Chapter Ten

106K 3.9K 541
                                    

Malakas ang tibok ng puso ko habang nasa loob ng stall. Hindi ko magawang lumabas hanggat hindi ako nakakasiguradong wala na ang dalawang babae.

Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Mga tanong. Why did Silas ommitted the truth? Tinanong ko siya kahapon pero hindi siya sumagot. And I assumed that he's finished with his own school works just because.

Guilt swarm through me. I'd gladly accept help from others to make my life easy, but not at their expense. I don't drag people to their misery just so I could be happy.

Buong klase ay hindi ako mapakali. I wanted to confront Silas and demand the truth. I feel unsettled.

Nang dumating ang recess ay nangunguna ako sa paglabas. Saktong kakalabas lang ng teacher mula sa kanilang room nang makarating ako roon.

Sumilip ako sa nakabukas na pintuan at nakita ang ilan na nakatatayo na at ang karamihan na nag-aayos ng kani-kanilang bag. May ilang napatingin sa akin dahil sa pagsilip ko. Hindi ko sila pinansin at hinanap si Silas.

"Hadeon! Yung kambal mo." may isang lalaking sumigaw kung saan. Natagpuan ng mga mata ko si Hadeon na nakatingin na ngayon sa akin. Ngumisi siya at tumayo.

"Yes, my dearest twin?" tanong niya habang papalapit sa akin.

I sneered at him. "I'm not here for you."

Nalaglag ang ngisi ni Hadeon. Suminangot siya sa akin at matapos ay maarteng umirap. Tumalikod siya sa akin. "Boi, Gallego!"

Inalis ko ang tingin kay Hadeon at muling hinanap si Silas. He was near where Hadeon was at earlier, nakaupo siya at medyo mapupungay ang mga mata. He looked really sleepy.

I looked around. Nagsialisan na ang karamihan. Only a few remained in the room. Ilang mga mata lang ang nakatingin sa akin.

I walked inside their room. Hindi naman bawal outsider. And like anyone could dare and stop me. Dumiretso ako sa pwesto nila. Tango lang ang binigay ko sa mga kabarkada ni Hadeon nang magpaalam ang mga ito na pupunta ng canteen.

Nakatingin lang sa akin si Silas. Mukhang magtataka sa pagpunta ko sa room nila. Umupo ako sa katabing upuan ng kanya. Hindi niya pa rin inaalis ang mga mata sa akin.

"Have you passed your project?" he croaked. Mababa at mahina ang boses niya, na parang ito ang unang beses na magsasalita siya para sa araw na ito.

"After lunch pa yon." tahimik kong sagot. Tumango siya at tumingin sa akin na parang hinihintay kong sabihin ang pakay ko rito.

Alam ko ang ipinunta ko rito. How will I tell him, though? And why will I tell him? To settle my uneasiness? I feel like I was being a burden to him. Pati siya ay nahila ko sa kapalpakan ko. I didn't like being reminded that I was only dragging him back.

Maliit na bagay para sa iba pero malaki para sa akin. I want to be deserving for the spot beside Silas. I don't want to be the reason of his possible failure.

"What's wrong?" he asked.

I bit my lip and looked away. "I heard something..."

"Heard what?" mas malambing ang boses niya nang sabihin iyon. Nasa akin pa rin ang kanyang mga mata na mapungay. Nakakapanglusaw. We were sitting so close that I could perfectly see his light brown eyes.

Every Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon