Wattpad Original
There are 5 more free parts

Rage and Fire

1.1M 11.8K 815
                                    


Kailangan mo 'tong gawin, Emily.

 Iyon ang paulit-ulit na sinabi ni Emily sa kanyang sarili sa kabila ng malakas na kabang pumipintig sa dibdib niya. Kakayanin niya. Pipilitin niyang sikmurain na gawin iyon hindi dahil sa sarili niya.. Kundi para na rin sa kanyang ina na nasa ospital nang mga sandaling 'yon. Na alam niyang kailangan ng tulong niya.

Muli, naramdaman niya ang pag-iinit ng mata.

Ngayon lang niya ito gagawin. Alam niyang wala siyang ibang pagpipilian kundi ito. Mahirap man sa loob niya, ngunit ito lang ang nakikita niyang paraan.. Mapait siyang ngumiti. Kasabay niyon ay ang pagkudlit ng alaala sa kanyang isipan.

Hindi na naman siya dapat kabahan pa sa mangyayari.. Wala na rin namang mawawala sa kanya kung gagawin niya iyon, di ba?

Humugot siya nang malalim na buntong-hininga.

"Emily, just to remind you again. Wala na itong atrasan." paalala sa kanya ni Lorie habang inihahatid siya nito sa dulo ng pasilyo.

 Nakilala niya ang matandang binabae sa beauty salon ng kapitbahay niya nang minsan siyang magpaayos. Noon pa man ay inaalok na siya ni Lorie sa trabahong iyon na pa-ulit ulit niyang tinanggihan.

Kung hindi lang malaki ang kanyang pangangailangan ngayon ay hindi papasok sa isip niya na tanggapin ang alok nito. Tumigil sila sa tapat ng isang silid. Alam niya nandoon na ang mga naghihintay sa kanya.

"Okay ka lang?"

"O-Oo."

"Then, be good, ha? Make sure to give them your best performance."

Tikom ang bibig na tumango siya at sinuot ang maskara. Hinayaan niyang tumalbog ang balakang niya sa kanyang pagpasok sa kwarto. Ramdam niya ang init ng titig ng mga nasa loob ng kwarto. Dama niya ang nagsisiklab na pagnanasa ng bawat isa. Hindi pa man naaalis ang manipis at maliit na telang nagtatakip sa kanyang katawan, nararamdaman na niyang tila hubad na sya sa mata ng mga ito.

Isasantabi muna niya ang kahihiyan at dignidad.

Kakalimutan muna niya kung sino sya.

Ngayong gabi, alam niyang nakatadhana nang magbago ang buhay niya.

ShamelessWhere stories live. Discover now