Sumimangot si Mommy nang may mapansin sa likod namin. Pati ako napatingin. It was Dad who looked bored out of his mind. "Zion, umalis ka d'yan!"

My Dad shook his head, muttering some words under his breath before going to the bed where Hadeon is. Nakita ko pang tinapik ni Hadeon ang likod ni Daddy, mukhang kino-comfort ito sa pagtaboy na ginawa ni Mommy. Napangiti na lang ako.

"Silas, ilagay mo yung braso mo sa likod ni Laurene." my mom ordered as she pressed the shutter.

Hindi iyon agad ginawa ni Silas. Tiningnan ko siya at nakita ko ang pagsulyap niya kay Daddy na nakaupo sa kama. Nakataas ang isang kilay nito at parang naninindak. Alam kong niloloko lang ni Daddy si Silas kaya napailing ako.

Ako na mismo ang kumuha ng kamay ni Silas at inilagay iyon sa likod ko. Hindi ko na pinanuod ang reaksyon niya. I leaned my head on his shoulder and happily smiled at the camera. Naging matamis ang ngiti ko nang maramdaman ko ang kusa niyang paghawak sa bewang ko. Itinaas niya ito ng kaonti dahil masyadong mababa ang lagay ko. 

My mom enjoyed taking photos so much. Pati sa hallway ay gusto niyang magshoot. Like anyone could say no to my mother. She's too charming for her own good. Naging saglit lang iyon. I reminded her of the call time. Lalo na at parte ng cotillion si Silas.

Marami ng tao sa labas ng ballroom. Lahat ay nakaayos. Magaganda ang dress at halatang pinaghandaan ang event na ito. Nakakumpol ang bawat section. Nakita ko agad ang mga kaklase ko, pati si Des at Pia. Kumaway lang ako sa kanila.

Hindi na sumama ang parents namin sa pagpunta sa mismong venue. I left the bouquet with them. Nawala na si Hadeon sa paningin ko. Siguro ay pumunta na sa section nila o di kaya ay sumama na kila-Orion.

Hinanap ko naman ang pila ng mga parte ng cotillion. Nasa pinaka-harap sila. I can see that they're almost complete. 

"Silas, nandoon yung pila niyo." tumuro ako sa harapan at matapos ay kinuha ang kamay niya para hatakin siya papunta roon. 

"Hey..." Silas firmly squeezed my hand. Hindi siya nagpahatak sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad na ginawa. Kunot ang noo na tumingin ako sa kanya.

"Bakit?"

He licked his lips. Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha mula sa loob na bulsa ng kanyang coat. It was a rectangular box. Binuksan niya iyon at atomatiko ang pag guhit ng ngiti sa mga labi ko nang makita ang magandang corsage. It was a beautiful arrangement of pink roses and a white type of flower. May nakatikwas rin na mga crystals na nagpaganda lalo.

Kinuha ni Silas ang kamay ko at marahan na kinabit ang corsage sa aking wrist. I couldn't stop myself from smiling. Ang lakas din ng kalabog ng puso ko. 

"Tambay ka ba sa Dangwa? Ang dami mong pabulaklak." nakatawang sabi ko rito.

Naglaho ang tawa at ngiti ko nang inangat ni Silas ang aking kamay. Bahagyang nanginginig ang kamay niya. Nakatitig siya nung una sa akin pero nang di magtagal ay pumikit din siya. 

I inhaled sharply when his lips pressed softly at the back of my palm. I waited for him to release it immediately but he didn't. He even opened his eyes and looked at me as he kissed it still. My heart went damn wild. It's my turn to shake like crazy.

Silas brought down my hand and brushed his thumb over the spot that he kissed. Hindi ako makahinga. Isang halik niya lang sa kamay ko ay para na akong nahilo. Bakit ba ganito kalala ang epekto niya sa akin?

Silas licked his lips again. He released my hand. His face slightly flushed. "I-I'll see you later."

Tumalikod siya sa akin at agad na umalis. Matapos niya akong panginigin sa ginawa niya ay mamumula siya at mahihiya? Damn, Silas!

Every Bad ThingWhere stories live. Discover now