Chapter Eight

106K 3.3K 824
                                    

Nakangisi ako habang pinapanuod si Silas na bahagyang namumutla. Gusto kong matawa dahil sa kaba na nakikita ko sa mukha niya. Mukhang pinapanuod din ni Hadeon ang reaksyon ni Silas dahil bigla nitong tinapik at hinimas-himas ang likod.

"Kalma lang, tol. Our parents are really cool." sabi ni Hadeon. Lumingon si Silas dito. Napaggigitnaan kasi namin siya ni kambal. "You've played airsoft right? You know how to dodge a bullet?"

"Hades!" nakangiting pagalit ko at napahalakhak lang siya. Inalis ko ang kamay niya mula sa likod ni Silas at inilapit ang upuan ko.

Inabot ko ang kamay ni Silas na nakalagay sa ibabang ng hita at mahigpit na hinawakan iyon. Bumaba ang mga mata niya roon bago lumipat sa mukha ko. Ngumiti ako sa kanya at marahan na pinisil iyon.

"You'll be fine." sabi ko, pero nang maisip na maulit ang nangyari last dinner... and knowing my brothers. Napasimangot ako. "You know what? Maybe you shouldn't be here. My family will probably convince you to stay away because I'm a bad influence."

Silas' forehead creased, lips clipped straight. His fingers slipped on the spaces between my hand, intertwining our already joined hands. Hindi yung ako lang ang nakahawak.

Bumagsak ang tingin sa kamay naming dalawa na nasa ilalim ng lamesa. Naalis ang kunot ng noo at malalim na simangot ko sa pagkakita 'non.

"No more staying away." he lowly said. Iyong pakiramdam ko ay ako lang ang makakarinig.

Unti-unti akong napangiti habang nakatitig sa kanya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paglaki ng ngiti ko at matapos ay tumango.

"Oh, nadagdagan ako ng anak?" boses ni Mommy ang bumasag sa pagtitigan namin ni Silas. Sabay kaming napalingon pareho roon.

She's already with Daddy, whose arm was wrapped on her lower back. Malaki ang ngiti ni Mommy habang nakatingin kay Silas. Tumingin ako kay Daddy para makita ang reaksyon niya. He didn't seem surprised. Baka sinabihan na ni Hadeon tungkol sa pagdala niya rito kay Silas?

Marahan na pinisil ni Silas ang kamay ko bago binitawan iyon at matapos ay agaran na tumayo para hintayin ang paglapit nila Mommy at Daddy sa dining table. Agad akong tumayo para samahan siya.

"So, this is Silas." sambit ni Daddy nang makalapit sa lamesa.

"Good afternoon po, Mr. and Mrs. Serrano." seryosong sambit ni Silas. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanya.

His entire face was stoic and unreadable, too! Spending time with him for a year and going, I can proudly brag that I know him, too well. Iyong mahiyaing Silas na una kong nakilala na akala ko ay tuluyan nang nawala, nagtatago pa lang pala.

He's still shy and gets nervous. The past year taught me how to read his eyes. His face may be void of emotion but I can see through it.

I couldn't help but smile while watching him stare directly at my father. Iyong parang nasang staring contest. I wanted to laugh so bad but I restricted myself to smiling.

Ibinalik ko kay Daddy ang tingin na ngayon ay sa akin nakatingin. Ngumisi siya at muli ring ibinalik ang tingin kay Silas. "Nililigawan ka ba nitong anak ko, Silas?"

Nabasag ang ngiti sa labi ko at nanlaki ang mga mata. Nasamid si Silas sa sinabi ni Daddy. Ang tatlong kapatid ko naman ay napahagalakpak sa tawa. Pati si Mommy ay napahagikgik din.

Every Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon