Secret 07: Spirits

Start from the beginning
                                    

Fake it till you make, Christeur.

Kung alam lang ni Dean kung gaano ako kapuyat dahil lang nasa tabi ko siya. Bawat langhap ko ng amoy ng buhok niya, parang gusto ko nalang sumuko at yakapin din siya pabalik. 

Gusto ko rin siyang mahawakan.

Maramdaman 'yung init ng katawan niya sa'kin.

Pero hindi talaga pwede.

Iba ang pinunta ko rito at wala akong balak lumihis ng daan at magpabulag  sa mga nararamdaman ko.

Napasabunot ako sa buhok ko at tinanggal na ang mga nasa katawan ko. Nilapag ko ang choker sa ibabaw ng mga hinubad kong damit sa may sink at nagsimula nang mag-linis ng katawan. Nang buksan ko na ang shower, rumagasa na ang malamig na tubig sa buong katawan ko. 

Pumikit ako at nagpatuloy sa pagmumuni-muni. 

University of Delilah.

Lagpas isang araw na nang makapasok ako rito pero wala pa rin akong makuhang impormasyon na makakatulong sa'kin para sa kaso ng mga magulang ko. Bawat establisyamento ay may CCTV at bantay sarado kaya wala manlang akong magawa para isagawa 'yung imbestigasyon ko.

Bukod pa roon, mainit din ang mga mata sa amin ng student council. Unang pagkikita pa lamang namin ni Kyle, nalaman niya na agad na may tinatago ako. Who knows kung parte rin ng plano niya ang parusang paglinis kami ng mga banyo para sa dormitory na ito kami matulog at mamanmanan nila kami?

That is one of the reasons why I could not sleep last night.

Hindi mawala sa isip ko 'yung mga ilaw na nawawala-wala sa harap ng pinto ng kwarto namin ni Dean.

There was someone walking back and forth in the corridor. I could even hear that person's heavy footsteps. 

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong balewalain 'yon dahil ngayon, naririto lang ako at nag-iisip. Kung tutuusin, nakuha ko na sana ang sagot kung sana hindi ako naduwag lumabas.

I did not know what was waiting for me outside that door. I can't take my chances given that the situation might inflict harm on me during the process.

No, I am not like the people in movies.

Also, even though I am a guy, I am still able  to feel fear.

Pagkatapos kong magbihis ay tinignan ko agad ang sarili ko sa salamin. Nang sa tingin ko ay ayos na naman na ako ay pinit ko na 'yung pinto at lumabas na ako sa banyo. Tumingin pa sa akin si Dean mula ulo hanggang paa at lumukod agad ang mukha niya.

"Bakit hindi ka nakatuwalya?" bulalas niya. Nilagpasan ko naman agad siya at tumungo sa hinigaan ko kanina. Inayos ko 'yung mga gamit ko at tsaka tumugon.

"Is that so?"

Lumaki agad ang mga mata ko nang marinig ko 'yung boses ko. Tumingin naman ako agad kay Dean at nakakunot ang noo niya.

"Whoa, what was that? Bakit ang lalim ng boses mo?"

Think, Christeur! Think!

I did what came first to my mind and I faked a cough. Tinuro ko 'yung lalamunan ko at agad akong kumaripas ng takbo papuntang C.R. Sumunod lang siya sa akin pero sinarhan ko na agad ang pinto bago pa man siya makapasok. Medyo nakauwang nga lang 'yon. Umubo pa ako nang umubo at nagkunwaring naduduwal.

"Hey! Are you okay?" Dean asked while continuously knocking the door.

Binuksan ko ang sink para magmukhang totoo ang arte ko. Hinablot ko agad ang choker at sinuot 'yon sa leeg ko.

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now