Chapter Sixteen

102K 4.1K 1.5K
                                    

My hands grazed over the clothes rack as I searched for the perfect long sleeves dress shirt for Silas. Ang daming maganda at bagay sa kanya kaya mahirap mamili. And... I'm kinda torn between choosing something flashy that would attract me and other people or something simple so he won't get too much attention.

But I doubt simple and cheap clothes would be enough to make him look average. Nung panahon nga na maluwang pa ang damit niya at clean cut pa ang kanyang buhok ay nakuha niya pa rin ang atensyon ko, paano pa ngayon diba? Sabog ovaries na.

"I'm done." natigil ako sa pag-isip nang marinig ang boses ni Silas sa likod.

Nasa tapat siya ng fitting room at suot ang white long sleeves shirt na napili ko. It fitted him well. It hugged his slightly muscled arm. Perfect! Napangiti ako.

Lumapit ako sa kanya. Nanatili siyang nakatayo. He looked a little uncomfortable as I encircled him, trying to get a 360 view of his physique. Even the dark navy blue pants hugged his legs perfectly! Hindi maikli, hindi rin mahaba.

Kinuha ko ang coat na hawak-hawak na staff na malapit sa amin. It matches the pants he's wearing. Dark navy blue rin.

"Wear this." I removed the coat from the hanger. Inabot naman iyon ng staff.

Sa likod ako ni Silas pumwesto at tinulungan siya sa pagsuot ng coat. Kagat-kagat ko ang labi ko habang ginagawa nito. Nang matapos ay umikot ako para makapwesto sa harap niya.

I took a sharp breath, covering my mouth when I did, at the sight of him.

"Ang gwapo!" hagikgik ko at ipinalakpak pa ng isang beses ang kamay.

Inayos ni Silas ang suot na suit at may bahagyang ngiti habang ginagawa iyon. Tumingin siya sa akin at umiling-iling. "Niloloko mo lang ako."

"I'm serious." ngumuso ako at matapos ay tumingin sa paligid. Nakita ko ang ibang staff na nakikinuod na sa amin. Tatlo silang babae. Dalawa ay lalake kaya walang pakialam.

But the girls, or women since they're probably on their mid-twentys, were eyeing Silas with dreamy look on their faces. Even the older lady at her forties was looking at Silas! Pati sa cougar mabenta ang charms niya! Bumagsak ang ngiti ko.

"Ayaw ko na pala n'yan sa'yo." I took a step back.

Kumunot ang noo niya at bahagyang namula. "Why? Do I look stupid?"

"No..." I pouted. "People are staring. Ayaw ko..."

Umiling ako at agad na hinanap ng mga mata ko ang staff. "Miss..."

"Yes, Ma'am?" maagap na lumapit naman ang isang babaeng staff na kanina pa nag-aassist sa amin.

"May branded na sako ba kayo dito?"

"Huh?" kumunot ang noo niya.

Silas chuckled. I directed my eyes on him and creased my forehead. I'm serious. Napatigil siya sa paghalakhak dahil doon. He cleared his throat and straightened his reaction.

"We'll take this." he said to the staff. Tumango ang staff. Agad na ibinalik ni Silas ang tingin sa akin. "B-Are you hungry?"

He really knows the different ways to distract me. One of the ways? Food. Kunwaring nahihiyang ngumiti ako at tumango. "Medyo."

Ako ang nasunod sa kakainan. Well, palagi naman. Silas is just too nice to demand something. Kaya kapag pipili ako ay sinisigurado ko na magugustuhan niya rin at hindi dahil napipilitan siya na roon kami kakain.

Huli namin pinuntahan ang boutique kung saan ko pinagawa ang prom dress ko. It's a beige, almost white, cocktail dress. It lengths upto my mid thighs. Its chest forms a deep-v but remained conservative because of the sheer nude material with embellished crystals that formed a mock neck. Pag malayo ay parang balat ko ang manipis na tela. Ang likod naman ay kita na ang kalahating parte ng likod ko.

Every Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon