dahil nga alam nyang naghihintay sa kanya si Nikko, at baka iwanan lang nito si Raven roon, na mabuti at hindi nito ginawa.

Ilang sandali lang ay inantok na si Raven kaya pinatulog nya ito. Mukhang hiyang na ang bata sa aircon kaya agad itong nakatulog. Centralized aircon kasi ang buong pad ni Nikko kaya kahit papano ay gustong gusto nya rin doon dahil lahat nang comport ay naroon na.

Malaki ang flatscreen t.v nito sa living room at pati ang dalawang kwarto ay may t.v at sariling bathroom pa. Inookupa nya ang isang kwarto kapag roon sya natutulog. Nakikita nyang malambot naman ang puso ni Nikko pero napaka bossy talaga nito. Sanay na lahat nang gusto ay nakukuha o nasusunod.

Ang pagiging bossy nito at mayabang ang pinaka ayaw nya rito. Marahil ay kaya nya nagustuhan si Alex ay dahil napaka down to earth nito. May maipagmamalaki rin naman si Alex pero hindi kagaya ni Nikko ay pinangangalandakan nito na gwapo ito at may pera.

Kaya lang, si Nikko naman, parang allergic sa mga babae at si Alex naman ay kilalang playboy. Napabuntong hininga sya. Bakit nya ba pinagkukumpara ang dalawa? Magkalayong magkalayo ang mga ito.

Siguro ay matatagalan pa bago nya tuluyang makalimutan si Alex. Sobrang sakit ang naramdaman nya rito. Akala nya kasi, totoo ito. Kahit na noong una ay nagaalinlangan sya kung talagang gusto sya nito, she gave him her trust.

At ngayon nga, hindi pa ito nagpapaliwanag sa kanya. Ilang buwan pa bago sya bumalik sa eskwelahan nila dahil sa OJT nila ni Yna. Sana man lang gumawa ito nang way para magpaliwanag o makapag-usap sila.

Inilibot nya ang tingin sa kwarto ni Nikko. Doon nya pinatulog si Raven dahil naroon ang mga gamit nito. Nakakatuwa na pinagkakagastusan ni Nikko ang bata kahit na alam nyang ayaw na ayaw nito na mag-alaga. Napilit nya itong kupkupin si Raven hanggang sa lumaki-laki na ito bago nila iturn-over sa DSWD kapag wala pang nag claim nito.

Tahimik nyang pinagmasdan ang bata na payapang natutulog. Wala itong kaalam alam na wala ito sa piling nang mga magulang nito. Naaawa sya rito at natutuwa at the same time.

Napapitlag sya nang mag ring ang telepono ni Nikko na nasa living room. Kaagad nyang linagyan nang unan sa magkabilang gilid si Raven dahil medyo magalaw ito pag natutulog at sinagot ang telepono.

"Hello, good afternoon." Magalang na sagot nya.

"Hello? Hello? Nikko?" Maarteng boses nang babae ang nagsalita sa kabilang linya. Tila ito nagmamadali.

"Ah, pasensya na ho pero kanina pa nakaalis si Nikko." Sabi nya.

"Ha? T-teka, sino ka? Bakit ka nasa pad ni Nikko?" Tila biglang nagalit ang babae sa kabilang linya.

Hindi sya nakapagsalita. Hindi nya alam ang sasabihin nya.

"Hey? Bingi ka ba?" Magaspang pa na sabi ulit nang babae.

"S-sino ho ba sila? Kung may ipapasabi kayo kay Nikko, sasabihin ko na lang na tumawag kayo."

"This is Lyndsay. Ikaw, sino ka?"

Bigla ay naalala nya na isa ito sa mga naghahabol kay Nikko na dahilan kung bakit sya nito kinausap. But still, hindi nya alam kung magpapanggap na ba sya sa oras na iyon.

"Ah.." Hindi nya maibuka ang mga labi nya.

"Hey, bitch. I'm talking to you. Bingi ka ba? Bakit ka ba nandyan sa pad ni Nikko? Are you his new maid?" Sunud-sunod na tanong nang babae.

Nagpantig ang tenga nya sa mga sinabi nito. Bigla ay nagkaroon sya nang lakas nang loob. "Wala kang karapatan para sabihan ako nang bitch! Girlfriend ako ni Nikko, ikaw, sino ka ba sa buhay nya? Hindi ba't habol ka lang naman nang habol sa kanya kahit pinagtatabuyan ka na nya?" Hindi nya napigilan ang sarili na ibulalas ang nais sabihin.

Tila napamaang ang babae sa kabilang linya. Nang makabawi ito ay muli itong nagsalit, tila nagsisimula nang maghesterikal. "How dare you! Ang kapal nang mukha mo. Kung sino ka mang pilingera ka, humanda ka. Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo." Sabi nito bago sya pagbagsakan nang telepono.

Matagal nang nakababa ang telepono pero parang hindi pa rin makagalaw si Roxanne. Parang bigla ay namanhid ang katawan nya.

"My God. Ano ba itong napasok ko?" Mahinang usal nya bago pagal na naupo sa sofa.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Faking It (Published)Where stories live. Discover now