Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter Four

370K 6.9K 753
                                    


 "WHAT?"

"You heard me right, Lily. Be with me tonight."

Umawang ang labi niya at napakurap dito. Bumaba ang mata nito sa labi niya at napatiim-bagang. Kumislap ang pagkauhaw sa mga mata nito.

Iniwasan niya ang makatunaw-butong titig nito. He was asking her to come with him. To be with him daw. Gusto niyang matawa. Obviously, pinaganda pa nito ang sinabi. Iisa lang naman ang ibig sabihin ng sinabi nito. He wanted to fuck her tonight. Like every man want to do with her.

"Don't worry. I know it's not free. I will pay you."

Mapait na rumagasa ang mga binitawan nitong salita sa sistema niya. Ine-expect na ni Emily iyon, ngunit hindi niya akalain na may konting kirot sa dibdib pa siyang mararamdaman. Oo nga naman, hindi naman talaga siya libre. Wala siyang dapat ikainsulto sa sinabi nito at hindi niya ito masisisi.

Dahil isa siyang bayarang babae. Iyon ang tingin nito sa kanya.

Nang hindi siya sumagot ay nagpakawala ito ng buntong-hininga. "Okay. Sabihin mo lang kung saan ka namin ihahatid."

"Okay."

"Okay?" puno ng pagkadismaya ang tono nito. Pagkatapos marahas itong huminga. "Okay."

"Sasama ako sa 'yo."

Napatingin ito sa kanya at parang hindi makapaniwala. "Again?"

She rolled her eyes. "Oo na, sasama ako sa 'yo." Wala rin naman siyang choice kundi ang sumama dito. Hindi niya maaaring sabihin kung saan siya nakatira. At 'di naman siya pwedeng magbiyahe mag-isa sa itsura niyang 'yon. Dahil sa biglang naganap sa club, eh, hindi siya nakapagdamit ng maayos. She's almost naked. Baka mamaya may mangyari pa sa kanyang hindi maganda.

Isa pa, babayaran naman daw siya ni Gaz. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa. Pokpok na pokpok ba talaga ang dating niya dito? Malamang, sa napanood nitong show niya kanina ano pa ba ang dapat isipin nito? Na isa siyang pure and innocent virgin na napagtripan lang sumayaw at maghubad? Sa throwback na lang siya virgin. Kung pwede lang ibalik ang kahapon. Ah, hindi, hindi. Ayaw na niyang balikan pa ang bangungot na 'yon sa nakaraan niya.

Nabigla siya nang kunin ni Gaz ang kamay niya at ipatong sa binti nito. Napatingin siya sa lalaki.

Ngumisi ito sa kanya na para bang nagsasabing, "yari ka sa 'kin mamaya".

"Nakapag-dinner ka na ba? Gusto mo dumaan muna tayo sa resto para kumain. Anyway, saan mo gusto kumain? Sagot ko."

"Ah, pwedeng mag-take out na lang?"

"Bakit?"

Tumingin siya sa sarili pagkatapos ay dito. "Gusto mo bang pagtinginan ka ng tao dahil may kasama kang prostitute?"

"You don't look like a prostitute to me." Pinisil nito ang kamay niya at banayad na ngumiti. "Pero sige, mag-take out na lang tayo. Baka hindi ka komportableng kumain sa labas dahil sa suot mo ngayon."

Tumitig siya dito. Gusto niyang isipin na ang ipinapakita nito ay para lang makuha siya at maikama. Pero bakit pa nito gagawin iyon? Sa loob-loob niya ay gusto niyang maniwala na totoo ang ipinapakita nito. Na totoo ang pagtrato nito sa kanya na isa siyang babae na karapat-dapat sa respeto nito at pag-aalaga.

Ayaw niyang husgahan ito. Pero ayaw rin niyang mag-expect sa kung anong klase itong lalaki. Karamihan sa mga lalaking kilala niya ay bastos at mababa ang pagtingin sa tulad niya. She would like to think Gaz is different from them.

Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ay iba ito sa ibang lalaki.

Tumigil ang kotse sa isang fast food chain. Si Gaz lang ang bumaba ng kotse para um-order. Naiwan siya kasama si Rage na napag-alaman niya na pinsan ng lalaki. Kanina pa rin niya napapansin ang mga panakaw na sulyap nito sa kanya.

"Matagal ka na bang nagtatrabaho sa club?" tanong nito sa kanya pagkaalis ni Gaz.

Umiling siya. "Bago lang ako sa club."

"I see. One month ka pa lang doon, I guess?"

"Hindi rin. Mga two-three weeks."

"So, bago ka pa lang talaga doon." Ngumiti ito. "Pero matagal mo na 'tong ginagawa sa ibang club?"

Umiling siya. Hindi siya komportable sa pagtatanong nito kahit na wala namang pambabastos sa tono nito. Siguro curious lang talaga ito, pero hindi pa rin siya komportable na sumasagot ng may kinalaman sa trabaho niya sa club.

He chuckled. "But you dance like a pro. It's hard to believe you're a newbie."

"Hindi kita pinipilit maniwala." Tumingin siya sa salamin. Bakit ba ang tagal ng lalaking 'yon?

Nakita niya sa gilid ng mata na may kinuhang papel si Rage at may isinulat doon. Pagkatapos ay iniabot nito iyon sa kanya.

"A-Ano 'to?"

"That's my contact number. I'm giving you this in case you want to have fun with me after Gaz," sabi nito. "I know my cousin really likes you. But I want you, too. And I have a better proposal to you. So, I hope you keep it."

Tinitigan niya ang mga numerong nakasulat sa papel. "O-Okay." Inilagay niya sa bulsa ng leather jacket nito ang papel. "Anyway, ibibigay ko na lang itong jacket mo sa pinsan mo."

"You can have it."

"Ha?"

"Sa 'yo na 'yan. No worries." He winked at her.

Ilang saglit pa ay bumalik na si Gaz sa kotse dala ang take out nito. "Bro, pwede ba dumaan tayo sa mall kahit saglit lang?" sabi nito kay Rage.

"Bakit? May bibilhin ka pa?"

"Oo sana."

Nagkibit-balikat lang si Rage. "Okay, malapit lang naman 'yon dito. Bilisan mo lang."

Lumingon sa kanya si Gaz. "Okay ka lang?"

Ngumiti siya at tumango.

"Wala ka ba talagang balak tanggalin ang maskara mo?" amused na tanong nito.

Umangat ang kilay niya. "Wala. Bakit, kinakabahan ka na ba?"

"And why would I be?"

"Dahil baka isang bakekang itong gusto mong i-take out."

Tumawa ito. Kahit si Rage ay narinig niyang tumawa. Nanghahamon na tiningnan niya si Gaz. "Paano kung sabihin ko nga sa 'yo na hindi ako maganda? Na Bakekang look-alike 'to? Uurong ka na ba?"

Na-aamuse na tumingin ito sa kanya. "Are you trying to scare me now?" Bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya. Nagulat na lamang siya nang hawakan nito ang baba niya.

Napangisi ang lalaki nang mapansin ang reaksyon niya. "Don't make me remove your mask, baby." His husky voice sent shivers straight through her core. "Kung ako ang masusunod, kanina ko pa 'yan tinanggal. But I respect your decision if you want to play mysterious. I love role playing, anyway." He grinned cockily, his blue eyes gleaming in amusement.

Nang makalayo ito ng unti, saka pa lang siya parang nakahinga ng maluwag. Ang bilis ng tibok ng puso niya at para iyong lalabas mula sa dibdib niya.

Mariin siyang pumikit at kinalma ang sarili.

"Nandito na tayo. Wait, hanap lang ako kung saan ko pwedeng iparada 'to." Nang maka-parking ito, lumingon sa kanya si Rage. "Okay lang ba, Lily, kung maiiwan ka lang mag-isa dito?"

"Wait, man. May bibilhin ka rin sa loob?" sabat ni Gaz.

"Oo, eh. Kaso maiiwan si Lily mag-isa."
"Yes, okay lang ako."

"Well, that's good." Malawak na ngumiti si Gaz. Para bang pabor na pabor pa dito na maiiwan lang siyang mag-isa. Pasimple siyang umirap sa lalaki.

Naunang lumalabas si Rage bago ang lalaki ngunit bigla rin itong bumalik sa loob.

"O, bakit?" 'di niya napigilan matanong.

"'Wag mo sana masamain." Binasa nito ang ibabang labi at parang nahihirapan na tumingin sa kanya. "Ano'ng size ng bra mo?"

Parang nalaglag ang panga niya.

ShamelessWhere stories live. Discover now