"After a hard deliberation, our beloved judges, the coordinator of student activities and the advisers of both third and fourth years, have finally selected this year's Prom Queens and Kings." simula ng emcee. Winagayway niya ang hawak na isang cue card.

"For the Junior Prom King..." she started. The drum roll effect covered the ballroom. Tiningnan niya ang nakasulat sa cue card at matapos ay ngumiti bago inangat ang tingin. "Mr. Silas Raphael Gallego."

Lumabas ang malaking ngiti sa mga labi ko. Continuous claps exploded from the crowd. I already expected this. Kaya nga gusto kong manalo ng prom queen. Tumingin ako kay Silas na mukhang gulat sa pagkakatawag sa pangalan niya.

"Damn, Boy Gallego!" nakatawang sigaw ni Hadeon.

Pumito si Orion habang si Takumi ay nakuha pang tumayo at pumalakpak nang napakalakas. Natawa ako sa suporta nila na puro kalokohan.

"Silas Raphael Gallego. Please show yourself." nakatawang sabi ng host. Nasa harap na ang principal at coordinator of student activities. Hawak nila ang sash at korona.

"Silas!" tawag ko at gulat pa rin na tumingin siya sa akin, parang walang muwang sa nangyayari. I laughed at him. "Go!"

Kumunot ang noo niya. Itinuro ko ang harapan at sumunod naman siya agad. Tumayo siya at naglakad patungo sa harapan. Nagsipalakpakan ulit ang lahat. A lot were shouting for his name. I couldn't help but clap hard.

Isinuot ang sash, nakasabit ito sa magkabilang balikat at matapos ay ang crown na pang hari. After their pictures were taken, Silas was advised to stay in front. Tumingin siya sa akin at tumango lang ako.

"Now, for the Junior Prom Queen..." katulad ng kanina ay tumunog na naman ang drum roll. Halos umakyat na ang puso ko sa kaba. Damn... Halos hindi na ako huminga. "Ms. Francheska Ramirez!"

I was like a balloon that was popped. My spirit got crushed. My mood deflated. Everyone began to clap but I couldn't make myself do the same. I couldn't find it in me to smile.

"Our dear Junior Prom King, please escort your queen." utos ng host. Tinuro ng coordinator of student activities ang table kung nasaan si Francheska at hinawakan si Silas na parang sinasabing sunduin nga si Francheska.

Hindi iyon ginawa ni Silas. Lumingon muna siya sa table namin. Tumingin siya sa akin. Seryoso ang mukha niya. He's not amused. Katulad ng kanina ay pinilit kong ngumiti at tumango. That didn't convince him. He didn't move. I nodded again and mouthed, "Go."

May sinabi ang principal. Kumunot ang noo ni Silas pero wala siyang nagawa. Inalis niya ang tingin sa akin at dumiretso sa table kung naasan si Francheska na ngayon ay nakatayo na at hinihintay na sunduin ni Silas.

Umiikot ang tyan ko habang pinapanuod ang pangyayari sa harap. I wanted to look away, but I shouldn't. Tumitingin sa gawi ko si Silas at kailangan kong magpanggap na ayos lang ako.

Fuck.

The loss stings. It sucks fucking bad. I feel rejected.

Hindi ko na nasundan ang sunod na mga nangyari. Nakatingin ako sa harapan pero wala naman akong naintindihan. They already announced the Senior Prom King and Queen, but I didn't catch who won.

"To open the dance floor, our kings and queens will now have their first dance." pag-announce ng host. The lights dimmed and James Bay's Move Together began to play.

My heart painfully squeezed. Silas stood there at first, like he didn't want to move, but Francheska said something. He looked torn between dancing and something else. Sa huli ay nagsayaw rin sila. Doon na ako nag-iwas ng tingin.

Every Bad ThingWhere stories live. Discover now