Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter Two

419K 7.2K 599
                                    


 NANGINGINIG na bumuga ng hangin si Emily. Walang singlakas ang tibok ng puso niya. Muli siyang lumingon. Nakaalis na ang tren na sinakyan niya.

Ngunit kahit alam niya na malayo na ang lalaki, dama pa rin niya ang iniwang init nito sa kanya. Ramdam pa rin niya ang mainit at matigas na bagay na pumukol sa kanyang pang-upo kani-kanina lang. At magiging ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya iyon nagustuhan.

Bago pa lang pumila sa likod niya kanina sa bilihan ng ticket, nakita na agad niya ang lalaki. Mahirap na hindi mapansin ito. Matangkad ito at maganda ang tindig ng katawan. Fitted ang itim na T-shirt nito na humakahab sa maskulado nitong katawan. Kapansin-pansin ang kakaibang kagwapuhan nito, lalo na dahil sa asul nitong mga mata.

His eyes were perfect.

Tanda niya kung paano niya naramdaman ang pagsusuri ng mga matang iyon sa kanya sa pila at sa loob ng tren. At kung paano pinigilan niya ang panlalambot ng mga tuhod niya sa ilalim ng maiinit nitong titig.

And then she felt his lust over her.

Nakagat niya ang ibabang labi at wala sa sariling napangiti. Jusko, hindi niya natatandaan na may ganoon kagwapong nagbigay sa kanya ng ganoong klase ng atensyon. It was flattering on her part. Hindi siya nakaramdam ng pagkabastos. Siguro, kung ibang lalaki ito ay pumalag na siya at nasampal ito.

Pero hindi sa lalaking 'yon.

There's something about him that made her want it. Nang dumikit ang likuran niya sa matigas ng pangangatawan nito, pakiwari niya ay may libo-libong kuryente ang dumaan sa mga ugat niya. Masarap sa pakiramdam. Binuhay ng estrangherong 'yon ang isang bahagi ng pagkatao niya na uhaw sa ganoong klaseng pangangailangan. Bagay na ikinagulat niya sa kanyang sarili.

Alam niya na hindi dapat siya masiyahan. Dapat siyang mainsulto at mabastusan dahil alam niyang katawan lang niya ang habol nito. Pero kusang tumutugon ang katawan niya sa isang makamundong pangangailangan. At isang bahagi niya ang gustong makilala ang lalaki. Makita muli ito.

Wala sa sariling napangiti siya.

Nawala ang ngiting iyon nang maalala niya na kailangan na niyang magmadali.

Isang lihim ang trabaho niya sa kanyang ina at sa mga nakakakilala sa kanya. Ang alam lang ng mga ito ay lumipat siya sa ibang coffee shop. Ang tanging nakakaalam lang niyon ay si Lorie na siyang nagpasok sa kanya sa club.

Sigurado siya, sa oras na may makaalam sa isa sa mga nakakakilala sa kanya tungkol sa ginagawa niya ay mabilis na kakalat iyon, at mabilis na mahuhusgahan siya. At natatakot siya na dumating ang araw na 'yon. Pwedeng makaapekto sa kanyang pag-aaral kung may makaalam ng ginagawa niya. Pero kung titigil naman siya, paano na ang kanyang ina? Hindi sapat ang pagpa-part time sa coffee shop para sa mga gamot nito.

Ang trabahong pinasok lang niya ang nakita niyang choice para kumita ng mas mabilis at mas malaki. At saka nag-iingat naman siya para hindi mabisto ang identity niya.

Iyon ang rason kung bakit lagi siyang nakamaskara sa tuwing nagsasayaw siya. Tinatanggal lang niya iyon sa magre-request sa kanya at handang magbayad nang malaki.

Nasa dressing room na siya at naghahanda sa sarili nang pumasok si Lorie at hanapin siya. "Oy, Emily. Magmadali ka na dyan. Ikaw na ang susunod."

Ngumiti siya dito. "Oo na, Madam. Mabilis na 'to." Muli niyang nilapatan ng lipstick ang labi niya. Bloody red ang kulay noon. Iyon ang paborito niyang ilapat sa labi niya sa tuwing magsasayaw siya. Pakiramdam niya ay mas nagiging kaakit-akit siya doon. Kahit si Lorie ay gusto ang paraan niya ng pag-aayos sa sarili. Natutunan niya iyon sa kanyang ina.

ShamelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon