Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter One

659K 8.8K 1.1K
                                    


 "EMILY!"

Napalingon ang dalaga sa tumawag sa kanya. Si Arlene, kaklase at kaibigan niya sa unibersidad kung saan siya kumukuha ng Business Administration. Third year na siya. Kaunting tiis na lang ay makakatapos na siya at makakatulong na rin siya sa kanyang ina at dalawang kapatid na nag-aaral din. Nasa second year high school ang sumunod sa kanya na si Albert at first year high school ang bunso nila na si Angela.

"Jusko, hinapo ako kakahanap sa 'yong babae ka!" Hawak-hawak nito ang dibdib at habol habol ang hininga.

"Kailangan ba kasi na tumakbo ka? O, eto uminom ka nga. Baka atakihin ka pa." Inabot niya dito ang bote ng mineral water. Kinuha nito 'yon at uminom. "Galing lang ako sa library. May kinuha lang akong libro na kailangan ko. Ano bang kailangan mo?"

"Whooo! Nauhaw ako doon, ah." Bumuga 'to ng hininga, sabay ibinalik sa kanya ang bottled water na halos nauubos nito. Kabibili lang niya doon. "Sasama ka ba mamaya? Nag-aaya sila pumunta sa birthday party ni Iza mamayang gabi."

"Ah, invited kayo?" tanong niya, sa tonong pagbibiro.

"Aba, oo naman! Lahat nga tayo invited. 'To naman!" sinundan nito iyon ng malakas na tawa. "Alam mo naman 'yon si Iza, gustong-gusto ipakita sa lahat kung gaano kabongga at kayaman ang pamilya."

"Akala ko pili lang ang mga invited sa birthday party niya."

"So, ano na? G ka rin?"

Ngumiti siya, sabay iling. "Hindi, e."

"Ay! Bakit na naman?" dismayadong sabi nito. "'Wag mo sabihing may trabaho ka mamaya? Um-absent ka muna. Minsan-minsan lang naman 'to eh."

Malungkot na ngumiti siya. "Hindi ako pwede ngayon, Arlene, eh. Kailangan unahin ko muna 'to bago party. Alam mo naman, 'di ba? May sakit si Nanay."

"Ano ba 'yan?" nalulungkot din na saad nito. "Sayang, 'di ka makakakita ng mga pogi mamaya. Sigurado, nandun lahat ng gwapo nating schoolmates. Hihi."

Natawa ang dalaga. "Mas lalo akong walang panahon kung lalaki lang hanap ko. Kayo na lang, i-enjoy niyo ang party."

"Sayang talaga. Pagkakataon mo pa 'yon noh para ibandera ang ganda mo. Alam mo bagay na bagay ka talaga sa mga parties na ganun, mga sosyalan ba? Kasi sayang naman 'yang mala-dyosa mong kagandahan kung panay school at trabaho lang ang iniintindi mo. Mag-chill ka rin paminsan-minsan. Gawin mo 'yon habang bata ka pa."

Kung pwede nga lang. Kaso hindi niya pwedeng isipin ang sarili niya sa ngayon. Dapat isipin niya muna kung paano makakaahon sa buhay, kung paano makakapagtapos ng pag-aaral, at kung paano makakatulong sa pamilya niya. Wala sa isip niya ang magpakasaya, ang mag-party-party tulad ng ginagawa ng mga kaedaran niya.

Hindi siya isinilang na mayaman. Hindi siya isinilang para maging madali ang lahat ng bagay para sa kanya.

Nakasalubong nila ni Arlene ang iba niyang kaklase. Kinumbinse rin siya ng mga ito na sumama pero tumanggi siya. Kahit gustuhin niya ay hindi rin siya makakasama. Wala siyang susuutin at tiyak siyang magmumukha lang syang naligaw kapag pumunta siya sa bahay nina Iza.

Kilala niya si Iza Montenegro. Sikat na sikat ito sa buong university nila. Bukod sa maganda ay ubod din ng yaman ang pamilya nito. Kinaiinggitan ito ng babae sa kanila dahil bukod sa nandito na ang lahat-lahat, girlfriend pa ito ng gwapong captain ng college football team nila.

Minsan ay nakikita niya ang mga ito pero hindi niya gaanong napagtutuunan ng pansin. Abala kasi siya sa ibang mas mahahalagang bagay. Kakatwang sa kanyang edad ay hindi siya masyadong nakakapag-enjoy sa mga bagay na ginagawa ng mga kaedaran niya. Ni hindi niya maranasan ang pumarty, manood ng concert, at maki-bonding sa lakad ng mga kaklase niya. Pagkatapos ng klase niya ay diretso agad siya sa bahay. Magpapahinga lang ng kaunti, kakain, at diretso naman siya sa trabaho. Sa isang coffee shop siya nagtrabaho bilang waitress. Ngunit nag-resign na siya doon, mga two weeks na rin.

ShamelessWhere stories live. Discover now